XVI. Broken/Fixed

159 18 3
                                    

"Pa tara na po, baka maiwan na po tayo ng bus" walang lingon likod na umalis si Lime. Nalilito namang sumunod Papa nya sa kanya.

Akala nya tapos na syang umiyak nung ibenenta nya ang cellphone pang pamasahe sa bus, nung halos pa laboy-laboy na lang sila ng Papa nya sa Maynila. Akala nya tapos na syang umiyak nung halos araw-araw nyang namimiss si Paulo, at nang makulong Papa nya. Hindi pa pala.

Nakaupo syang humahagulgol sa bus. Tinakpan nya ng panyo ang mukha at dun umiyak ng umiyak.

"Pa masakit Pa!! Ang sakit sakit Pa!!!! Di na ko makahinga sa sobrang sakit Pa!!"

Di naman alam ng Papa nya kung ano ang gagawin, pinagtitinginan na kasi sila ng ibang pasahero sa bus.

"Ano po nangyari sa anak nyo? may problema po ba?" di na mapigilang tanong ng isang ale.

"Naku wala po, heartbroken lang po tong anak ko"

"Naku neng, iiyak mo lang yan sige"

Awang-awa si Destiny sa batang lumapit sa kanya habang nakaupo sya sa isang bench, at first nilaro laro lang nito ang hawak nyang teddy bear pero umiyak na.

"Baby why are you crying?" tanong ni Des sa bata.
"You want this teddy bear? I'll give this to you"

"Really? This is mine now?"

"Yes, but stop crying ok?" Destiny was about to call for the guard nang may lumapit sa kanila.

"Miel! kanina pa kita hinahanap"

"Tito Justin!" Umupo si Justin sa harap ng bata at niyakap ito.

Destiny couldn't believe na nasa harap nya ang Justin De Dios ng buhay nya.

"Hala Miel kanino yang teddy bear?"

"That pretty lady gave this to me" ininguso pa ng bata si Des.

"Hi Justin!" She smiled at him awkwardly, gusto nyang maglaho sa kinauupuan sa sobrang hiya, but then she silently thanked God at lumakas lakas sya ngayon and she didn't need a wheelchair.

Justin looks at the girl Miel talked to. Kahit nakaupo ito, her tall and slim stature is visible, plus with that long, purple dress. Pero hindi naman naitago ng black bandana sa ulo ang pagkaputla ng mukha at lalim
ng mata. "She might be sick" he said to himself.

"Hello po! kilala nyo po ako?"

"Yes sir, I mean Jah.. I'm a fan"

"Talaga po?" He turned to Miel. "Miel balik mo na yung teddy bear"

"No!she already gave this to me"

" Jah it's ok, kay Miel na yan"

"Hala di po pwede, kabibili nyo lang po yata e"

"ok lang talaga Jah, promise."

"Hala thank you po" Justin stood up and extends his hand for a handshake. "I'm Justin De Dios po, youngest member of SB19, nice to meet you"

Destiny accepted the handshake kahit nanginginig "I'm Destiny Lamela, nice to meet you too"

Username: Sweetcorn77Where stories live. Discover now