Kabanata 17

1.1K 50 0
                                    


Samantha's POV

Mabilis akong bumalik ng classroom nang matapos ang performance namin ng WOOKIES..

I'm still nervous kasi it's my first time on stage. I dunno kung ayos lang ba ang boses ko dun or panira ng mood ng mga audiences.

"Whoa! Ang galing mo pala kumanta Sam!" saad ng mg kaklase ko nang makapasok ako ng classroom.

Napangiti akong nagpasalamat sa kanila. Pinalibot ko ang paningin ko at hinanap si Maia pero di ko nakita.

Pero a moment later pumasok sya na sobrang saya. I dunno kung anong nakain nya. Baka ipis! 🤣

"Sam!!" tili nya na halos lumabas na ang balun-balonan nya.

"Anyare sayo? Nakalunok ka ba ng megaphone?"nakasimangot kong tanong sa kanya.

"Grabe ka! Hmmp! Pero congratulations besty! It's the best performance you did earlier. Grabe! For the first time, ngayon ko lang talaga narinig boses mo na kumakanta  sa four years na pagkakaibigan natin!" aniya.

"Edi wow! Salamat best!"

"Tsk! Pero, yung song choice nyo, ayaw ko!"

"Luhh? Bakit naman?"

"Para mo na ring sinabi na hindi kayo magkakatuluyan ni Rain eh. Rewrite the Stars? Sinong tanga ang mag Rewrite ng Stars! Tsk!"

"Loka ka! Seneryoso mo naman yung kanta. Sisihin mo si Zac Efron dun uy!"

"Basta, I felt something wrong." aniya sabay iling.

Grabe, anong meron sa kanta at seneryoso ni Maia.

"Pero diba best sinabi din sa kanta na IT'S UP TO US? kaya h'wag kang O.A dyan!"

Di pa pala alam ni Maia na may level na kami ni Rain..

"Uhmm by the way betchay, for real na sa amin ni Rain. Pero shut your mouth up muna ha! Di pa pwedeng ipagkalat!" saad ko habang nakatungong pinagkiskis ang paa ko.

"Oh my! Talaga? Talaga?" aniya na tuwang-tuwa. Kaya tumango ako na nakangiti. Ganun nalang ang tili nya at pinaghahampas ako.

"Pinakilig mo naman ako Samsam! Whoa! Naol."

"Naol naol ka dyan! Eh, mas nauna nga kayo ni Brian eh."

"Hmmp! Yung tanginang yun? Wapake na dzai! Bahala sya sa buhay nya! Magbubuhol-buhol sana yung bayag nyang tangina sya."

"Ano ba kasing nangyari?"

"Kating-kati lang naman sya besty, yung tipong di na natutulog ang notch nya,tayo nalang ng tayo ganern!"

"Huh? Anong notch?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Oten dai, oten! Yan alam mo na? Tsk!"

Bwisit! Yun pala yun? Fvck! Ang laswa ng bunganga nitong bestfriend ko! Ngayon ko lang sya narinig ng ganito.

"Oh, ano? Di pa nag absorb sa brainy mo best? Notch is oten, penis!" aniya na tawang-tawa dahil kita nya sa mukha ko na namumula na.

"Ulit-ulit?" asar kung saad na inismiran sya. Humagalpak naman ng tawa ang gaga.

Feeling ko talaga umuusok na ilong ko. Bwisit!

"Kidding aside best, punta ka mamaya sa party?"

"Di ko alam, baka hindi na.." saad ko. Kaya sumimangot sya.

"Bakit? Nakapag-move on ka na ba kay Brian at magpaparty ka na?"tanong ko sa kanya.

"Hello! Best, we're not breaking up yet kaya. Ayoko lang syang kausapin, or ewan di ko alam.

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon