Huwag kang magmamahal ng isang manunulat kung alam mong sasaktan molang ito at iiwan. Dahil maniwala ka sa akin. Makakalimot siya, at ikaw? Mananatili kang isang akda. Akdang mali at kinalimutan na. Mababasa mo ang bawat letra na pinadanas mong sakit. Makikita mo sa bawat obra nya pait na dinulot mo. Bawat pangungusap na may panghihinayang, malalaman mo ang naiambag mo sakanyang buhay. Kung magmamahal ka, piliin mong huwag sa isang manunulat, huwag kang mahuhulog sakanya. Maniwala ka sakin. Na sa bawat saya na bubuuin nyo ng magkasama ay isusulat nya. Susulat sya sa bawat araw na lilipas na sasabihan mo sya ng matatamis na salita. Isusulat nya sa bawat segundo na ramdam nyang siya ay ang pinaka mahalaga. Lahat ng pinagsaluhan nyo ng magkayakap, maniwala ka sakin isusulat nya lahat ng bawat detalye na minahal mo ito. Kahit na pait sakit ang maidulot mo sakanya, maniwala ka sakin isusulat nya ito. At sa araw na iwan mo ito. Mababasa mo, sisiguraduhin nito na sa bawat obra, bawat papel bawat pagdanak ng tinta sa kanyang pluma ay mababasa mo ito sa araw na iwan mo ang manunulat. Pasaaayawin nya ang pluma sa isang blangkong papel. Sa saliw ng ritmo ng saya at pagkadurog na dulot mo.