Chapter 37: All About Him

1 1 0
                                    

Ready na ang bagpack ko. Si Zeke nalang ang inaantay ko. Maaga akong bumangon para makapagluto nadin ng mga babaunin.

5:30 am ang call time dahil 7:00 am ang flight namin.

Nang may sasakyang huminto sa harap ko ay agad akong umayos ng tayo. Bumaba si Zeke sa isang puting van.

"Morning." Bati nito.

"Good morning."

Binitbit niya ang bag ko at nilagay sa likod ng van. Inalalayan niya pa akong makapasok.

14 seater ang van na ito. Si tito Dawin ang driver. Hindi ko mapigilang magulat ng kasama dito ang kapatud ni Stella. Si Sky kasi ang nakaupo sa passenger seat.

"Hi!" Bati nito. Ngumiti naman ako bilang tugon.

Kami naman ni Zeke ang nasa harap. Habang ang nasa likod namin ay si Dre at Rhian. Sa pinakalikod ay sila Greg at Lyza.

"Wala kayong dalang pagkain?" Tanong ni Lyza na ikinatawa naman namin.

"Here." Inabutan naman kami ni Sky ng isang chips.

Akmang kukuha si Zeke ng pitpitin ko ang kamay niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Why?" Busangit ang mukha nito.

"Did you drink your meds already?"

"Ofcourse."

Binigay ko na sa kanya ang chips at bumalik na lang ang panungin ko sa daan.

"Don't you want to eat?" Tinignan ko naman siya na inaabot sa akin ang isang chips.

"Ayoko. Sasakit tiyan ko." Pilit kong nilalayo ang pagkain na inaabot niya.

Nang tumigil na siya sa kakulitan ay muli kong ibinalik ang paningin ko sa daan. Nakatulog naman na ako dahil sa pagka-inip.

Nadama ko nalang ang pagyugyog ni Zeke sa akin kaya nagising ako.

"Mmm." Halos mabugnot ako sa paraan niya ng paggising.

"We're here." Kalmadong sagot niya.

Inayos ko muna ang mukha ko dahil baka may bakas ng tulo ng laway. Nang maayos na ay bumaba na ako pababa ng van.

Hinawakan naman ni Zeke ang kamay ko papasok sa loob ng airport. Nag-intay pa muna kami dahil hindi pa naman oras ng flight namin.

"Are you sleepy?" Imbes na sumagot ay pumikit nalang ako.

"Hoy, Shy!" Nagulat ako ng hampasin ni Lyza ang braso ko. "Tulog ng tulog!"

"Oo nga. Kaya tumataba, eh!" Suhol pa ng binata niya.

"Eh, kung banatan ko kaya kayong dalawa?" Seryosong tanong ko.

"Ikaw naman, napaka-brutal mo."

"Kasi nga, patulugin niyo muna si ako."

Iniwan naman na nila ako. Dala ko ang pillow neck ko kaya nakatulog naman ako kahit papaano. Nagising ako sa pagtapik ni Zeke sa pisngi ko.

"Let's go." Nakangiting aya niya.

Hinawakan niya ang kamay ko papunta sa sakayan ng eroplano. Magkatabi kami ng upuan. Syempre, couple couple. Si Skyer lang ang walang partner.

"Are you hungry?" I turn my face to Zeke.

"Nope. You?"

"Yes."

"Do you want me to get you some food?"

"I have." Nilabas niya ang isang zip bag at kinagatan ang isang slice ng tinapay na may palamang chicken sandwich.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Nakita ko ang paghawak ng kamay niya sa noo ko at tinabig ang mga buhok doon.

Love is..........Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon