Life 10

10.4K 344 50
                                    



Lumipas ang ilang linggo. Medyo nananahimik na ang issue dito sa school. Kaya medyo hindi na rin nila ako masyadong pinaparinggan.



Payapa naman akong naglalakad sa hallway. Nagmamadali nga lang ako dahil malapit na ang first class.



Pero sa kamalas-malasan nga naman, nag-start na ang klase.



"Ms Park, you're late. This is your first time. You ruined your record in your conduct." Galit na sabi no'ng adviser ko.



"Sorry, Ma'am." Sabi ko at nag-bow.



Dire-diretso na 'ko sa armchair ko saka na ako nakinig sa turo ng adviser namin.



Medyo wala ngang pumapasok sa utak ko dahil lutang na lutang nanaman ako. Kaya naman, sinampal ko ang sarili ko.



"Ms Park, what are you doing?" Aish! Nahuli pa 'ko no'n? Tss! "Are you in your mind today, Tiana?" Nag-aalalang tanong niya.



"Y-yes, Ma'am. I'm sorry again." Bumalik naman siya sa pagtuturo.



Ano ba, Tiana? Umayos ka naman. Kailangan mong bumawi ngayong grading.



"I forgot class, I will be announcing your scores in your periodical test today." Sabi niya. Yung iba naman nag-ingay. Sabi nang iba, baka daw bumaba sila. Nag-aalala din ako sa scores ko, siguro bumaba din.



Sinimulan nang i-announce ni Ma'am ang scores. Up to 100 kasi ang items.



"Bautista, 89." Napatingin naman ako kay Tricia. Nag-thumbs ako sakanya.



"Fernandez-Park...." Napapikit ako. Kinakabahan na talaga ako. Ayoko na, gusto ko na talagang mabura sa mundo. "This is unbelievable. You only got 45." Napaiyak naman ako no'n.



First time kong makakuha nang gano'ng score. Lagot ako nito kay Mama.



Naramdaman ko naman na lumapit sa'kin si Tricia. "Bes, huy!" Sabi niya habang hinahagod ang likod ko.



"Tiana, hija. Don't worry. You just need to catch up with the lessons and you need to recite for you to have a good and high grades. Got it?" Napatango naman ako. "Okay class, see you around." Saka siya umalis ng classroom.

A Life With Him (Jimin Fanfiction)Where stories live. Discover now