Chapter 19

262 23 15
                                    

Lumabas si Rina at nagpakita kay Theo sa silid kung saan nakalagay ang minamahal nitong collection. Kasalukuyang naghahalo ng alcoholic drinks si Theo subalit napahinto ito nang makita siya.

"For real? Wala ka bang ibang damit?" tanong nito sa kaniya. 

Nakaramdam naman siya ng pagkapahiya dahil inulit niya na naman ang damit na sinuot niya noong nagpunta sila sa Marikina. Iyon lang kasi talaga ang matino niyang damit na semi-formal. Kung mayroon lang siyang ibang damit, hindi na niya isusuot iyon.

Nabigla rin siya sa plano nina Theo. Ni hindi man lang nito sinabi sa kaniya nang maaga na aalis pala sila para magpunta sa LED hotel sa Manila. Mabuti na lang talaga at nakapaglaba siya agad ng damit kung hindi ay baka mas lalo siyang walang masuot.

"Ito lang kasi ang maayos kong damit," sagot niya.

Tinungga ni Theo ang laman ng kaniyang baso at lumabas na sa silid. Eksakto namang ang pagdating ni Cliff. Aakbay pa sana ang pinsan nito subalit mabilis iyong iniwasan ni Theo.

"Let's go," agad-agad na yaya nito.

"Ang sungit mo talaga, Insan," natatawa na lang na sabi ni Cliff. 

Tahimik lang na sumusunod si Rina sa magpinsan hanggang sa makarating sila sa main door. Paglabas nila ay bumungad na sa tapat ng pintuan ang kotse ni Cliff kaya pumasok na sila agad.

Pareho silang nakaupo sa likod ni Theo.

"Cliff, dumaan muna tayo sa mall," utos ni Theo.

"Aba, aba, aba. Kailan ka pa nagka-interes sa mall a? Naisip mo pa talagang mag-shopping. Ang laki na talaga ng pagbabago mo, Insan," saad ni Cliff na sa daan pa rin ang tingin.

"Basta, dalhin mo ang kotse roon," seryosong utos muli Theo sa pinsan na mukhang tamad na tamad ding magpaliwanag pa kay Cliff.

Hindi maiwasan ni Rina ang mapangiti. Kahit papano ay nakikita niya nang nagsasalita si Theo. Noong unang dumating siya sa mansion ay limitado lang talaga ang sinasabi nito. Nakita niya rin ang improvement nito. Unti-unti na nitong nakakasanayan ang buhay sa labas. Hindi tulad ng una na sobra ang pagkatakot nito.

Bumaba sila sa parking lot at pumasok sa mall. Nagulat pa si Rina nang hawakan siya ni Theo sa kamay at nauna sila kay Cliff sa paglalakad. Dinala siya ni Theo sa stall ng mga damit. Maraming magagandang damit doon. Mga dress na iba-iba ang style at may mga detalyadong burda. Napatingin si Rina sa mga mannequin na nabibihisan ng iba't ibang kulay ng damit. May kulay pula, lila at rosas. Napapangiti na lamang siya habang hinahawakan ang laylayan ng dress. Bagay iyon sa human size mannequin subalit hindi niya alam kung babagay iyon sa kaniya.

"Hindi 'yan bagay sayo," pagsasabi ng totoo ni Theo kaya sinamaan niya ito ng tingin. Alam naman niya na hindi talaga bagay sa kaniya iyon subalit hindi na nito kailangan pang ipamukha sa kaniya ang salitang iyon.

"What? I'm just stating the fact..." Nagbaba si Theo ng tingin sa kaniyang dibdib. "And stating my observation."

Napahawak siya sa kaniyang dibdib na para bang may makakakita noon. Hindi naman kalakihan ang dibdib niya pero masasabi niyang mayroon siyang maipagmamalaki kahit papano.

"Umayos ka, Theo," sabi niya rito.

"Watch your mind. Kung ano man 'yang laman ng utak mo sigurado akong iba 'yon sa laman ng utak ko ngayon," mariing sabi nito kaya inalis niya ang pagkakatakip sa kaniyang dibdib. Inayos niya ang sarili bago humarap dito.

"Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?" tanong niya at napasilip kay Cliff na nasa malayo at nagpapa-impress sa ibang mga saleslady. Binalik niya ang tingin kay Theo.

Enchanted in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon