Chapter 1 Start

36 5 1
                                        

WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME

Hiyawan at tilian! Yan ang gumising sa akin kaya napabangon ako bigla at tinignan ang oras! Shit! Piyesta nga pala! Sumilip ako sa bintana at kitang kita ko kung gaano kaganda ang stage kung saan nagpeperform ang Idol ko! Shit ang guwapo niya at ang puti pala sa personal! Sigaw rin ako ng sigaw kahit malayo na marinig niya ako, sa kagustuhan kong makita siya ng medyo malapit pa tumuntong ako sa bubong at dun umupo! Di naman ako makikita ng tao dahil madilim at focus na focus sila sa pagkanta ni June Aiden! "Akin ka na lang June!" Sigaw ko, tapos halos maloka ako! Hindi kasi ako nakakapunta sa mga concerts at fan signing niya dahil busy sa school pero ngayon ito na siya harap harapan na nagcoconcert sa harap ng bahay ko! "Hoy!" Napalingon ako sa bintana at nakita ko si Mikaela kapatid kong mas bata sa akin "Ate baka mahulog ka dyan!" Sigaw niya, umiling naman ako dahan dahan siyang tumabi sa akin halos nasa gilid na kami kaya nakalaylay ang paa namin "Woah! Ang guwapo pala niya kaya pala patay na patay ka dyan!" Sabi niya sabay palo sa akin kaya muntik na ako mahulog! Shet! Napatingin ako sa baba at nakita kong may mga taong dumadaan don mukhang papuntang back stage "Dadaan siya dito mamaya!" Tuwang tuwang sabi ko "Naku abangan mo te! Tas picturan mo!"  Binalik ko ang tingin ko kay June na busy sa pagkanta kumuha siya ng isang Fan niya at kinatahan, napangiti ako sana ako yun! Sana ako na lang yun napabuntong hininga ako nakafocus lang ang tingin ko kay June na nakangiti at nakaakbay sa fan "Ate!" Its too late! Di ako nakakapit at nahulog ako! Omeji!

1

2

3

"ARAY!" sabay naming sabi ng isang taong nabagsakan ko! Napadilat ako at nakita kong nakadapa siya at ang mga braso niya nakayakap sa akin! Nakacap siya, may mga ilang tao mula sa mga fans ang nakita sa amin "So- Ah!" Hindi ko magawang magapology dahil ang sakit ng puwetan ko! Kahit naman nasalo niya tumama pa rin ang puwetan ko sa lapag! Maya maya lumapit na sa amin ang ilang staffs  at tinulungan ako "Ate!" Ito na si Mikaela, mabilis siyang lumabas ng gate at lumapit sa akin kumuha naman ng upuan ang mga bantay pinaupo nila ako don yung lalaki naman kinuha siya at inalalayan papunta sa back stage sakto pagtingin ko sa stage nakita kong nakatingin si June dito pero tuloy pa rin ang performance niya "Miss, ayos ka lang? Dalhin nyo siya sa Hospital! Pero wag niyo ipahalata sa mga tao para maiwasan ang panic!" Binuhat ako ng isang mamang malaki "Teka sasama po ako!" Humabol si Mikaela sa amin,  habang papalayo ako nakatingin pa rin ako kay June! Shemey nakakahiya!

To be continue.....

Double TroubleWhere stories live. Discover now