CHAPTER 92

6.1K 252 4
                                    

~L.A Pov~

"So guys, ito na yung announcement namin" sabi ni kuya

Kinakabahan ako dahil mukang nakakahalata si Mitch dahil kanina pa sya walang kibo at mukang hindi maganda ang mood nya.

"Ano ba kase yan" sabi ni kuya Xander

"Manahimik ka muna, saka ko sasabihin" sabi ni kuya kay kuya Xander

"Ok quiet guys" sabi ni Ate Xandra na agad namang silang tumahimik "you may proceed" sabi ulit ni ate Xandra kay kuya.

"Kaya kayo nandito is hindi talaga para sa announcement namin, pero parang ganon na nga den" unang sabi ni kuya

"Ang gulo mo naman" si Kuya Migz

"Patapusin mo muna kase ako" bulyaw ni kuya kay kuya Migz

"Oh tapos" si Kuya Xander

"Sige nandito kayo para sa announcement namin at para na din sa padespedida namin ni LA" sabi ni kuya na ikinagulat at ikinataka ng lahat.

"Despedida" takang tanong ni kuya Xander

"Para san yun" si Ate Xandra

"LA bakit may padespedida kayo" takang tanong ni Cath sakin at ngumiti naman muna ako sa kaniya bago ako sumagot

"Nakapag desisyon na kase akong sa korea ko na ipagpatuloy ang pag aaral ko at sasamahan ako ni kuya don" sabi ko sa kanila kahit na ang totoo ay sa US ako mag aaral talaga.

Agad ko namang tiningnan si Mitch at nakatingin lang sya sakin at walang emosyon ang muka, alam kong galit sya pero kailangan ko tong gawin at buo na ang desisyon ko.

"Kailan naman kayo uuwi" tanong ni Ethan

"Hindi ko pa den alam eh" sagot ko kay Ethan na Malungkot

"Kailan naman ang alis nyo" si Jin

"Bukas ng hapon ang flight namin at umaga naman kaming aalis dito sa bahay" sabi ko at mas naging malungkot sila

"Agad agad" si Jin

"Oo" sabi ko at napayuko ako, kitang kita ko sa mga muka nila ang lungkot

"Akala ko ba walang iwanan" si Cath at agad akong tumingin sa kaniya

"Cath, gusto ko mang dito ako mag aral pero hin...." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol yun ni Mitch

"Pero hindi mo kayang makita ulit si Kurt" pagpapatuloy nya sa sasabihin ko

"Oo" tipid ko sagot at ngumisi lang sya

"Kalokohan" sabi ni Mitch at saka walang sabi sabing umalis sya ng bahay

Hahabulin ko sana si Mitch para mag paliwanag at para mas maintindihan nya pero bigla ang akong pinigilan ni kuya

"Hayaan mo muna sya" sabi ni kuya at tumango naman ako

Nung matapos ang pagsasalo salo namin nayun ay agad namang umuwi ang mga kaibigan at pinsan naming may lungkot na nararamdaman.

Hindi ako makatulog dahil iniisip ko si Mitch, ayaw ko syang makitang malungkot at mas lalo ng ayaw ko syang makitang galit sakin, pero ayaw ko din namang maudlot ang plano ko ng dahil sa galit nya, siguro maiintindihan nya din ako

Nasa ganoon akong pagmumuni muni ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok don si kuya na may ngiti sa mga labi

"Bakit gising ka pa" nakangiting tanong nya sakin at bumangon naman ako at sya naman ay naupo sa gilid ng kama ko

"Iniisip ko kase si Mitch" sabi ko at ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko

"Maiintindihan ka din nya, at huwag mo munang isipin yan dahil bukas ay maaga tayong aalis dito para bumiyahe papuntang manila at doon na muna tayo mag stay hanggat hindi pa tayo lumilipad papuntang US" sabi ni kuya at agad naman akong tumango

"Sige kuya, goodnight love you" nakangiting sabi ko at ngumiti naman si kuya sakin at hinalikan ako sa noo

"Goodnight my princess love you too" sabi ni kuya at hinalikan nya ulit ako sa noo at saka sya lumabas ng kwarto ko, at ako naman ay natulog na dadaan nalang siguro ako bukas kay Mitch bago kami umalis ni kuya

*kinabukasan!!!!!!!!*

"Ano nasa kotse na ba lahat ng gamit mo" nakangiting tanong sakin ni kuya, at aalis na kami dito sa bahay para bumiyahe na pamanila. At alas syete na ng umaga

"Yes kuya" nakangiti ding sabi ko

"So lets go" aya sakin ni kuya

"Wait lang kuya" sabi ko

"Bakit, may nakalimutan ka pa ba" takang tanong ni kuya

"Wala na" sabi ko "pupuntahan ko lang si Mitch" sabi ko ulit kay kuya

"Sige bilisan mo" sabi ni kuya at tumango naman ako at saka mabilis na nagpunta kila mitch

Nung nasa tapat na ako ng bahay nila Mitch ay nag doorbell lang ako ng dalawang beses at nung wala pang nagbubukas non ay nag doorbell ulit ako at sa wakas ay may nagbukas na ng gate nila

"Ma'am LA, goodmorning po" nakangiting bungad sakin ng kasambahay nila Mitch

"Goodmorning, nasan si Mitch" sabi ko sa kasambahay nila

"Ay wala po dito si Ma'am Mitch" sabi ng katulong nila at nagtaka naman ako

"Nasan po sya" mabilis na tanong ko

"Hindi ko po alam" sagot sakin nung katulong nila

"Ah sige po, pakisabi nalang na dumaan ako dito" medyo malungkot na sabi ko

"Sige po, ingat po kayo sa korea ni Sir Aixel" nakangiting sabi sakin nung kasambahay nila ay ngumiti lang ako

"Salamat" sabi ko at saka umalis don ng malungkot

"Ano nakausap mo ba" tanong sakin ni kuya nung makalapit ako sa kaniya at umiling lang ako

"Hindi eh" malungkot na sabi ko

"Bakit" takang tanong nya

"Wala daw don eh" sabi ko at tumango naman si kuya

"Makakausap mo naman sya pagdating natin don sa states" sabi ni kuya at nakangiting tumango ako

"Tara na" sabi ko at saka sumakay sa kotse at ganon din si kuya

Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ko lang ang mga dumadaan dahil mukang taon ang makakalipas bago ko ulit to masilayan

"LA, are you ok" nag aalalang tanong sakin ni kuya

"Yes kuya, im ok! very ok" nakangiting sabi ko at ngumiti naman sakin si kuya

"Matulog ka muna mahaba haba pa ang byahe natin, palabas palang tayo ng nueva ecija" sabi ni kuya at tumnago naman ako at saka ko ipinikit ang mga mata ko pero hindi ako makatulog

Kahit na anong pikit ang gawin ko sa mata ko ay hindi talaga ako nakatulog kaya naman nag cellphone lang ako, at pagbukas ko sa instagram ko ay may nakita akong post ng mga kaibigan ko na

'Happy trip LA'

'Mamimiss ka namin'

'See you soon LA'

Yan ang mga post nila ay nag heart lang ako sa mga post nila at nagpasalamat na din, pero hindi pa din ako masaya dahil hindi ko nakausap si Mitch,

After kong magtingin tingin sa cellphone ko ay laking pasalamat ko ng dinalaw na ako ng antok kaya naman natulog ako.

'See you soon everyone♡'

______________________________________
Continue Reading!

Pinkylian♥

BOOK 2: I Fell In Love With Bad BoyWhere stories live. Discover now