Part Seven

3 0 0
                                    

Hello everyone alam kong medyo matagal ako nakapag update ngayon wala kasi ako maisip eh. Pero na ang update ko sana magustuhan nyo..

-Third Person's POV-

-Max's Resto Bar-

Hoy! 'bat ngayon lang kayo kanina pa namin kayo inaantay ah? - Max na nag tanong sa mga kaibigan na kararating lamang. Banayad sa mga mukha nito ang pagkayamot sa mga kaibigan na kanina pa nila inaantay ng kanyang asawa at kuya pati ng asawa nito.

Sorry na my baby boy - Mariel na may halong pag papacute sa kaibigan na asar na asar sa kanila.

Tigil tigilan mo nga ako d'yan sa pag papacute mo na yan, Mariel! Nakakadiri alam mo ba yun huhm! - Max na halatang halata ang pag ka kiinis sa kaibigan. Nahalos hindi na maipinta ang hitsura nito dahil sa gigil na nararamdaman sa mga kaibigan.

Hala galit na galit lang. Chill lang tayo baby boy. - Mariam na may halong pangaasar na sabi sa kaibigan na naiirita na sa kanila. Bakit ba galit na galit ka huh? Nagaway kayo ni Tul noh kaya galit na galit ka at pati kami dinadamay mo. - Dugtong pa nitong sabi sa kaibigan. Sabay tawa ng malakas na sinabayan pa ng iba pa nilang kaibigan.

Hoy! Grabe naman kayo makatawa d'yan. Hindi kami nagaway noh. Hindi pa kasi umuuwi ang panganay namin at wala parin kaming balita dito at hanggang ngayon ay hindi namin sya makontak ng daddy nya bugnot na bugnot yan ngayon tapos late pa kayo nagsidatingan mga "TUKMOL KAYO". - Mahabang lintanya ni Tul sa mga kaibigan na walang humpay sa pagtawa, pero natigil lamang ang mga ito ng sabihin nito na mga tukmol silang lahat.

Ay grabe "Tukmol" talaga at may pagdiin pa sa pagkasabi mo huh. - Patricia sabay kamot sa ulo nito habang sinasabi ito sa kaibigan.

Teka! Anak ko pala kasama ni Yin di--- - Tomo na 'di na natapos ang sasabihin nang sabay sabay sumigaw ang mga kaibigan nya.

ABA MALAMANG - Silang lahat sabay tingin ng masama sa kanilang kaibigan na si Tomo.

Hoy! Ikaw sino ba sa tingin mo ang kasama ni Yin huh? Malamang sa malamang edi ang pamangkin kong si War! Naku Tomo kahit kailan ka talagang dimuho ka! - Mariam na nagngingit-ngit sa inis na sabi sa kanyang bayaw na si Tomo. Si Tomo naman na napakamot na lang sa kanyang batok dahil sa hiya.

Hoy! Kayo tumigil na nga kayo d'yan. Ang mabuti pa nating gawin eh subukang tawagan na lamang ulit ang anak ng mga toh. Tsaka baka mabaliw na ng tuluyan tong utol ko nang dahil lang sa hindi malaman kung kamusta na anak nya at nobyo nito na anak nitong dimuhong Tomo nato (sabay turo sa kaibigan). - Mahabang lintaya ni James sa mga kaibigan nya. At sinangayunan naman sya nang mga kaibigan nya. Pero bago pa nila matawagan ang magkasintahan ay pinigil sila lahat ni Tomo.

Ay grabe silang lahat oh. Hoy! Teka lang! Pwede ba wag nyo na tawagan yung dalawa malamang sa tulog na ang mga yun dahil sa pagod sa pamamasyal nilang dalawa. - Tomo

Teka! Pano mo naman nasabi yun huh? - Alvin na may halong pagtatakang tanong sa kaibigan.

Ah yun ba nag text kasi sa kin si War na baka hindi sila makatawag o kaya ay hindi nila masagot ang mga tawag namin sa kanila dahil sa pamamasyal nila. - Tomo

Ayun naman pala eh. Eh bakit ba kasi hindi mo agad sinabi samin huh? Edi sana hindi na kami naasar sayo. - Kristian na may halong pagkaawa sa boses nya para sa kaibigan.

Teka! Wala munang maingay at tumatawag si Yin sa akin. - Max na banayad pa rin sa mukha nito ang pag-aalala sa anak na hindi pa rin niya nakakausap. Tumahimik naman ang lahat ng marinig nila ang tinuran nito sa kanilang lahat.

Hoy! Ikaw na bata 'bat nga--- - Max na hindi na natapos pa ang sasabihin ng batukan sya ng asawa at gawin dito ang cellphone nito sa kanya at saka nito inilagay sa speaker upang marinig din ng kanilang iba pang kaibigan ang boses sa kabilang linya.

LOVE GENDERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora