25: DI HIHINTO

270 11 0
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Nakatulala lang si Josh sa hapag kainan nila ngayon, wala sa sarili nyang tinutusok-tusok ang steak nya na nasa plato. Bumubuo ito nang ingay sa apat na sulok nang kanilang dining room.

Napatigil sa pag inom nang wine si Mister Santos at napakunot ang noo na nakatingin sa kanyang nag iisang anak na wala sa sarili.

"Josh" tawag nya pero walang imik si Josh at patuloy lang sa ginagawa nya.

"Josh Cullen" tawag nya at tulad nang kanina wala parin imik. Napa langhap nang hangin si Mister Santos at hinampas ang lamesa na nasa harap nya na dahilan nang pag tumba nang baso nang wine nila. Nabalik sa wisyo si Josh at napa-tingin sa tatay nya.

"kanina pa kita tinatawag Josh" ani nito.

"Sorry po, bakit po yun?" May halong kaba nyang tanong. Napa-ayos nang upo si Mister Santos.

"Tell me son, what's bothering you?" Napa kagat naman nang labi si Josh.

what's bothering you?

"Nothing.." mahina nyang ani, napataas naman ang kilay ni Mister Santos at hindi kumbinsido.

Alam nya na meron talagang kumakambala sa anak nya.

"Babae ba?" Natigilan naman si Josh sa sinabi nang tatay nya. Hindi mapinta ang muka nya na nakatingin dito.

paano?

"Don't ask me how, I'm your father at alam ko kung may problema ka. Yang ganyan na itsura sa muka mo parehas sa itsura ko nung umalis ang nanay mo nang hindi ko alam" nilagay nya ang kanyang mga siko sa lamesa.

"Who's that girl?" Tanong nya, napayuko si Josh.

"Arya"

Napatungo si Mister Santos habang tumatakbo sa utak nya ang pangalan nang babae na kinahuhumalingan nang kanyang anak.

"anong problema sakanya?"

Napakamot nang ulo si Josh.

"Talo na ata ako dad, may gusto kaibigan ko sakanya.." mahina nyang ani, napataas naman ang kilay ni Mister Santos.

"Talo? Son, a Santos never lose"

"Bakit natanong mo na ba kung gusto ko nya? Umamin ka ba?"

Hindi naman sumagot si Josh.

Wala.

"Wala naman pala, so don't accept defeat yet, when no one announce that you lose the game" unti unti naman itong pumasok sa utak ni Josh.

"Tell me about this girl? Anong meron sakanya?"

Nais ni Mister Santos na tulungan ang anak nya, ito nalang ata ang magagawa nya dahil sa ilang taon na wala sya.

Napa hinga nang malalim si Josh.

"Sya yung babae na may pinaka magandang ngiti sa lahat. May mala anghel na tawa at mga boses na parang dinuduyan ka. She made me breathless"

Napangiti si Mister Santos habang nakatingin sa anak nya. Biglang pumasok sa utak nya ang nanay ni Josh.

Ganyan din sya, ganyan din ang mga nararamdaman nya.

"Do you love her?" Tanong nya, napatingin si Josh sakanya.

"I do love her, so much...."

Napaayos sya nang upo.

Nakita nya ang mga mata nang anak nya na sobrang nag mamahal. Desidido syang gawin ang lahat para mapasaya ito.

"Tell me son, saan ko sya matatagpuan?"

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Donde viven las historias. Descúbrelo ahora