ᜊ̥ᜎᜎᜃᜏ᜔

31 5 4
                                    

ᜊ̥ᜎᜎᜃᜏ᜔

"Dito ka maupo Miguel!"

"Marumi diyan Thea!"

"Magmadali ka malapit na yung meteor shower, baka masira mo yung momentum sa kaiinarte mo, kalalaki mong tao, dali, ilagay mo muna yang cp mo diyan sa may bato."

"Sige na nga Thea!"

"Tinatanaw ko ang langit na tila nagbabadyang manudyo sa kapangahasan kung tanawin ito na kasama siya."

"Bakit ka galit Miguel, dapat masaya ka para kung mag wiwish ka eh, mas malapit sa katuparan nito. Ayusin mo nga yang mukha mo, sumisimangot na naman."

"Nagpatuloy ako sa pagtanaw ng mahinahong kulay ng karimlan, para bang karugtong nito ang sikip na dinaramdam ng aking pagtanaw sa gilid ng aking mga mata na may isang naghihintay sa mga bulalakaw naiiiyak ng kalawakan; habang ako'y nagsusumamo na kasama ako sa magiging pangarap niya."

"Andyan na Miguel mag wish na tayo!"

"At pinikit niya ang kaniyang mga mata, pinikit ko rin ang aking mga mata, sa 'di namalayan ay inabot ko ang kanyang kamay at napansin kung hinigpitan rin niya ang pagkakahawak dito, pinangarap ko ang oras na ito, alam kung darating ito, ipinagdasal ko na sa lahat ng ilaw ng mga bituin ay kumislap ito na pabor sa aking mga hangarin."

"Mga bituin sana sa pagmulat ko hindi na yung best friend ko yung kahawak ko."

"Tila huminto ang napakagandang tanawin sa kalangitan sabay sa pagdamay nito sa napagtanto kung katotohan na ang kislap ng ibang bituin ay ang huling kinang ng bituin bago ito lumisan, ang damdaming kong ito ay kawangis nito, maglalaho nalang bago pa ito mapansin."





CRESSETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon