Iniiwan

41 31 16
                                    

Bakit ba tayo iniiwan?

Una, hindi na tayo mahal.

There's a lot of people na mabilis magfade. Siguro hindi na tayo yung rason ng kasayahan nila, hindi na tayo yung nagpapasaya sakanila. May taong nangiiwan na eto yung handa na na mawala tayo at may taong iniiwan na hindi handa. Siguro nagising nalang sila na hindi na nila tayo mahal. Hindi na tayo yung nakikita nila na makakasama nila sa future nila. Hindi na tayo mahal e. Mahirap kapag pinilit natin yung taong hindi na tayo yung mahal. Mahirap iforce ang nararamdaman ng isang tao na hindi na tayo yung mahal.

Pangalawa, sinaktan natin sila.

Sa paulit-ulit ng hirap na nabigay natin sa taong mahal natin nasasaktan natin nila. At isa ito sa rason kung bakit tayo iniiwan. Kadalasan tayo lang din ang gumagawa ng rason kung bakit tayo iniiwan ng mga taong mahal natin. Baka kasi napagod sila kakaintindi sa mga paulit-ulit na nagagawa natin na hindi naman natin namamalayan. Pwede yon.

Pangatlo, baka napagod na.

Baka napagod na sila sa kakaintindi sa atin. Napagod na silang sumugal sa paulit ulit na pagbibigay ng second chances. Napagod na silang magbigay ng kapatawaran sa paulit ulit na nangyayare. Kaya iniiwan nalng tayo dahil pagod na sila.

Pang-apat, may nahanap na silang iba.

Na better sa atin na mas nakakapagsaya sa mga to. Mas pinili nila tong tao nato kasi ito na yung nakakapagbigay ng mga bagay na hindi na natin maibigay. Eto yung mas kukumpleto sa pagkatao nila yung mas mahal sila. Mahirap, masakit pero lahat ng yan may rason kung bakit mas pinili nya ang isa kaysa sayo. Pwede mo namang ilaban pero nasa sayo kung andon parin amg trust.

Panglima, may iba silang priority.

Hindi lang naman kasi tayo yung nasa mundo nila. Maaaring magfocus muna sya sa sarili nya, sa pamilya nya, career. Siguro uunahin nya muna yung future nya, aayusin nya muna yung future nya ng magisa. May mga kanya kanya tayong priorities na hindi kayang pagsabaysabayin.

Pang-anim, masyadong komplikado.

Komplikado, dahil sa mga taong nakapaligid sa inyo. Madaling magmahal kung yung mamahalin molang ay yung taong iyon. Pero yung mga nakapaligid dito yun yung mahirap na may kanya kanyang sitwasyon na hindi tumutugma sa bawat isa. Pwedeng ipagpatuloy pero nakakapagod. Kahit na anong gawin nyo na love ang puhunan. Maraming tao ang nasa paligid nyo e. Na iba ang pananaw. Kaya siguro napagod sya kaya umalis nalang sya.

Pang-pito, hindi pa sya nakakamove on sa past nya.

Mahirap magmahal ng taong may mahal pang iba. That's true. Mahirap mag move forward kasama ang tao na yon kung may bigat pa sa kanilang nakaraan. Kung dala dala nya pa rin yung nakaraan nya. Mahal nya pa yung ex nya or may nararamdaman pa sya dito. Pwede mo syang kausapin or tulungan pero nasa sakanya parin kung gagawin nya. Kasi kahit na anong gawin nating tulong sa isang tao kung ayaw, wala tayong magagawa. Nasa kanya kung magpapakulong nalang sya sa nakaraan nya or magmomove forward na sya at kakalimutan na lahat ng nasa nakaraan nya. Para ngayon para sa future.

Pangwalo, kasi mahal nila yung sarili nila.

Which is good naman. Pano nga ba sila magmamahal ng iba kung sarili nila hindi nila maalagaan or mahalin. Hindi masamang mahalin ang sarili importante yon. Pano ba tayo magmamahal kung wala tayong pagibig sa puso natin. Kung talagang mahal mo ang isang tao hahayaan mo syang lumayo kesa magstay para makita nila yung pag mamahal na kailangan ng puso nila. May mga taong sirang sira talaga yung tipong basag na basag yung puso nila. Problema sa trabaho, pamilya, sarili, relationship, school at kung ano ano pa. Baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin dahil mahina pa sila. Okay lang maging mahina as long as lumalaban.

Naniniwala ako na kung kayo, kayo talaga e. Kahit ilang buwan o taon kayong paglayuin kayo at kayo ang hahanap ng way para mag lasts.

Timing ni God ang mas importante kesa sa timing natin.

Siguro ngayon hanapin muna natin yung sarili natin. Buuin muna natin yung sarili natin.

Para sa ganon kapag dumating na yung tao na yon. Kaya na natin ready na tayo. Para kapag dumating yung special someone natin okay tayo.

Lagi mong tatandaan na iwan kaman ng marami merong isang tao na magsstay sayo at tatanggapin ka at mamahalin ka ng buo.


BlisxfulGreyxX & MarceloSantos

I S I P A N | By BlisxfulGreyxXOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz