38: MAY BUBOG

317 15 0
                                    

AUTHOR'S POINT OF VIEW:

Nasabi na nila kay Jk ang totoo, nag explain si Josh sa bata. Nung una nahihirapan mag adjust ang bata pero di nag tagal naging okey na sya kay Ken. Ewan, father instinct siguro.

Inayos na rin nila ang birth certificate ni Jk, gagawin nila itong Joshua Kenji Suson.

Nanahimik na nakaupo si Arya sa isa sa mga upuan sa kusina ni Ken. Nag ce-cellphone—tagal din hindi naka hawak nang cellphone to. Narinig nya naman na bumukas ang pinto nang kwarto ni Ken, pero hindi nya nalang ito napansin at nag babasa nang kung ano ano sa Facebook. Naramdaman nya na lumapit si Ken sakanya pero hindi nya ito pinansin, nagulat nalang sya nang iikot ni Ken ang ang upuan nya—kanina kaharap nya ang lamesa ngayon si Ken na.

"Bakit ka?" Tanong nya pero tiningnan lang sya nito at kinuha yung cellphone nya at nilapag sa lamesa, puno naman nang pag tataka na nakatingin si Arya sa lalake na hindi nya naman boyfriend o asawa.

WALANG LABEL.

Nagulat sya nang kumandong si Ken sakanya—harap harapan sila.

"K-Ken!" Sigaw ni Arya pero walang pake si Ken at yumakap lang sakanya. Pinatong nya ang baba nya sa balikat ni Arya,Napatawa nalang si Arya.

Rare moment of a clingy Ken.

"Diba dapat ako ang nakakandong sayo??" Tanong nya.

"Mamaya ka gabi kumandong saakin—"

"Yah!" Ani ni Arya sabay hampas kay Ken na tumawa lang.

"Hayaan mo na ako ganito" ani nya.

"Alam mo ang bigat mo" reklamo ni Arya at nilagay ang dalawa nyang kamay sa bewang ni Ken.

"Grabe ka saakin" reklamo nito, pero tumawa lang si Arya.

Komportable naman silang dalawa sa ganitong posisyon kahit mabigat si Ken.

Ramdam na ramdam nila ang tibok nang puso nila para sa isa't isa.

Inangat naman ni Ken ang muka nya at tumingin kay Arya.

"I love you" bigla nitong ani na kinabigla ni Arya, bumilis naman ang tibok nang puso ni Arya kaya napatawa si Ken.

"Asan na ang i love you too?" Tanong nya at ngumisi dito.

"Wag ka nga bigla bigla" ani ni Arya at kinalma ang sarili nya.

"I love you too" matamis nyang ani at ngumiti dito.

"Alam mo, hindi ko to natanong sayo...pero...um...paano ba.." kinakabahan na ani ni Ken, napa kunot lang ang noo ni Arya sa lalake na naka kandong sakanya.

Ang bigat talaga.

Ano ba tong nakain nang lalake na to.

"Ano yun?"

Napakagat nang labi si Ken at napapikit.

"P-Pwede ba kita maging girlfriend?" Tanong nya, napatawa lang si Arya.

Ewan nya, pero wala hindi na sya nagulat.

"Oo naman" sagot nya, lumaki ang ngiti sa mga muka ni Ken.

"Official na tayo so pwede ka na gawin to"

"Gawin ang ano—"

Hinalikan sya ni Ken.

Napatawa nalang sya sa halik, bumitaw naman si Ken sa halik at ngumiti na parang inosente.

How ironic na nag antay sya maging offical kami para halikan ako, eh nung 18 ako—nevermind.

"Bakit ka ba nasa ibabaw ko?" Tanong ni Arya, yumakap naman balik si Ken.

"Wala para maiba, di ko kaya pag ikaw ang nakakandong saakin kaya ako nalang" simple nyang ani kaya napailing si Arya.

"Ang bigat mo"

May kumatok naman sa pinto kaya napatingin sila dito.

"Ken, buksan mo ang pinto" ani ni Arya, umiling lang si Ken.

"Ayaw" pag mamatigas nito. Napa buga nalang nang hangin si Arya.

"Sige ka, kikilitiin kita" banta nya at nilagay ang mga kamay nya sa bewang ni Ken-handa na.

"Pag ako kiniliti mo, damay ka" sabat nito at ngumisi lang, tinaasan lang sya nang kilay ni Arya at kiniliti sya, parang kuryente naman ito na dumaan sa katawan ni Ken kaya napa talon sya nang onti sa pag kakaupo nya.

"Ah!" Sigaw ni Arya, mabigat na nga si Ken bumagsak pa ito. Tumawa nalang si Ken at tumayo na parang walang nangyari at nag tungo sa pinto.

"Tagal nyo buksan ah" ani ni Stell at pumasok sa apartment.

"Saan si Kenji?" Tanong nya at naupo si sofa at kumain nang saging na dala dala nya.

"Nasa kwarto, nag lalaro sa tablet nya" ani ni Ken at bumalik sa pag kandong kay Aray, nanlaki naman ang mga ni Arya at Stell sa ginawa ni Ken.

"Really!? Right in front of my banana!?" Reklamo ni Stell at inis na kumain nang saging.

"Selos ka lang" ani ni Ken.

"Ken, mabigat ka nga" reklamo ni Arya pero hindi sya pinansin ni Ken. Nakarinig naman sila na bumukas ang kwarto kaya napatingin sila dito. Bumungad sa kanila ang medyo antok pa na Jk, naka suot ito nang onesie.

"cuteeeee" ani ni Stell, ito naman si Ken wala pake. Parang bata na pinag lalaruan ang buhok ang ni Arya, daig pa yung anak nila.

"Tito vester!" Masaya nitong ani at tumakbo papunta kay Stell na kumakain nang saging. Nabaling ang tingin nya sa magulang nya.

"Daddy, what are you doing?" Inosente nitong tanong.

"I'm sleeping" sagot nya.

"Himasin mo nga likod ko Babe" dada nya, muntik naman mabilaukan si Arya sa sinabi ni Ken.

"B-babe ka dyan!" Tumawa lang si Ken.

"Alam mo Kenji, hayaan mo yan sila. Kumain ka" ani ni Stell at binigyan nang fried chicken si Kenji.

"Shekeeennnnnn" masaya nitong sigaw at kumain. Narinig naman ito ni Ken at napa angat ang ulo nya, napa tawa nalang si Arya at hinimas ng likod ni Ken kaya bumalik ang ulo nya sa balikat ni Arya.

"Hmn, ganyan" ani nya at huminga nang malalim, narinig nya naman na umubo si Stell.

"Chicken joy yan Kenji, sayo lang yan lahat" malakas na saad ni Stell. Natigilan si Ken at inangat ang ulo nya.

"Kumain ka na kaya alam mo" ani ni Arya. Tumayo naman si Ken at nag lakad papunta sa sofa.

"Hays, salamat" ani ni Arya.

Napatingin sya sa mag ama nya na nag aagawan sa fried chicken.

This is really the best part

                       =============

Ey!! This chapter dedicated to clingy kennnnn

Dancer Of The Night [SB19 KEN FF] ✔︎Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang