CHAPTER ONE

21 7 0
                                    

HEATHER'S POV

Ako si heathera hana zane you can call me heather for short. Galing lang ako sa isang simpleng pamilya,kailangan mag trabaho para may makain. Hindi ko nga ba alam kung bakit ang surname namin ay zane. Oo alam kong galing ang surname namin sa papa ko pero ang ipinagtataka ko kung saan niya galing iyon dahil ang pagkakaalam ko ang apilyidong Zane ay galing sa mga mayayamang pamilya, pero hindi naman kami mayaman at kapag nag tatanong ako kay papa ay wala siyang binabangit na sagot saakin kapag iyon na ang aking tanong.. Hayyst makalimutan na nga ang isiping iyon, nakaka dagdag lang ng stress sa aking katawan hehe.

Papunta ako ngayon sa palengke para mag benta ng kakanin duon.
pagkarating ko don ay nakakarindi ang ingay,maraming tao, at nangangasiwa ang amoy karne, isda, gulay at ibat ibang nasa palengke pa. Simula ng maliit pala mang ako ay pumupunta nako dito para matulungan sa pagbebenta si mama, pero ngayon ako nalang mag isa dahil napag usapan na namin na siya ang gagawa at ako ang maglalako, dahil may edad narin si mama pero hindi maaalis ang ganda niya,natigilan ako sa pag iisip ng tawagin ako ni manang nene.

"oh hija ikaw bay wala sa sarili? Kanina pa kita tinatawag abay nakatulala kalang at nakangiti"
Naka kunot nuong tanong ni mang nene sa akin.

"ay manang may na isip lang po ako heheh"sabi ko na nagkakamot pa ng ulo sa kahihiyan.

" nako hija wag mong isipin ang iyong nobyo, dahil nababatid kong mahal kanon hahhaha"natatawang biro niya pa sa akin at gulat naman akong napatingin sa kanya.

"manang naman eh, wala po akong nobyo at wala pa po sa isip ko iyan" naka busangot na tugon ko kay manang.

"ikaw talaga hija, ako lamang ay nag bibiro hahah" malakas pang tawa niya habang naka hawak pa sa kanyang tiyan."aba bago ko pa makalimutan ako nga palay bibili ng kakanin sa iyo, bigyan mo nga ako ng tatlo hija" sabay abot niya ng bayad sa akin

"eto po manang" abot ko sakanya sa binili niyang kakanin sa akin

"salamat hija,at chaka nga pala bago ko makalimutan pumunta kanang maaga dito bukas hija may ibibigay ako sayo" naka ngiting usisa ni manang sa akin.

"ganon po ba manang, excited na po ako kung ganon heheh, salamat po manang" tumango naman siya bilang tugon.

"Oh sige hija baka hinahanap nako ng aking apo, mauuna nako sayo" nakita ko naman na inaayos niya na ang kanyang pinamili kaya tinulungan ko na siya duon.

"ingat po manang, salamat po ulit" sa tingin ko sa sobrang ngiti ko ay hindi na makita ang mga mata ko.

"Salamat, ikaw din hija mag iingat ka"
Natatawa pang sabi ni manang sa akin,tumango nalang ako sakanya at umalis na,para mailako ko ang mga tinda kong kakanin.

Habang nag lalakad ako papunta sa pinaka dulo ng palengke ay natanaw ko si aling ceny na namimili ng gulay sa matanda kaya lumapit ako sa kanya.

"aling ceny"bati ko sa kanya kaya napalingon naman siya sa gawi ko.

" oh heather, kamusta na kayo? matagal din akong hindi naka bisita sa inyo"senserong ani ni aling cely.

"ok lang po kami aling ceny, ganon parin po sa dati hehe, hayss aling cely na miss kupo kayo" malambing na sabi ko.

"nakong bata ka haha na miss rin kita, lalo na ang mama mo" naka ngiting anya niya pa sakin.

"ah aling ceny may tinitinda po akong kakanin dito baka gusto niyo po" turo ko pa sa kakanin na buhat buhat ko kanina pa.

"oh sige bibilhin ko na lahat yang kakanin mo, saktong sakto bagong sahod ako ngayon sa aking trabaho" kumukuha pa ng pera sa kanyang medyo kalakihang pitaka na napaka simple lang non ngunit kagandahan, siguro ay tinahi ni aling ceny ang bagay na iyan isa kasi siyang mananahe sa kabilang baryo at paminsan minsan ay binibigyan niya rin ako ng mga damit na ginagawa niya, dahil wala siyang pagbibigyan nito kung hindi lang ako, wala kasi siyang anak na inawan sakanya ng kanyang asawa bago ito pumanaw.

I Love You Even If It's WrongWhere stories live. Discover now