Sa klase ni G.Peter

19 2 0
                                    

Chapter 2

'Ano yung sinabi mo kanina sa 10:30 na klase natin kay Bb. Kathy, Miguel? May nililigawan ka? Iiwan mo bespren mo?

"Thea, wish ko yun sa mga meteor shower kagabi, na sana sagutin na niya ako.

'Ibig sabihin Miguel matagal na tapos di man lang nasabi sa akin, ano ba naman to bespren ba talaga tingin mo sa akin. Nakakainis ka Miguel, wag mong ituloy yang balak mo Miguel kasi kon ipupursige mo talaga yan mawawalan ka ng bespren tandaan mo yan.

"Nandito na naman ako sa puntong nagtatanong kung may gusto ba siya sa akin eh nasaktan na ako kagabie sa wish niya sa mga bulalakaw, may pa pikit-pikit pa akong nalalaman eh di nga ako ang hiniling niyang makasama.

" Eh Ikaw nga Thea mah crush 'di ko nga alam kung sino, pinakialaman ba kita? Hayaan mo nga ako, bespren kita kaya suportahan mo ko, hindi yung kontrolado mo na pati damdamin ko.

Napansin kong hindi na niya ako tinitignan, nasaktan siguro, okey lang siguro mas masakit naman yung pinaramdam niya kagabie sa akin.

" Tayo na Thea, baka malate na tayo sa klase, basta alam mong kahit na anong mangyari bespren tayo! Kaya tayo ka na diyan bawal ang overstaying dito sa library, di natin to pagmamay-ari.

Alam ko Miguel, sige na nga, mauna ka na maglakad, di tayo bati ngayon.

Habang naglalakad kami patungong klasrum ay iniisip ko kung ano bang nangyayari sa babaeng ito, gusto niya sa kanya lang atensyon ko tapos siya naghahanap ng kung sino-sino, may crush sa lahat ng sulok ng university hay, bespren na may topak.

Magandang hapon po G. Peter

Maaari na kayong maupo.

"Kagabi nasaksihan natin yung napakagandang meteor shower at gumulantang sa atin ang makulay na langit, parang mga atleta yung nagdadala ng cressets at itinatakbo nila nang mabilis.

"Kaya nagpag isip-isip ko para sa gawain natin ngayong umaga ay gagayahin natin yung nangyari sa kalawakan ka gabie.

"Pipili kayo ng kapareha, pagkatapos ay ito ang gagawin, isipin mong magkasintahan kayo tapos ako yung tala, sasabihin mo ang wish mo at saka sasabihin din nung kapareha mo ang wish niya, basta wag kalimutan na kasintahan mo ang kapareha mo.

Nagkagulo na ang buong klase dahil naging oras ang ipinapagawa ni G. Peter sa amin upang magkaaminan ang may crush sa aming magkaklase, kami na lang yung natira at napansin kung parang iiyak na si Thea kahit hindi pa kami yung tinatawag.

Sige Miguel at Thea bilang huling pares, dito kayo sa harapan. Alam na naming mag bespren kayo kaya hindi na ito nakakailang, alam niyo naman yung panuto o gagawin di ba? Sige ikaw yung unang magwish Miguel.

Tumayo ako at ipinikit ang aking mga mata, medyo kinakabahan ako kasi alam kong naghihintay ang lahat sa sasabihin ko;

" Sana maliwanag na tala, payagan ako ng bespren kung magkagusto rin sa iba, kasi suportado ko siya sa lahat ng crushes niya.

Tila nagtawanan ang lahat sa narinig nila. Nakita ko ang gulat na mukha ni Thea kaya ay ibinaling ko ang aking atensyon sa iba kung mga barkada na nagsihiyawan sa narinig nila. Di ko na namalayang nakatalikod ako habang nagsasabit na si Thea ng kanyang wish.

"Sana alam nung bespren ko yung ibig kung ipakahulugan sa wish ko nung magkasama kami kagabi.

Tila huminto ang lahat sa pagsasalita at napatitig na lang sa umiiyak na Thea

Nagtanong si G. Peter sa kanya, eh ano bang wish mo kagabi?

Akala ko hindi niya sasabihin ngunit sabay nang pagsambit niya sa lahat ng mga salita ay tila bumalik ako kagabi sa kinauupuan ko doon sa puwesto na napag-isip-isip kong hindi ko katugon ang langit.

"Mga bituin sana sa pagmulat ko hindi na yung best friend ko yung kahawak ko."

Pagkarinig ni G. Peter sa kanya ay sinabi kaagad nitong, eh sino namang bespren ang di makakaunawa sa sinabi mo, Thea? Kaya nga naghanap siya nang maliligawan para hindi na siya yung kahawakan mo ng kamay sa panahon na mauulit ang meteor shower.

Hindi na napigilan ni Thea ang kanyang emosyon at umiyak ito sa harapan. Tinanaw siya ng lahat ng aming mga kaklase kaya pumunta ako sa harapan at aksyong yayakapin siya ng sumambit ito na gumulantang sa klase.

"Sana Miguel, maintindihan mong kaya hanggang crush lang ako kasi gusto ko bespren tayo hanggang sa huli, natatakot akong magkajowa ka at maiwan ako, sana Miguel maunawaan mong hindi talaga naggagrant ng wish ang meteors kaya yun yung sinabi ko na alam kong hindi naman magkakatotoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CRESSETSWhere stories live. Discover now