Chapter 20: Money, Money, Money

303 31 0
                                    







Konti lang ang tao sa restaurant kung saan kami magkikita ni Mam Miranda.

Nang pumutok ang balita tungkol sa nangyari sa anak niya, umuwi siya ng Pilipinas.

Tinawagan niya ako at tinanong kung ano ang nangyari.

Nang sinabi ko na dapat ay si Serena ang kausapin niya, inamin ni Mam na galit ang sumalubong sa kanya pagdating na pagdating niya sa bahay nila.

Iyon din daw ang dahilan kung bakit gusto niyang makipagkita sa akin.

Saglit pa lang akong nakakaupo ng makita kong papalapit si Mam Miranda.

Elegante ang itsura niya sa suot na gray and white designer suit pero kita sa mga mata niya ang pagod at pangamba.

Pagkaupo ay tinanong niya ako kung ano ang gusto kong inumin.

"Water lang, Mam."

"Are you sure?"

Tumango ako.

Umorder siya ng isang glass ng Shiraz.

Pagkaalis ng waiter, sinabi ko na agad ang dahilan kung bakit ako pumayag na makipagkita sa kanya.

"But why do you have to resign, Maria? Are you unhappy with the job?"

"Happy po ako bago ako nadawit sa gulo ni Serena at Marcus."

Huminga siya ng malalim at tumingin sa labas ng restaurant.

May mga taong naglalakad papunta sa kanya-kanyang destinasyon.

Uwian na kaya makikita ang pagmamadali sa bawat kilos nila.

"Is the money not enough?"

Nagpanting ang tenga ko.

"Ang perang iyan ang dahilan kung bakit nagalit si Serena."

Naputol ang pag-uusap namin dahil bumalik ang waiter dala ang tubig at wine.

Uminom muna si Mam bago nagsalita ulit.

"How did she find out about the money?"

Bago ako makapagsalita ay siya na mismo ang sumagot sa tanong niya.

"You didn't have to tell her about it, Maria. You earned it fair and square."

"Hindi ko po kailangan ang ganoong kalaking pera, Mam. Sapat naman ang sinasahod ko at wala naman akong masyadong kailangan sa buhay. At kahit hindi niyo po ako binayaran, gagawin ko pa din ang ginawa ko kay Serena hindi dahil sa boss ko siya kundi dahil kailangan niya ng tulong."

Binuksan ko ang purse at kinuha ang sobre.

"What is that?"

"Binabalik ko po sa inyo ang perang binigay ninyo sa akin."

"You don't have to. Like what I said, you earned it fair and square."

"I don't need it, Ma'am. Ang mahalaga sa akin ay ang dignidad ko. Kung hindi ako kayang pagkatiwalaan ng anak ninyo, wala ng dahilan pa para manatili ako sa kumpanya ninyo."

"Don't be foolish." Madiin ang mga salita niya. "You can't live on all these ideals."

Tinitigan ko siyang maigi.

Sa loob ng ilang buwan na siya ang boss ko, ngayon ko lang talaga nakita kung sino siya.

Kaya naman siguro ganoon na lang ang hinanakit ni Serena sa sarili niyang ina.

Sarili lang nito ang iniintindi.

Wala siyang pakialam sa damdamin ng ibang tao.

"Ang dangal ko po ang isa sa pinangangalagaan ko. Kung para sa inyo ay foolishness na ingatan ko ito, wala akong pakialam."

Hindi siya nakakibo.

"Aalis na po ako, Mam." Tumayo na ako.

"Aren't you at least going to stay for dinner?"

Umiling ako.

"Salamat po sa lahat ng tulong ninyo."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita.

Lumakad ako papunta sa exit.

Nang makalabas, para akong nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib.

Nang gabing iyon, hindi ako makatulog.

Nakatitig lang ako sa kisame, nag-iisip.

Nahalata yata ni Kyle na gising pa ako dahil binuksan niya ang lamp shade sa tabi ng kama niya.

"Can't sleep?" Inangat niya ang braso at doon ako humiga.

"Iniisip ko si Serena."

"She hasn't talk to you yet?"

"Hindi pa. Tinanggap niya lang iyong resignation letter pero wala naman siyang sinabi."

"Don't worry too much, bae. We will be okay."

"Nakakahiya naman sa'yo, Kyle. Jobless na naman ako." Pinaglaruan ko ang butones ng asul na Henley shirt.

"Hey," Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.

"We will be alright. I am here to take care of you and Henry. What's important is, we're all safe and we have each other."

Tumulo ang luha ko.

Pagkatapos nang nangyari sa amin, hindi pa din maalis ang pangamba sa puso ko.

Ni hindi ko man lang naisip si Henry at si Kyle ng bigla na lang akong lumabas ng sasakyan para puntahan si Serena.

Pero balewala sa kanya ang ginawa ko dahil nagalit siya ng malaman na binayaran ako ng mama niya.

Sinuong ko ang buhay ko para protektahan siya.

Nang mga oras na iyon, hindi ko inisip ang pera kundi ang kaligtasan niya.

Pero malaking katangahan ang ginawa ko.

Ano ang laban ko sa baril ni Marcus?

Paano nga kung noong tinutukan niya ako eh hindi siya nagdalawang isip na iputok ito?

Paano si Henry?

Paano si Kyle?

Hindi sapat ang halagang binigay sa akin ni Mam Miranda kapalit ng buhay ko.

Sa last day ko sa opisina, may board meeting si Serena.

Pagpatak ng alas-singko, binitbit ko ang kahon kung saan nakalagay ang mga picture frames namin nina Kyle, Henry kasama si Maico at Rico.

Mabigat man sa loob ko na umalis, mahihirapan akong kumilos dahil alam ko na wala na siyang tiwala sa akin.

Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho.

O di kaya, magsusulat na lang ako ulit ng script.

Wala akong material pero kapag nagconcentrate ako, for sure meron akong maisusulat.

Binuksan ko ang trunk ng silver na second-hand Toyota na binili ko.

Pagkapasok ng kahon, binaba ko ang pinto.

Bago ako pumasok sa kotse, nilingon ko ulit ang limang palapag ng brown na gusali ng RITC.

Mamimiss ko ang trabaho ko.

At kahit wala sa hinagap ko na mangyayari ito, mamimiss ko din si Serena.

Off-Script Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon