chapter 35

19 1 0
                                    

hailey's pov

inaasikaso namin ang mga estudyante sa booth namin ng hilahin ako ni linton, aish!

"inaano kita? makahila ka!" inis kong sabi dito

"sorry na,may ipapaki-usap lang naman ako" natatawang ani nito, tignan mo'to parang baliw!

"ano?" taas kilay kong tanong dito

"ang sungit, ahm ano pwede mo ba ilista si ayang tas clayn magpakasal?" sabi nito ng nakatitig sa'kin, umiwas naman ako sa tingin na'yon dahil baka matunaw ako

"a-ano? hindi pwede" sabi ko ng nakataas ang kilay

"sige na, please?" sabi nito at nagpuppy eyes pa, aish!

"o-oo na!" inis kong sabi

"thanks!" masayang sabi nito at niyakap ako, a-ano ba'to! bumalik na kami ni linton sa booth namin at nilapitan sya ni tony, asan si chris? nevermind

"ba't ang tagal nyo dre?" tanong ni tony

"oonga?" sabi ni rick na may nilalantakan na footlong, nagbebreak time agad wala pa ngang ginagawa aish!

"w-wala, kayo napakachismoso nyo!" inis kong sabi sa kanila at tinawanan lang ako ni linton!

gaya ng sinabi nya ay inilista kona ang dalawa at ng matapos ang nauna ay tinawag kona si ashley at raven para sunduin sina clayn at ayang, hindi parin umaalis sina tony at linton kasama nadin nila si chris, teka bat andito nadin si aya, pat at owel?? sino nagbabantay ng booth nila? aish!

dumating din sila ashley at raven kasama sila ayang at clayn tinanggal naman nila ang piring at ang dalawa ay nagulat sa nakita, cute talaga nila tignan

inayusan kona si ayang, mabilis na ayos lang para magmukha syang bride at inayusan naman ni rick si clayn at pinwesto na namin ang dalawa upang makapagumpisa na, kahit ayaw ni ayang ay naglakad ito sa red carpet at tinungo ang daan papunta kay keb, sya kasi ang nagsilbing pari kahit demonyo sya pfft

nakarating na si ayang sa pwesto ni clayn na mukha masaya pa sa ginagawa, imilahad naman ni clayn ang kamay nito at nagaalinlangan pa si ayang kung tatanggapin pero tinanggap naman ito ni ayang

"ikaw lalaki, tinatanggap mo ba itong si babae bilang iyong kabiyak?" tanong ni keb

"yes" nakangising sabi nito at tumingin kay ayang

"ikaw babae, tinatanggap mo ba itong si lalaki bilang iyong kabiyak? kapag tinanggap mo mabibiyak ka nanaman" ani ni keb dahilan ng tawanan ng mga estudyante siniko naman sya ni rick at pinandilatan ko sya ng mata, parang sira!

"yes?" pagaalinlangan na sagot ni ayang, sus gusto din!

"joke lang yung kanina, hahahhahaha ano tinatanggap nyo ba isa't isa?" ulit na tanong ni keb, mayayari talaga 'to sakin eh!

"oonga!" sabay na sigaw ni ayang at clayn, ano 'yon? bat may pag ganon?

"easy, oo na makakasal kayo" natatawang ani ni keb at binigyan ng basbas ang dalawa, eme emeng basbas

"you can now kiss este hug the bride" ani ni keb, niyakap naman ni clayn si ayang yung yakap nila ay parang miss na miss nila ang isa't isa

nagsipalakpakan naman ang mga estudyante at napatingin naman ako kay owel, ay! malungkot ang mukha nito :(

owel's pov

sana hindi nalang ako sumama kala chris, ang sakit naman non :(

natapos ang wedding booth at bumalik na kami ulit sa kanya kanya naming booth

"hoy! ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni ayang

"ayo-" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng dugtungan nya ang sinabi nya

"hindi ka ayos" seryoso nyang sabi

"baliw, ayos nga lang" sabi ko dito at ginulo ang buhok nito

"'pag may problema, tell me okay? i'm here " nakangiti nyang sabi, yes you here but as a friend :(

"oo naman" nakangiting pilit na sabi ko sa kanya, napatingin naman ako kay rusel kausap nya sila chris at ang saya saya nya, i admit, bagay sila.

bumalik si ayang kung saan sya nakapwesto at ganon din ako at ang iba

"sakit no?" natatawang ani ni pat

"dika kasi dumadamoves" sulpot naman ni aya

"takte kayong dalawa! tsaka kahit lumaban ako paniguradong talo ako" sabi ko at umiwas ng tingin

"aw!" malungkot na sabi ni aya

"ba't mo nasabi? eh hindi mo pa nga nasusubukan" -patrick

"w-wala, bumalik na nga kayo sa mga pwesto nyo" sabi ko at bumalik na din sa ginagawa

hindi nyo alam, tsaka sila naman talaga ang magkakilala at sila ang tunay na nagmamahalan, anong laban ko? tsk!

kung hindi ngayon baka sa huli, pagtagpuin ulit tayo.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora