Warning:Plagiarism is A Crime
Nagulat ako ng may nagyuyog-yog sa akin kaya napaangat ako! At tinignan kung sino yung buset na yon! "AY!" Pinunasan ko agad ang laway ko na tumulo habang tulog ako dahil nakita ko si June Aiden na nakangiti! Fuchia! Andito pala ako sa bahay niya! Tinanggal ko yung headset niya na tumutugtog pa rin "Sorry natagalan ako may kinausap lang ako sa baba and tinulungan ko si Manong iakyat gamit mo" nilingon ko yung bag ko na dalawa "Hala! Nakakahiya! Sabi ko ako na e!" Nakagat ko ang labi ko dahil sa hiya "Nah its ok! By the way, may schedule ba ako tomorrow?" Nagtaka ako, sinabi naman ni Thirdy kanina na wala siyang schedule "Uh sabi ni Thirdy wala daw diba" tumango siya at tinapik ang noo niya "Sorry wala kasi ako sa focus kanina sa sobrang pagod! So, anong gagawin natin bukas?" Nakangiting tanong niya tumayo ako at naginat "Ano ba? Depende sayo" grabe! Ang guwapo niya talaga! "Depende...sa akin?" Napaatras ako nung lumakad siya palapit at yumuko para magkapantay na kami ng mukha, nanlalaki ang mata ko! "Gusto kong maglaro..." nilapit niya ang mukha niya sa akin! Yung heartue heartue ko! Huhuhu! Teka, ikikiss niya ba ako? Anong laro? "Ng badminton" bulong niya, napaawang ang bibig ko at nakahinga ako ng maluwag! Tapos lumayo siya sa akin at tumawa "Alam mo ikaw!" Pinalo ko siya kaya lalo siyang tumawa "Baliw baliw ka! Bipolar!" Tinignan ko siya ng masama "Ang cute mo! Buti na lang umalis si Dapnie kaya napalitan mo siya" kinurot niya ang pisngi ko kaya napahawak ako don! "Good night Jade, see you tomorrow! By the way, hindi ka katulong dito kaya wag kang masyadong gumawa ng mga gawaing bahay ha, ako lang ang aalagaan mo" kinindatan pa niya ako kinuha niya ang cellphone at headset niya tapos lumabas na siya "Omg! Omg!" Pigil sigaw ko at tumalon talon pa ako, bakit ba napakalandi niya!? Nakakainis siya! Humiga ako sa kama ng nakangiti! Pinakamasayang gabi ko to! Kahit sinungitan niya ako kanina nakabawi naman siya ngayon!
Kinabukasan, masaya akong lumabas ng kuwarto sakto nakita ko si Aiden na kakalabas lang din ng kuwarto niya naka white t shirt siya at pants "Good morning!" Masiglang bati ko pero di niya ako pinansin at tuloy lang sa pagbaba! Kaya sumunod na lang ako sa kanya, nagpunta siya sa kitchen andoon rin ang lamesang kainan umupo siya don at sumandal "Can you cook something for me? Also, make some hot coffee" seryoso lang ang mukha niya kaya tumango ako at nagkalkal sa ref niya "Ano ba? Kumakain ka ba ng fried rice?" Nilingon niya ako "Rice in morning? No" tumayo siya "Magwowork out muna ako, kailangan pagkarating ko may breakfast na" sabi niya "Ok" ngumiti ako, feeling Jowa si aketch! Hahaha! Anyway, di ko alam lulutuin ko! Sarili ko na lang kaya yummy naman ako e! Napailing ako! "Parang tanga! Umayos ka nga Jade!" Saway ko sa sarili ko, kinuha ko na lang yung itlog, mayonise gagawa ko na lang siyang egg sandwitch! "Pag ito hindi niya nagustuhan papakainin ko siya ng bato! Charot!" Natawa ako sa sarili ko, malamang pakainin niya ako ng lupa kapag ginawa ko yun o kaya ako ang kainin ng lupa! Niluto ko muna yung itlog "Good morning!" Nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat galing sa likod! Yung puso ko! Sheeeett! Ayaw ko pa naman na ginaganon ako! At take note nasa kalan ako! "Parang ewan ka! Akala ko ba mag wowork out ka?" Nilingon ko siya "Yeah, kakatapos lang! Ano yan?" Tinignan niya yung niluluto ko "Itlog, gagawa ako ng egg sandwitch sabi mo kasi ayaw mo ng rice sa umaga" tumango siya "Okay" tumalikod siya at nagkalikot na naman sa cp niya pagkaluto ko nun dinurog ko at nilagyan ng mayonise "Ako na" sabi niya, nakatingin pa rin siya sa cellphone kaya nilapit ko yung palaman at tinapay sa kanya "Pupunta daw si Lourice mamaya" bigla na naman kumulo ang dugo ko! Badtrip na babae yon! "Ah anong oras?" Nilapag niya ang cp niya at tinignan ako "Lunch time" nagpalaman ako ng akin, Oo nga pala yung kape! Tumayo ako at kumuha ng kape "Wait! Uhm ayaw ko ng coffee! Swiss miss lang please" napanganga ako! Paano to e ayaw ko ring ng kape! "Sabi mo kanina kape!" Ngumiti siya at kumamot sa ulo niya "Uh yeah, nagbago na isip ko e" tumango ako at kumuha ng swiss miss sa box at tinimplahan siya ako na uminom ng kapeng ginawa ko "Thank you!" Kumain na rin siya "Wow! Ang sarap!" Kinikilig ako, I can't imagine that I would eat breakfast with my favorite person! Grabe! Feeling ko talaga magjowa kami! (Ay grabe selp apakaharot mo!) Hindi ko naman siya tinitignan pero nakatingin ako sa kamay niyang nasa lamesa! "Anong pinagkakaabalahan mo before ka naging personal assistant ko?" Ngumiti ako "Wala dakilang tambay lang ako na patay na patay sayo!" Sempre dapat nyang malaman na patay na patay ako sa kanya! Malay ko may chance! "Wow really? Bakit di ka nagtry magmodel? I mean kung nagmodel ka may chance na makasama mo ako lalo na at maganda ka" tumingin ako sa kanya "Naku sa tigas ng bewang ko baka simpleng pagrampa masigawan pa ako ng derektor!" Tumawa siya "Yeah at ang bilis mo magblush kapag kaharap mo ako!" Napayuko ulit ako, oh sheyt naman! Bakit ba ang lakas manghuli nito? HUHUHU nakakainis! "Sige na doon lang ako sa may labas ha! Mamaya na tayo mag usap" tumayo siya at iniwan akong parang ewan!
