Part Six

5 0 0
                                    

Dad, sorry po hindi na po mauulit. Tsaka sinabi lang naman namin yun dahil ayaw naming may ibang makaalam. - Rion. Sabay yakap sa daddy nito. At tumingin nang napakalalim sa kambal.

Ok sige basta wag muna ulitin yun.. Isa pa kaibigan mo naman na sila eh.. - James. Sabay tingin sa asawa.

Oh sya tama na yan. Mabuti pa ay maghanda na kayo diyan. Teka san nga pala kayo mag movie marathon EL? - Tul

Teka pa alam mo na mag movie marathon kami? - EL. Biglang tanong nito sa kanyang papa na may halong pagtataka sa kanyang mukha.

EL malamang wala naman kasi kayong ibang ginagawa dito sa bahay pag nagpupuntahan yang mga kaibigan mo kundi ang mag movie marathon. - Max. Ito na ang sumagot sa tanong ng anak sa asawa nya.

Hmmm Ok po. Oo nga po pala siguro mamaya na po namin pagiisipan kung saan po kami manonood pag dumating na po ang iba.- EL

Ok. Oh sya diyan na muna kayo sa sala habang naghahanda kami ng makakain nyo huh. - Tul

Ok po pa - EL

Habang papunta sa kusina ang parents nila ay biglang huminto si Jean at tinawag ang anak upang tanungin ito patungkol sa kanyang nobyo.

Rion halika muna dito at may itatanong lang ako sayo. - Jean. Pagtawag sa anak na kasalukuyan ng nakaupo sa sofa habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.

Ok po! Ano po iyon ma? - Rion. Tanong nito sa kanyang mama/papa habang naglalakad ito papunta sa kanya.

Si Win, nga pala anak? Pupunta din ba sya ngayon dito? Kakilala na ba sya nang mga bago mong kaibigan? - Jean

Ay grabe pa! Ang dami mong tanong (Sabay tawa dahil sa sunod-sunod na tanong ng kanyang papa sa kanya). Ok pa, papunta na yun kasama daw si kuya Tin at oo pa magkakilala na silang lahat.. Sige na pa punta kana dun at balik na ulit ako sa sofa. - Rion

Oh sige punta na ako doon. - Jean

Makalipas lang ang ilang minuto at nakarinig sila ng pagkatok sa pintuaan hudyat na may tao sa labas. Kaya't tumayo si EL upang tignan kung sino ito.

Teka! Atat naman nun. - EL at nagtawanan silang magkakaibigan.

EL binuksan ang pinto at bumungad ang mga kaibigang sila AL, Bea at Tricia. Kayo lang pala. Grabe kung makakatok naman kayo sa pinto namin parang may balak kayong sirain toh. - EL. Hinayaan ng makapasok ang mga kaibigan.

Sorry EL (sabay yakap sa kaibigan) ito kasing si Bea atat nang makapasok na miss daw kasi nya sila Riri at Rara. Oh diba baliw lang, parang kala mo di sila magkasama kanina eh. - AL. Sabay taas ng kilay na tumingin sa pinsan nya.

Eh bakit ba huh? Ikaw nga eh, kung makakatok kanina sa kwarto ko parang wala ng bukas at sinabi mo pang gusto mo nang makita si EL eh. Ano papalag ka pa? - Bea. Sabay irap nito sa pinsan nya.

Ok. Ok guys tama n--- - Rion. Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa lakas ng katok sa front door. At agad naman itong tumayo dahil sa alam nyang ang kanyang boyfriend at pinsan na nito ang dumating.

Binuksan na ni Rion ang pinto at bumungad agad sa kanya si Win kaya agad nitong niyakap ang BF. Babe, I miss you. Kahit na magkasama lang tayo kanina. - Rion

Awww. I miss you too, babe. - Win sabay halik sa labi ng boyfriend.

Nanghalikan ni Win si Rion sa labi nito ay sya namang dating ng papa Rion upang batiin ang kararating lang na binata. Ngunit nagulat ito sa nakita. Ohhh 😯. Win nandito kana. Na miss kita, hindi mo ba ako yayakapin na miss din kita! - Jean. Agad na binuksan nito ang mga braso nya upang mayakap na ang binata.

LOVE GENDERWhere stories live. Discover now