Kabanata 2: Where's those answers?

22 10 0
                                    

Joselito De Varra

5 Days after...

Finally, school term is already finished. Pero ganun pa man naririto pa rin ako sa aking kwarto nagmumukmuk at malalim ang iniisip tungkol sa mga nangyari this past few days. Yung mga tanong na pilit na bumabalik at pilit na sinasagot.

"Mahal ko ba talga si Flecia at siya ba ang nais ng puso ko?"

"Anong kirot itong nadarama ng aking puso? Bakit tila'y may bumabagabag sa akin?"

"Ganun na ba talaga ang epekto sa akin sa pakikipaghiwalay ni Flecia sa akin?"

tanong ko sa aking sarili.

Pero bakit iba ang aking nadarama sa kabila ng paghihiwalayan namin ni Flecia.

Napukaw ang aking diwa sa reyalidad ng kumatok sa pintuan si mama.

Mama: Nak, okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka diyan?

"Ha? ah ma wala po to' siguro napagod lang ako this past weeks ang dami ko kasing ginawang mga requirements." pag-aalibay ko.

Mama: Sige, tutal vacation naman di ka na maiistress. Magpahinga ka diyan at pag nagugutom ka bumaba ka lang may pagkain sa mesa.

"Sige po, ma." tugon ko.

"Ah siya nga pala anak, mag prepare ka na para sa vacation natin sa samar dahil within 2 days ay aalis na tayo." pahabol pa ni mama.

Oo nga pala bakasyon na at ito na ang hinihintay ko.

22 hours before our departure.

Naayos ko na ang mga dadalhin kong gamit at si mama ay inaayos na ang aming pag-alis. At may tunog akong naririnig ito pala'y nanggagaling sa aking cellphone, may tumatawag pala at nung tiningnan ko na ay si Marvo ang tumatawag.

"Oh pre, napatawag ka?" panimula kong tanong sa kaniya.

"Ah pre, wala lang nabalitaan ko kasing..."

Hindi ko na narinig ang kaniyang sinabi dahil tinawag ako ni mama. Binaba na rin niya. Aalis na kami ngayon ng Manila. Nandito kami ngayon sa airport hinihintay ang aming flight schedule. Naririnig ko si mama na bumubulong parang... sana raw ay hindi ma rescheduled o ma delay ang aming flight.

A Man's Heartache [ On-going ]Where stories live. Discover now