CHAPTER 82

7.3K 272 6
                                    

'Shout out kay Maxine Clarise Rubia, thank you sa support mwuahh (^_^)!

~LA pov~ chapter 83

"Ethan and Jin, don kayo sayo sa extra room, tapos kami nila Mitch at Cath ay dito sa kwarto ni kuya" sabi ko sa kanila at agad naman silang sumunod

Nandito kami ngayon sa condo ni kuya at malaki to, at madami dami din ang lilinisin namin bukas bago kamo lumayas dito at pumunta kila Jin

Nung nailagay na namin yung mga gamit namin ay saka kami nagpunta ng kitchen para magluto sana kaso wala pa lang pagkain kase hindi naman nagstay si kuya dito

"Guys, may Grocery sa baba ng building na to, kaya bababa muna ako para bumili ng makakain hanggang bukas ng pananghalian natin" sabi ko at tumango naman sila at aalis na sana ako pero bigla akong tinawag ni Mitch

"LA" tawag nya sakin kaya agad ko syang nilingon

"Bakit" tanong ko,

Saka hindi naman ako galit kay Mitch, at saka kaya lang ako nagwalk out kanina sa N-Seoul Tower kase gusto ng tumulo ng luha ko pero ayaw kong makita nila kaya agad akong pumunta sa gawi nila kuya at umastang walang nangyari

"Samahan kita" sabi nya at hindi naman na ako tumanggi kase alam kong may sasabihin to sakin

Habang naglalakad kami papunta sa may gawi ng elevator ay bigla namang nagsalita si Mitch

"Sure ka na ba sa mga pinag sasabi mo" tanong pa nya kaya naman nginitian ko muna sya bago sumagot

"Kanina hindi pa ako sure" unang sabi ko at tumingin sya sakin "pero ngayon buo na desisyon ko" sabi ko ulit at saktong dumating kami sa gawi ng elevator ay ang pagbukas nun kaya naman agad kaming sumakay don

"Ano naging desisyon mo" tanong ni Mitch

"Buo na ang desisyon kong mag aral dito" sabi ko at nalungkot sya "Mitch, kahit naman dito ako mag aral ay walang magbabago sa pagkakaibigan natin nila Cath diba" sabi konat tumango naman sya

"Pero kase LA, hindi naman yun ang inaalala ko eh" sabi nya at taka naman akong tumingin sa kaniya

"Eh ano pala" takang tanong ko

"Yung mag isa ka dito, LA wala kang matatakbuhan dito kapag kailangan mo, yun ang inaalal ko, ayaw kong mag isa at malungkot ka lalo na ang nasasaktan ka" sabi nya na ikinangiti ko sa kaniya

"Hindi ako mag iisa, kasama ko si Lolo at saka kung gusto ko sumama kayo nila Cath kay kuya kapag pupunta sya dito, para naman mabibisita nyo ko diba" nakangiting sabi ko sa kaniya na ikinangiwi nya

"Wow ang mura ng plane ticket balikan papuntabg korea at pabalik ng pinas ah" nakangiwing sabi nya na ikinatawa ko naman

"Ang sabi ko ay kung gusto mo lang naman" pagtatama ko sa kaniya

"Bahala na, at saka kung yan ang desisyon mo ay susuportahan kita basta mag ingat ka dito at huwag mo kaming kakalimutang kamustahin ah" sabi nya at tumango naman ako at niyakap sya at saka nagbukas ang elevator at agad kaming bumaba dun at dumiretso sa Grocery don

"LA magluto tayo mamaya ng Tteokbeokki at saka Kimchi Stew" masayang sabi nya at tumango naman ako

"Sige, tara bili muna tayo ingredients sa kimchi Stew" sabi ko at agad naman kaming pumunta sa mga Meat

"Ano ba mga ingredients na nilalagay mo dito" tanong nya sakin

"Spam, tofu, pork belly, odeng, green chili, Red pepper paste at saka yung kimchi" nakangiting sabi ko at tatango tango naman sya

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now