Tula #3

13 0 0
                                    

Bilang

Di ko maintindihan.
Hindi pa ba sapat yung sakit nung una,
Kailangan talaga may pangalawa?
Nako, Tumatlo pa nga.
Hindi natapos sa tatlo
Kasi nag apat pa nga
Umaasa pa rin na maging maayos pa,
Kaya nag lima pa.
Akala kasi maitatama pa ang mali,.
Ay sya, sa sobrang dami ng tyansa,
Pang anim ay binigay pa
Kung hindi naman kasi kalahating tanga,
Pati pang pitong tyansa, inalay pa
Hindi na tanga, Sya ay bobo na
Kasi hindi pa sapat ang pang pito,
Naglaan pa ng pang walo
Wag mag alala,
Kasi di na sya sigurado kung may pang siyam pa,
Pero pinapaalala ko lang,
Ang pagbibilang ay hindi natatapos sa siyam lang.

MGA TULAWhere stories live. Discover now