Lunch time, yun dumating na nga ang bruha! "Hey pakikuha naman ako ng juice then, pakislice tong cake" inabot niya sa akin yung box si June naman nakaupo sa tabi niya at seryoso na naman ang mukha "Ano bang pag uusapan? Is it about the project?" Tanong niya, dinala ko na yung cake sa kusina at binuksan "the f? Bakit ganito? Ang lagkit naman!" Siguro dahil sa init sa labas! Tanghaling tapat kasi tapos sumugod sugod siya dito! Hmmp! Kakainis! Dahan dahan kong kinuha yung cake! Nagslice ako ng dalawa at kumuha ako ng juice sa ref nilagay ko yun sa tray at dinala, nakahiwalay ng upuan si Lourice kay Aiden at pagdaan ko! Inunat niya ang paa niya kaya lumipad ang dala ko! Nabuhusan siya at si Aiden! I heard her gasped! Buwiset talaga! Ano kaya kinakagalit nitong baliw na to sa akin! "Hala sorry!" Kay Aiden ako nakatingin kasi nakapikit na siya at mukhang ready na siya sigawan ako! "Such an idiot!" Galit na sabi ni Lourice! "Jade, get out please" malamig na sabi ni June kaya tumalikod ako, gusto ko tuktokan ang sarili ko! Pero mas gusto ko ilampaso si Lourice "Kasalanan mo to e! Kung hindi mo inunat paa mo edi sana hindi ako nadapa!" Sinamaan niya ako ng tingin "Nangawit ako at kasalanan ko pa talaga na hindi mo inaayos ang lakad mo! Bukod sa naapakan mo ako nadumihan mo pa ako!" Sigaw niya at hinawakan ako sa braso kaya tinapik ko ng malakas ang kamay niya "Enough!" Sigaw ni June kaya napatingin ako sa kanya "Just get out Jade" bumaba ang tono ng boses niya pero kitang galit pa rin siya, ikaw ba naman maligo sa juice at cake! Hayy! Lumakad ako.
Dumaan ako sa back door para makapunta sa may pool! "Hayys! Nakakastress! Ang epal epal niya!" Namaywang ako habang nakasimangot tapos umupo ako sa tabi ng pool infairness kumulimlim parang nakikisabay si cloudy sa nararamdaman ko a! Hinubad ko ang tsinelas ko at inalaylay sa pool ang paa ko nakashorts at T shirt naman ako, Badtrip! Bigla na lang akong naiyak! Pakiramdam ko kasalanan kong natapunan sila ng juice! Si Lourice naman talaga may kasalanan! Sana si Lourice sinigawan niya! Kakainis! Pinunasan ko yung luha ko! Kakainis! "hey" naramdaman kong umupo siya sa tabi ko kaya nilingon ko siya, nakapagpalit na siya ng damit kulay black naman suot niya ngayon "Sorry June, kasalanan naman talaga ni Lourice e! Nag iingat naman ako e! Kaso alanganin na yung pag unat ng paa niya kaya ayon-" nagulat ako nung nilagay niya ang isang daliri niya sa labi ko! "No need to explain, alam ko naman na di mo talaga sinadya sorry if I shouted at you, sorry rin kung pinalabas kita ayaw ko lang kasi na ginagawa ka niyang utusan" tumango ako "Nasaan si Lourice? Bakit mo siya iniwan?" Tumingin siya sa tubig "Umuwi na siya, wag mo na siya isipin! Mahalaga andito ako ngayon katabi mo!" Kikiligin na sana ako kaso biglang umulan kaya tatakbo sana ako papasok pero pinigilan niya ako "Dito na lang tayo!" Nakangiting sabi niya at tumingala sa langit "Baka lagnatin tayo! Ang init kaya kanina tapos biglang ulan!" Sabi ko at pilit pa rin siyang hinihila "Edi lagnatin at least di ako mag isa!" Oo nga naman! Eenjoyin ko na nga lang din to! Naglaro kami at umikot ng magkahawak ang kamay! Ito pala ang feeling na makasama ang isang June Aiden sa bahay masaya kahit bipolar siya at medyo abnoy hahahaha!
To be continue.....
Yiee sana all may June Aiden! 😂 peste ka Lourice kapag nang gigil ako sayo patay ka! Chawort! 😂😂 anyway happy reading guys bukas ulet!
YOU ARE READING
Double Trouble
FanfictionHe is Famous and She's just a simple girl. But destiny brought them to each other.
