Chapter 24-Therapy In Action

365 36 1
                                    







Ang pakikipagkita sa isang counselor proved to be a very good decision.

Maraming bagay na kailangan kong i-process.

Hindi ko akalain na may significant side effects pala sa pagkatao ko ang pag-aaway ng mga magulang ko dahil sa pera.

Tinanong ako ng counselor kung sa kabila daw ba ng pagiging mahirap eh masaya naman ako.

Oo ang sagot ko.

Sa katunayan, natuto akong maging kuntento sa kung ano ang meron kami.

Hindi din ako maaksaya di lang sa pagkain kundi pati sa pera.

Kaso lang, medyo kuripot ako.

Nandoon kasi iyong takot na baka wala kaming makain bukas.

Pinag-usapan din namin ang trauma dala ng biglaang pagpanaw ng magulang ko.

Napakalaking responsibilidad nga daw ang naiwan sa akin dahil ng panahon na iyon ay hindi pa naman ako isang adult.

Hanga nga daw siya sa akin dahil nagawa kong alagaan si Henry ng maayos.

Pati ang relasyon namin ni Kyle, napag-usapan din namin.

Isa daw ito sa napakalaking pagbabago sa buhay ko dahil sa marami kaming pagkakaiba.

Tinanong niya kung nahirapan akong mag-adjust sa sitwasyon.

Ginamit niya ang term na rags-to-riches para magkaroon ako ng comparison.

Kinumusta din ako ng counselor kung paano ko hinahandle ang kasikatan ni Kyle.

Kailan daw ako nakakaramdam ng insecurity at jealousy?

At kung nangyayari iyon, pinag-uusapan daw ba namin?

Kumusta daw ang communication namin ni Kyle?

Nasasabi daw ba namin sa isa't-isa ang bawat saloobin in a safe manner?

After every session, pinag-iisapan ko ang mga sinasabi ng counselor.

Lagi niyang pinapaalala ang kahalagahan ng communication at self-care.

Masusubok ang lahat ng natutunan ko sa therapy isang gabing umuwi si Kyle pagkatapos ng final shooting day for Agent Alice.

Maghahatinggabi na ng dumating siya pero gising pa ako.

Meron kasi akong naisipang isulat at dahil inspired, hindi ko namalayan ang oras.

Nagtext siya na malapit na siyang dumating.

Pagkatapos i-save ang document, bumaba na ako para salubungin siya.

Ang ine-expect kong makita ay isang Kyle na masaya.

Pero ang sumalubong sa akin ay daig pa ang nalugi.

"Okay ka lang?" Tanong ko pagkatapos naming magkiss.

"Can we talk?" Hinawakan niya ako sa siko at niyaya sa kuwarto.

Pagkasara ng pinto, umupo siya sa armchair at tinuro ang kandungan niya para doon ako umupo.

"Anong nangyari, Kyle? Hindi pa natapos ang shooting?"

"It's done."

"Eh bakit parang ang lungkot mo?"

Kinuwento niya sa akin ang naging usapan nila ni Eugenie.

Habang nakikinig sa kanya, naisip ko si Dr. Santos.

Sa mga session namin, lagi niyang sinasabi na para maging successful ang communication, maramdaman ng kausap ko na I have their full attention, hindi ako nang-iinterrupt at maipadama ko ang empathy—iyong nilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon.

Off-Script Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon