Kabanata 19

1.1K 58 1
                                    

Kelvin's POV

Asar akong umalis ng mansion nang mapag-utusan ako ni mommy na papuntahin ng hospital para kunin daw yung result kay Doc Alcantara. Di ko alam kung anong klaseng result basta result daw.

Baka buntis si mommy. Chus!

Tinawagan ko si Tyrone para magpasama pero tinanggihan ako..

Kaya mag-isa akong pumunta roon.

Nang makarating akong hospital ay kaagad kong hinanap ang opisina ni Doc Alcantara.

Pagkatapos kong makuha ang pinakuha ni mommy, ay umalis kaagad ako pabalik ng mansion. Confidential daw kasi yung nasa loob ng envelope kaya di ko pwedeng buksan. I respect my mom.

Kaya imbes na buksan yun ay inuuwi ko nalang at sabay naming buksan ni mommy. Diba?

Nang makarating akong mansion ay kaagad kong hinanap si mommy. Buti nalang at hindi sya umalis.

"'My, ito na yung pinakuha mo sa 'kin." wika ko nang madatnan ko sya sa kitchen kasama ni Aling Siony na naghahanda ng tanghalian.

"Pakilagay mo nalang sa study room son, check ko nalang mamaya."

"Mamaya na yan 'my, gusto ko rin makita kung ano 'to.." saad ko.

"Hindi pwed....."

"Please.."

Walang nagawa si mommy kaya iniwan muna namin si Aling Siony sa kusina at pumuntang study room.

Kaagad namang binuksan ni mommy ang envelope nang may panginginig ng kamay nang makarating kaming study room. Di ko alam kung ano 'to pero mukhang kinakabahan si mommy.

Nang makita ko, it was a DNA test result and the result is 99.9% compatibility both sa child and parents.

"Kaninong result yan 'my?"

"Oh my! Omaygad Kelvin!" aniya sabay iyak..

"My?"

"I-i found your twin sister.." hikbi nya sabay yakap sa akin.

My sister? She found my sister? Whoa!

"Who is she mom? At paano ka nagkaroon ng hint na sya nga yung hinanap mo?"

"Si Samantha.. sya ang k-kambal mo.."

"What?"

"Remember that day na nasa restaurant tayo ng dad mo at ng mga kaibigan mo? Kinakabahan na ako dun palang sa necklace nya. Yun ang isinuot ko sa kanya bago ko siya iniwan dun sa nag-ampon sa kanya. And di mo ba nahahalata na magkamukha kayo? Magkaiba lang kayo ng mata dahil sa akin nagmana yung mata nya at sa dad nyo naman yung mata mo." mahabang saad ni mommy.

Kaya pala. Kaya pala magaan ang loob ko kay Sam. Siya pala ang matagal ng hinahanap nila daddy.

Ang tanga ko! Akala ko, nagkataon lang na magkamukha kami, yun pala ay dahil sa magkakambal kami.

"Let's go to her place son.." saad ni mommy na ngayo'y humihikbi parin.

Tumango ako. Pero bago pa kami makaalis ng mansion ay nakatanggap kami ng tawag galing kay daddy na nakabunggo raw sya.

Mabilis kaming nagtungong hospital pagkatapos ng tawag ni daddy.

And I saw my twin sister there lying on the hospital bed. Mas lalong napaiyak si mommy na ipinagtaka ni Daddy.

"Hon, it's alright! Di naman natin pababayaan si Samantha about dito sa gastusin ng hospital e. It was my fault in the first place kaya tahan na.." alo ni Dad dito.

Ako na matigas din ay hindi ko din napigilan ang luha ko nang makita ang kambal ko na walang-malay na nakaratay ngayon.

Tinanong ni mommy si Dad what really happened. And according to dad, mabilis daw ang pagtakbo ni Sam na parang wala sa sarili, ni hindi raw narinig ang busina ni Dad.

"Kailangan nyang masalinan ng dugo, Kelvin parehas kayo ng blood type kaya okay lang ba son?"

"Of course dad, hindi ko hahayaang mawala pa ang kambal ko.."

Shocked drawn to my dad's face. Palipat-lipat ang tingin nya sa amin ni mommy..

Mom nodded and cried. Ganun din si Daddy.

"Oh my God, what have I done to our daughter." tanging nasambit ng ama ko.

Kaagad namang nasalinan ng dugo ang kambal ko. Pero, wala parin syang malay. It's already twenty four hours mula nang ma-admit sya rito. Kaya nag-alala na sila ni Dad.

"Is she okay Doc?"

"Yes, hindi naman gaanong kalakas ang impact ng pagkabunggo nya. Wala rin naman syang head injury and as we checked her vitals, wala naman kaming problemang nakikita kaya, huwag ho kayong mag-alala. Magigising din yan maya-maya." saad ng doctor bago lumabas ng ward.

Third person's POV

Samantala, si Rain ay hindi alam ang gagawin. Hindi nya makita si Samantha sa unit nito, at wala ring alam ang bestfriend nitong si Maia.

Tinawagan nya ang lahat ng kaibigan kung sakaling may alam ng mga ito. Ngunit, walang alam si Brian at Tyrone. Kaya, last option nya si Kelvin.

"Hello, Kelvs, have you seen Samantha? Nag-alala kasi ako e, hindi ko sya matagpuan sa unit nya. Tinanong ko si Maia, hindi rin daw alam pati sila Brian at Tyrone.."

"What happened Rain?"

"I broke up with her Kelvs but, it's not my intention to hurt her.."

"What? You broke up with her? You hurt her? Tanginaaa!!"

"I have my reasons Kelvs. And I'm getting married to Audrey."

"Then, what's your purpose? Why are you looking Samantha?"

"You know, it's grandpa again. I ain't gonna marry Audrey fvck it!"

"Pero sinaktan mo parin si Sam. You don't want to marry Audrey, but then hindi mo ipinaglaban si Sam?"

"Yeah! I know I've been a coward but Audrey is.. yeah I need to marry her.."

"Fvck you Rain!"

"Please, may alam ka ba kung nasaan si Samantha?"

"Wala, and I don't know her whereabouts.." yun lang at pinatay na ni Kelvin ang tawag ni Rain. Napabuntong-hininga nalang ang huli.

Paano ba nya hahanapin si Samantha? Paano nya ipapaliwanag ang dahilan kung bakit kinakailangan nyang magpakasal kay Audrey?

Puno ng pag-alala ang puso nya habang naglalakad paalis sa unit ni Samantha.

God knows, hindi nya ginusto ang lahat. Kailangan lang nyang tapusin ang kagaguhan ng kanyang lolo.

A/N

Please support my story guys 😂. Don't forget to vote 😉
Sorry sa typos and errors 😊✌️

STAY SAFE ALWAYS! GBUS 💪

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon