Prologue

24.9K 570 190
                                    



"Jimin, kumain ka na muna dito!" Aya ko. Pero imbis na pansinin niya 'ko, dire-diretso siyang lumabas nang bahay.

Hay, hindi na talaga siya magbabago.

"Sinasabi ko naman kasi sa'yo na kahit kailan, eh hindi siya sasabay mag-almusal, tanghalian, at mag-hapunan sa'yo. Ang kulit kulit mo!" Sabi sa'kin ni Yaya Meding.

"Baka kasi po malay mo, mamaya sumabay siya." Napailing naman siya.

"Hay nako, kahibangan mo nanaman sakanya, Tin-tin. Pumasok ka na nga."



-SCHOOL-



"Oh, ano? Gano'n pa rin ba ang trato sa'yo nang magaling mong asawa?" Sabi sa'kin nang bestfriend kong si Tricia.

"Oo. Wala namang bago, eh. Lagi naman siyang gano'n."

"Hay nako, Tin! 'Pag talaga ako napuno diyan sa asawa mo, ipapatapon ko 'yan sa Saturn!" Binatukan ko naman siya.

"Ano ba, Chay! Mahal ko 'yon."

"Lintek na pagmamahal. Hindi kayo mutual. Kakaloka!" Ang arte talaga nitong lokang 'to.

"Alam mo, kesa mag-inarte ka diyan. Pumunta na tayo nang classroom." Tumayo kami saka naglakad sa hallway.

Habang naglalakad kami, hindi maiwasan ang bulungan.

"Ayan ba 'yon? Nako, hindi naman masyadong maganda!"

"Oo nga! Mas maganda pa talaga si Jannina!"

"Tama ka. Nakakainis! Sayang yung dalawa. Kung 'di lang dahil dito babaeng 'to!"

Napapikit na lang ako. Ang sakit nang mga salitang binibitawan nila.

"Tricia. Una ka na sa classroom. CR na muna 'ko." Saka ko tumakbo papuntang comfort room.

Napatingin ako sa salamin. Tama sila. Hindi nga ako maganda. Mas maganda pa nga si Janinna sa'kin. Tama sila. Sobra.

Pumasok na muna ako sa cubicle para umihi. Hanggang sa may naramdaman akong pumasok.

"Ang gwapo ni Jimin-oppa! Nakita mo kanina?"

"Oo naman. Ang cute cute nang mata niya! Grabe!"

"Kaya lang, hindi na siya palangiti, 'no? Namimiss ko na yung dating siya!"

"Kasalanan nang asawa niyang impakta! Kung 'di niya sana nilandi si Jimin, edi sana nandito pa rin si Jannina!"

Ito na naman sila. Hindi na sila nauubusan ng sasabihin sa akin. Palagi na lang ganyan mga linya nila. Paulit-ulit ko na lang naririnig, pero kahit ganon, ang sakit sakit pa rin pakinggan.

"Tara na, girls. Malapit na ang first class!" Sabi nang isang babae. Naramdaman ko naman na umalis na sila, kaya naman lumabas na 'ko sa cubicle.

Nag-retouch na muna ako. Para 'di halata ang pag-iyak ko. Saka ako lumabas sa comfort room.

Napabuntong hininga muna 'ko bago ako tuluyang maglakad.

I'm Tiana Ryleigh Fernandez-Park.

And this is another day to start a new life with him, Park Jimin.



-----

Hello sa lahat nang Army diyan at bias si Jimin. Unang storya ko 'to na ang character, eh ang Bangtans. So, sana basahin niyo 'to. Jebal? Kekeke~

All rights reserved~This is pure fiction. Don't plagiarize, that's a crime. Let's all be friends.

Date posted - December 12, 2014

Date finished - May 6, 2015

[COMPLETED]

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Where stories live. Discover now