Kabanata 3: I'd wished, it didn't stop!

23 10 2
                                    

        

Di parin matapos tapos ang gabing ito, ako, si Joselito De Varra VI ang binatang pilit na inuusig ng kaniyang puso't isipan.

Di parin ako makatulog kahit pilit ko nang iniwawasto ang aking isipan di parin maalis ang mga sinabi sa akin ni Tita Susan na tila ba'y may nais pa akong dapat malaman. Dahil nga di ako makatulog ay naisipan ko munang lumabas bandang mga 10:30 pm na rin at tahimik na ang buong paligid ng bahay kaya makakapag isip isip ako ng maayos dito. Buti nalang napatawag si Marvo may makaka-usap ako...

"Uy, pre! Salamat naman at tumawag ka." panimula ko pa.

"Oo, naman pre! Baka kasi namimiss mo na ako." biro nitong sabi.

"Oh pre, balita ko wala na daw kayo ni Flecia? Totoo ba yun?" pahabol pa ni Marvo.

"Oo pre, wala na kami nung last week, eh ano pa ba edi tama ka na naman." biro kong tugon.

"Sabi na, yang User na babae na yan. Sige at ako ang bahala sa iyo. Ipaghihiganti kita pre!" sabi niya na para bang seryoso talaga siya. Si Marvo ay napakalapit ko talagang kaibigan kaya't nasasabi niya ang mga bagay na yun. Nung mga unang naging karelasyon ko ay ganun din yung tono niya at mga sinabi pero diko na lang tinatanong kong ano ba ang paghihiganting tinutukoy niya.

"Ayan, ka na naman. Bahala ka na kung anong gagawin mo. Atupagin mo nalang kaya yang mga behind subjects mo para di ka na mag summer class ulit." tugon ko nalang sa kaniya.

"Oo na po sir! By the way pre, kamusta na diyan sa probinsiya?" tanong niya.

"Oh eto kararating palang namin kaninang tanghali. Masaya naman dito tahimik ang buong paligid at talagang makakapagrelax ka." masaya kong sabi.

"Wow, sana ako din." sabi ni Marvo. "Pero, di ba may multo diyan sa probinsiya? Nakakatakot diyan yung tipong may ikwekwento sila sayo!" pabiro nitong sabi.

"Hindi yata multo ang kinatatakutan kong malaman sa ngayon." seryoso kong tugon sa kaniya na para bang nakatulala habang ang aking mga mata ay naka pokus lang sa isang nakaupong lalaki sa malawak na taniman.

"Sige na Marvo, gabi na rin at matutulog na ako." pagtatapos ko. Habang ang aking mga mata ay naroon parin ang direksiyon. Sino yun? Si lolo ba yun? Pero gabi na bandang 11:00 na ng gabi bat naririto pa siya?

Di ko alam kung anong ginagawa ni lolo roon o si lolo ba talaga yun? Di ko alam dahil di ko pa siya nakikita kahit dun sa painting ay batang bata pa ang itsura niya. Hindi ko nalang namalayan na pilit na pala akong dinadala ng aking mga paa sa destinasyon na iyon. At nagising ang aking diwa nung ang aming distansiya ay halos isang metro nalang. Tumingin ako sa buong paligid naririto ang simpleng may ilaw na bahay kubo sa gitna ng malawak na taniman na pareho pareho lang ang mga nakatanim dito. Nakatikom ang aking bibig na siyang di alam kung ano ang sasabihin kay lolo. Maya-maya pa ay nabasag ang sandaling katahimikan ng buong paligid sa kalagitnaan na ng gabi ng si lolo ay magsimulang magsalita ng mahinahon at parang pabulong na kinakausap ako habang siya ay nakatalikod sa akin na di siyang di nasisinagan ng aking mga mata...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Man's Heartache [ On-going ]Where stories live. Discover now