XV. Sana Ako

165 21 5
                                    

"Pa, kain lang kayo, order lang po ako for take out para may baon tayo pauwi"

They're in a fastfood, kagagaling lang nila sa sementeryo at nagsindi ng kandila sa puntod ng mama nya.

"Sige nak, yung paborito kong cheese burger"

"Kuya Paulo huy, parang di ka naman kumakain, sino ba tinitingnan mo" tanong ni Denise sa kanya.

Nung nakita nya tumayo si Lime, tumayo na rin sya, it's now or never.

"Lime can we talk? Please?"

Nagulat si Lime na may humawak sa kamay nya. It's Paulo and he looks sad and weary.

"S-sige"

Sumunod sya kay Paulo sa parking lot ng restaurant. She heard him took deep breaths bago magsalita.

"Kamusta Papa mo?" He looks at her with eyes that are about to cry.

Napahawak si Lime sa sariling dibdib, parang anytime sasabog na rin sya.

"Ok lang, nakalaya na sya nung last month"

Paulo smiled, he's sincerely happy for her.

"Good, ikaw kamusta ka?"

"Ok lang"

"Buti naman, atleast ok ka..ako kasi hindi eh"

"Pau-"

"Alam mo ba nung umalis ka araw-araw akong nasa labas ng bahay nyo tinatawag ka? Mga ilang buwan din akong muntanga"

Gustong takpan ni Lime ang tenga para hindi marinig mga sinasabi nito.

"I'm sorry" Yumuko sya, hindi nya kayang salubungin mga tingin nito.

"Sorry lang Lime? Wala man lang explanation? Wala man lang Paulo kamusta ka na?" He bit his lip trying to hold back tears." Eight years na rin akong naghihintay."

"Kamusta ka na Pau?"

Paulo laughed, nababaliw na yata sya. "Seryuso Lime?"

Huminga sya ng malalim at nagsalita.
"Nakulong nga si Papa di ba?Ano pa ba gusto mong explanation?"

"Lime hindi ikaw ang nakulong! bakit hindi ka man lang nagtext sa kin no'n, sana may naitulong man lang ako, boyfriend mo ako di ba?

She saw Paulo tried to cover his tears in the dark.

"Magulo naging buhay namin ni Papa, ang bata pa natin no'n Pau ayuko maging pabigat sa yo"

"But you've never reached out for 8 years? Ang hirap mong hanapin Lime"

"Reach out? Para ano? Anong mukha ihaharap ko sa yo? Hiyang hiya ako sa nangyari sa 'min Pau"

"And then you suddenly showed up in front of me fangirling over Justin?" He smiled bitterly. "Ano yun Lime?"

Lime just stands there silently. Di nya na alam kung ano sasabihin.
"I'm sorry Pau" She quietly wiped her tears and turned around.

But Paulo was quick enough to give her a back hug. "Just 5 seconds Lime"

Lime counted 1-5 and walked away, but heard Paulo saying "Sana ako na lang bias mo"

-----

Author's note: Pamura isa....taena ang sakit!!! 😭

Username: Sweetcorn77Where stories live. Discover now