Wishing Well

24 4 0
                                    

HAIJI

"Raz! Junki!"

Hinihingal akong huminto sa likod ng dalawa kong kaibigan. Humarap naman sila agad nung napansin ako.

"Oh? Bakit, Haiji? Aalis lang kami eh. Ano? Gusto mo ng kiss?" natatawang sabi ni Razumi.

"Hi-hindi. Hoo! Kapagod. Ambilis niyo namang maglakad."

"Eh anong kailangan mo?" tanong naman ni Junki.

"Ang sungit naman. May itatanong lang ako eh."

Nag-inhale exhale muna ako bago ulit magsalita.

"Anong oras nga pala 'yong practice bukas?"

"Ah! Alas nuebe. Ba't mo natanong? Late ka rin namang darating."

"Raz naman eh. Seryoso ako."

"Naks! Seryoso raw. Gusto mo lang makita si ano eh."

Inirapan ko lang si Razumi.

"Sabihin mo na lang sa GC, ji. Pupunta kaming Lupé Church ngayon. May kukunin," ani Junki.

"Okay. Sige. Magkita na lang tayo bukas."

"Bye! Bye!"

Tinalikuran na nila ako at nagpatuloy sa paglalakad. Bumalik ako sa classroom at nakita si Nam.

"Nam! Uuwi ka na? Sabay tayo!"

"Oh, Haiji. Sige. Asan ka galing?"

"Hinabol ko sina Raz at Junki. May pupuntahan ata sila."

"Yep. They told me that."

Nilibot ko ang paningin sa classroom. "Asan sila?"

Napakunot ang noo ni Nam bago marealize kung sino ang tinutukoy ko.

"Ahhh...Sina Zola at Marie may bibilhin sa bookstore. Tsaka si Momo nasa CR."

"Ah ganun ba?"

Medyo nalungkot ako sa sagot niya. Sanay kasi akong sabay kaming umuuwi lahat. Hinintay ko na lamang siya habang nililigpit ang kanyang gamit. Agad din namang pumunta si Momo sa amin.

Pagkalabas namin ay nakita kong nakatayo si Rey.

Yeah. Rey Do Agase. Barkada kong lalaki. Pero hindi lang basta barkada. May sikreto akong sasabihin sa inyo.

Well...

Hindi ko sasabihing crush. Ang corny kasi eh. Rather...gusto ko siya. And I don't know why. Hindi naman siya gwapo. Hindi rin naman ganun kaganda ang pangangatawan. Pero kasi may utak eh. Matalino. Kaya nagustuhan ko siya.

'Yon nga lang, hindi niya alam.

"Rey, my boy!"

Mula sa pagkakatingin sa cellphone niya ay nabaling ang atensyon niya sa akin.

"Oh, Haiji."

"Hello, Rey! Musta 'yong book shelf mo? Book shelf pa rin ba?"

Natawa si Nam sa sinabi ni Momo. Napakamot lamang sa batok si Rey. Anong meron?

"Ah nga pala. Uuwi na kayo?" tanong ni Rey.

"Oo, Rey eh. Uuwi na KAMI. Kaming dalawa ni Momo. Itong si Haiji naghahanap ng makakasama. Free ka ba?"

Halos sampalin ko si Nam sa sinabi niya.

"Hoy, Nam. Sinasabi mo d'yan?!"

Pinanlakihan niya lang ako ng mata. Right! Alam nila eh.

"Totoo ba? Pwede naman. Hinihintay ko si Jone Rey kaso nauna na ata."

Bahagyang nabigla si Nam pagkabanggit ni Rey sa pangalan ni Jone Rey pero agad din siyang nakabawi.

"Ganun ba? Magsama na lang kayo ni Haiji. Tutal both of you are free. Kailangan ko pang puntuhan ang kapatid ko eh. Sige! Rey, ikaw nang bahala kay Haiji ha! Momo, tara na! Adieu!"

Agad na umalis sina Nam at Momo. Nagmamadali pa ata. Walang hiyang mga kaibigan! Ano na? Anong gagawin ko?

"R-Rey. Ah ano. Ano kasi. B-bukas..alas nuebe raw yung practice..sa Lupé Church. Sabihan mo na lang sina Dakui at Pierre," sabi ko para mawala ang tensyon.

Sobrang awkward ata ngayon?

"Hay salamat. Makakatulog pa ako nang matagal mamaya."

Pilit akong tumawa sa sinabi niya. Pota. Ba't natatameme ako ngayon?

Tahimik na kaming naglalakad nang huminto si Rey.

"Diba si Kim Ango 'yun?" biglaan niyang tanong.

"Huh?"

"Si Kim Ango Banote. 'Yong crush mo."

Napatingin ako sa tinutukoy niya at agad akong napasigaw. "HUUUH?! S-Sinong nagsabi niyan?! Are you nuts?"

He looked at me with doubtful expression. "Ba't ka nabigla? Eh tinutukso ka nga ng mga kaibigan mo sa kanya. Narinig ko nung isang araw. Ang ingay niyo kasi."

Napafacepalm ako at napailing. "Huwag kang maniwala sa kanila. Kahit kanino ishi-ship ka nila. Hayaan mo na 'yon. Tsk."

Nauna akong magkalad. Nakakainis. Ba't niya pa nalaman niyon? Gosh! Nakakahiya!

"Haiji!"

"Huh?" Napahinto ako at tumingin sa kanya. "Bakit, Rey?"

"Mauna ka na. Pupuntahan ko pa si Ellie," sagot niya.

Napatitig ako nang matagal sa kanya.

"Ahh. Mag-uusap lang kami. Pair kasi kami sa Science. Okay lang ba?" dagdag pa niya.

May magagawa ba ako?

"O-Okay. Wala namang p-problema. Sige! Mauna na ako."

Tumalikod agad ako at kinalma ang sarili. Maiiyak yata ako eh.

Ellie. Ellie Estanza. Natsitsismis din sila ah? Eh anong pake ko? Feeling jowa ako ah?

Nakasimangot at galit kong tinahak ang daan papuntang gate. Nakakawala ng gana. Bwisit!

"Aray!"

Nainis ako sa taong nabunggo ko.

"Sensya," pagpaumanhin niya.

"Tingin-tingin din kasi," sabi ko nang wala sa sarili.

"Huh? Ikaw 'yong hindi tumitingin eh. Ikaw pa galit?"

Kumunot ang noo ko at sisinghalan na sana ang hambog na ito nang napagtanto kong...

Kim Ango Banote?! Oh my gosh! Out of all people?! Gross.

I just snorted and rolled my eyes. "Whatever!"

Nagmadali akong umalis dahil nandoon din pala ang barkada niya. Kakahiya! My goodness!

Twist in the WindHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin