CHAPTER EIGHT

3 2 0
                                    

HEATHER'S POV

"heather anak" yan ang tinig na gumising sa diwa kong natutulog kaya  dahan dahan kong minulat ang  mga mata ko at agad na bumungad sakin si mama na nakaupo sa paanan ko.

"anak bumaba ka na muna para kumain" sabi uli ni mama sakin habang hinahagod ang likuran ko.

"sige po ma, mauna na po kayo susunod nalang ako" tumayo ako sa kama at dumaretso sa banyo upang magsipilyo.

" bilisan mo diyan anak hihintayin ka namin sa baba" yan ang tanging sabi ni mama sakin at narinig ko ang pinto na sumara.

Pagkatapos kong magsipilyo ay bababa na sana ako pero muling nag vibrate ang cellphone ko, kinuha ko yon para tignan kung sino ang nag text.

From:olivsme❤️

Eat well baby, good night^_^

Agad akong tumakbo papunta sa bintana ng kwarto ko upang tignan kung nandon ba siya. Nagulat ako ng may isang bultong papalayo sa harap ng bahay namin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sobrang dilim na ng daan tanging ilaw na lang  ng poste ang liwanag sa labas.

Tinignan ko ang magkabilang kalsada ngunit wala ng tao dun, tanging isang bulto ng lalaking papalayo nalang ang nakikita kong tao sa kalsada,ng hindi ko na siya makita ay napagdisiyonan ko nalang bumaba upang kumain.

"ang tagal mo naman anak" bungad sakin ni mama pagkababa ko sa hagdan.

"a-ahm tinabi ko pa po kasi yung mga gamit ko" pagsisinungaling ko pa kay mama.

"sige na maupo kana dito at kumain" halok ni mama sakin.

Ng makaupo ako ay nakita ko si papa at kuya na naguusap, mukhang seryoso sila dahil hindi nila ko napansin na nandito na, hindi ko marinig ang pinaguusapan nila dahil napakahina nilang magusap na para bang ayaw nilang iparinig talaga saming dalawa ni mama.

Nakita naman ako ni mama na nakatingin sa dalawa kaya hinawakan niya ang kamay ko.
"kumain kana" sabi niya uli sakin kaya kumain nako at hindi na pinsansin sina papa.

Hindi parin tumitigil sina kuya sa paguusap kaya tumingin ako kay mama at siya ang kinausap ko.

"ma bakit wala po kayo kanina pagkauwi ko?" pabulong na tanong ko kay mama, hindi ko iyon pinarinig sa dalawa dahil hindi nila alam na umalis ako.

"ah w-wala yon, pumunta lang ako kina mareng ceny"tumango nalang ako kay mama at kumain na.

"jack, nandito na ang anak mo" tawag ni mama,habang nakatingin siya kay papa na nakakunot ang nuo.

Natigil ang paguusap nila kuya ng tignan ako ni papa.

"mamaya na tayo mag usap" baling niya kay kuya tayrone.

"kamusta naman ang pagaaral mo heather?" bungad sakin ni papa, kaya napa tiklop ako at tumingin nalang sa pagkain ko.

"ayus naman po" sagot ko sakanya, pero hindi ko namalayan na napapahigpit na ang hawak ko sa mga kutsaritang hawak ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko

Nakahinga  lang ako ng maluwag ng hindi na siya magsalita, habang kumakain kaming apat ay walang naglalakas luob na basagin ang namumutawing katahimikan.

Pero nabaling ang atensiyon naming lahat ng tumunog ang telepono ni kuya tayrone kaya dali dali niya itong kinuha at tumayo sa mesa upang kausapin ang tumatawag sakanya.

Muli kaming kumaing tatlo, wala parin nagsasalita kahit sino sa amin pero pag kalipas ng ilang minuto ay bumalik na si kuya sa mesa at lumapit kay papa.

I Love You Even If It's WrongWhere stories live. Discover now