Tula #4

8 0 0
                                    

Walang pamagat

May mga bagay na hindi ko maintindihan,
Tanong kung bakit ko ito nararamdaman,
Kung bakit kailangan ko maranasan,
I- google ko man, wala akong mahanap na eksaktong kasagutan.

Gulong gulo, pilit inaayos ang isipan
Baka sakaling may maisip na paraan,
Gulong gulo, pero ngingitian na lang,
Baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman

Sukong suko, pero lalaban,
Baka sakaling may magandang mangyari kinabukasan,
Sukong suko, pero patuloy na tatayo,
Umaasang bukas ay may matupad na pangako.

Ipipikit ang mga mata,
Sasambitin ang nga kataga,
Na punong puno ng pag-asa
Na sana matapos na,
Ang pag durusa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MGA TULAWhere stories live. Discover now