Betting Game

26 4 0
                                    

Importanteng araw ngayon dahil huling araw ko na sa deal namin ni Blazie. Kahit isang libo lang ang pinusta namin ni Blazie, kailangan ko pa ring manalo. First, dahil marami na akong mabibili sa isang libo. Second, I want to end this deal and make it real. Of course, without telling Miggy that Blazie and I had a bet.

"So...bitch, ready ka na ba?" nakaismid na tanong ni Blazie.

"Yeah, sure. I was born ready."

Tiningnan ko ang sarili sa aking salamin. I pooched out my lips. Hmm. Tama lang ang pula.

"Saan mo siya planong paaminin?"

"Sa SB lang. 'Pag wala na masyadong estudyante, tatanungin ko na siya. Basta! Just watch me."

Tumango siya bago kinagatan ang sandwich. Pabalik na kami ng classroom galing sa canteen.

"Yuki! Blazie! May assignment ba kayo kay Ma'am Villacencia?" natatarantang tanong ni Junki.

"Oo. Hindi ka nakasagot?" tanong ko.

"Yes! Omg! Nakalimutan ko. Pahiram, please! Papalitan ko lang ang iba."

Dali-dali ko namang kinuha ang assignment ko sa bag.

"Bilisan mo, Junki. Meron pang fifteen minutes."

Agad siyang bumalik sa kanyang upuan. Nagcellphone muna ako habang inuubos ang pagkain. Maya-maya pa ay nilapitan ako ni Junki.

"Yuki! Thank you! Huhu you're an angel," sabi niya habang inaabot sa akin ang papel.

"No probs!"

"Tara na! Five minutes na lang. Baka malate pa tayo."

Agad naman kaming kumilos pagkatapos ng sinabi ni Junki. Habang papunta sa next subject, nakasalubong namin ang mga kaibigan namin sa kabilang section.

"Bitches!" bati ko sa kanila.

"Helloooo!" bati nila pabalik sa amin.

Nahuli ng mga mata ko si Miggy. Ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya ito ng kindat. Yuck! I kinda liked it!

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pagkarating namin sa room, naabutan namin na nakaupo na si Ma'am Villacencia.

"Get one whole sheet of paper," sabi niya pagkaupo naming lahat.

Tangina! May test pala kami? Hindi kami nainform ha? Ay! Oo nga pala. Announced or unannounced. Kumuha na lang ako ng papel sa bag. Pagbalik ko ng tingin sa board, nakapost na ang isang manila paper. Shit! Baka mazero ako nito!

"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Junki.

Tapos na ang last subject kaya nag-aaya na silang umuwi.

"Hindi pa. Dito muna kami ni Blazie," sagot ko.

"Ganun ba? Sige! Mauna na ako. May pupuntahan pa kami ni Raz eh," sabi niya tsaka umalis.

Nagpaalam na rin ang iba naming kaibigan. Kami naman ni Blazie ay dumiretso sa SB. Doon kami tumambay habang naghihintay kay Miggy.

"Mag-aalas sais na, Yuki. Bakit wala pa si Miggy?"

I checked my watch. Yeah. It's already quarter to six.

"May tinatapos pa raw na project 'yong group nila. Nagtext siya kanina na medyo matatagalan siya."

"Itext mo kaya uli?"

Sumang-ayon ako kay Blazie. I unlocked my phone and typed a message for Miggy.

Me: Matagal ka pa ba? Nandito lang ako sa SB.

Twist in the WindWhere stories live. Discover now