chapter 53

14 1 0
                                    

clayn's pov

nag-aayos na'ko ng biglang may kumatok, binuksan ko naman ang pinto "andyan sila tony sa baba" bungad na sabi ni kuya tinanguan ko lang 'to at sinarado ulit ang pinto.

inayos kona ang lahat ng dadalhin ko at bumaba nadin ako "ingat kayo, clayn ikamusta moko kala kent" sabi ni kuya mat kagaya kanina ay tinanguan ko lang 'to.

"dre, pinaghandaan much?" natatawang sabi ni linton "hindi naman" natatawa kong sabi sa kanya, lumabas na kami at sumakay na ng sasakyan.

naging mabilis ang byahe namin "excited lang makita boss? dahan dahan lang" natatawang sabi ni chris, tumawa naman ang dalawang itlog, tss.

maya maya pa'y nakarating na kami kala ayang at andito na pala lahat kami nalang ang hinihintay.

bumaba kami ng sasakyan, papunta na kami sa gate nila ayang at sya agad ang bumungad sa'kin, tss, lalo tuloy gumanda araw ko.

"tara, pasok kayo" nakangiting sabi ni ayang, sinundan lang namin sya at bumungad sakin ang maraming tao halatang nagulat sila sa nakita, yung iba. napatingin naman ako kay kuya kent nakatitig din pala 'to sakin ng mapatingin naman ako kay chinchan nakatitig din ito sa'kin, tss

"a-ah tara na" basag ni ayang sa katahimikan "tara" sabi naman ni kuya kent.

sumakay naman sila ninay, joyce kala liam at raniel, sila hailey, keb, rick naman ay kay owel at si ayang, ruby, prince at chinchan naman ay kay kuya kent, yung dalawang babae naman ay kay kuya kent din, no worry naka van naman sila kaya kasya sila, alam ko nakita kona yung dalawang babae, i don't know kung saan.

gaya nila ay sumakay nadin kami "masayang roadtrip 'to" masayang sabi ni chris "syempre maraming girls eh" natatawang sabi ni tony "lul, ang lungkot nga eh wala si aya" nakasimangot na sabi nito si linton naman ay nakatutok sa cellphone na para bang importante ang kausap nito, tss

sana dito ko nalang pinasakay si ayang, mahaba habang byahe din 'yon, oras din na makakasama ko sya, sayang!

"oh? wag ka naman sa manibela mang gigil" nakangising sambit ni chris dahilan para matawa ang dalawa "tss, shut up!" inis kong sabi sa kanila dahil ayoko na makasama ang tatlong itlog na'to ay binilisan ko ang pagtakbo.

napahawak naman sila sa upuan "pota! ano 'to trial ng kamatayan? dahan dahan hoy!" natatakot na sabi ni chris, tss napakabading! "dahan dahan naman mamaya mahuli tayo sa bilis mong magpatakbo" sabi naman ni tony, si linton naman ay halatang nag-eenjoy, ako din nag-eenjoy.

mas binilisan kopa, sila chris at tony naman ay napadasal nalang, pota! pfftt

after an hour nakarating nadin kami dun, sila kuya kent palang ang nandon, tinabi ko naman ang kotse ko sa tabi ng sasakyan nila kuya kent.

natawa naman si ayang "ba't ganyan mga itsura nyo?" natatawang tanong nito at nakaharap kala chris at tony nakitawa nadin si linton "malay ko" natatawang sabi ni linton at ang dalawa ay masama ang tingin sakin at kay linton, tss.

maya maya pa ay magkasunod na dumating ang sasakyan nila liam at owel.

ipinark ni owel ang sasakyan nya sa tabi ko, ipinark naman ni liam ang sasakyan sa tabi ni owel at bumaba nadin sila.

ng lahat sila ay makababa na "tara na para makabook na tayo ng mga rooms" sabi ni kuya kent at lumakad na sinundan naman namin sya at nasa tabi ko pala si ayang "hi" bati ko dito "hello" nakangiting bati nito "aga aga pinapakilig moko" natatawa kong bulong dito, tinawanan lang ako nito at hinampas ng marahan ang braso ko "aga aga ang sweet sweet nyo" sabat naman ni chinchan kaya tinawanan lang namin 'to.

nakarating nadin kami sa hotel na pagsstay-an namin at nagbook na si kuya kent, naka-upo lang kami dito sa gilid, lumapit sa'min si kuya kent "6 na tao lang per rooms, dalawa kasi ang kama at malaki" sabi ni kuya kent at binilang kami "ganto nalang, ruby, cess, rese, hailey, ninay at joyce kayo sa isang room" mahabang sabi ni kuya kent "sa'n si ayang?" tanong naman ni chinchan, hindi naman ito pinansin ni kuya kent "clayn, kayong tatlo *turo kala linton* tapos kayo *turo kay liam* and ikaw *turo kay owel* kayo sa pangalawang room" sabi ni kuya kent "six kami?" tanong ko dito, tumango lang 'to "sa'min nalang si ayang" nakangisi kong sabi dahilan para mapatingin sa'kin lahat "no" seryosong sambit nito, tss nagjojoke lang eh. "ako, si ayang, *turo kay raniel* chinchan, keb, rick at prince sa pangatlong room" sabi pa nito at lumapit sakin para ibigay ang susi namin at lumapit ito para ibigay kay ruby ang susi nila "magpahinga kayo, tatawagin ko nalang kayo kapag magdidinner na" sabi nito at naglakad na sinundan naman namin ito paakyat.

magkakatabi lang ang mga room namin, pumasok na kami sa room "owel, tabi tayo nila tony, masama ang ugali ng dalawang 'yan" nakasimangot na sabi ni chris tinawanan lang sya ni owel napatingin naman sa'kin ito at umiwas din agad, tss.

nilagay naman namin sa kabinet ang mga gamit namin at nagsi higa, nanunuod lang kami yung iba naman ay nagsecellphone dahil may free wifi dito.

kung hindi ngayon baka sa huli, pagtagpuin ulit tayo.Where stories live. Discover now