Chapter 4 - Strike Three

278 21 9
                                    



















Nasa Mecury Drug ako ngayon. Tapos na rin ako maglunch kanina doon sa office. Bibili sana ako ng gamot para sana don sa baby ng kuya ko. Kaso walang stocks. Kaya namili na lamang ako ng pagkain pang snacks mamayang hapon.



Nang biglang tinawag ako nang isang pamilyar na boses.




"Kimberly?"




Natigil ako sa pagbabasa ng nutrifacts sa hawak kong curls para tingnan kung sino iyon. Si Bella with her same casual suit, may blazer nga lang siya ngayon.




"Hi mam" ngiti ko.





"Anong ginagawa mo dito?" she asked.




Gusto ko sanang sabihin manood ng sine dito sa drug store. Kaso baka dito pa ako okrayin nito.




"Ah may binili lang. Tapos eto tumitingin na rin ng pagkain para mamayang snacks" sabi ko sabay binalik ulit yung curls sa estante. Mahal eh. Yung tag sais lang ang hanap ko.




"Kayo, may binili rin po kayo?" I asked. Naglalakad na ako palabas ng Mercury drug. Nakasunod din siya sa akin. Mukhang paalis na rin yata siya.





"Ah yeah. May binili lang" pinakita niya sa akin iyong paper bag na hawak niya.





Tumango tango ako.

Nang makalabas na kami ng Mercury.





"Pabalik ka na ba ng office? Sumabay ka na sa akin" anya sabay tinuro yung maroon na vios na nasa tapat lang namin.




Wow! Vios new car kaso... Napailing ako "Ah hindi na po. Dadaan po pa kase ako sa pharmacy".





Kumunot ang noo niya. "hindi pa ba ito pharmacy?" tinuro niya yung mercury drug. Shit! Oo nga pala. Napapikit ako. Ang tangabels mo naman Kim.





"Ahmm, ang ibig ko pong sabihin, ibang pharmacy po. Kase wala pong stock yung bibilhin ko sana" ngisi ko. Yun oh, nalusutan ko kahit yun naman talaga ang toto!





Tumango tango siya "You sure? Pwede niya naman tayong ihatid sa opisina" sabi niya.





Umiling ulit ako at tumalikod. Maglalakad na sana ako nang. Niya? Ibig sabihin may kasama siya? Hindi niya kotse yon at hinatid lang siya dito? Saka ko lang naalala na naglunch out pala siya ngayon at posibleng kasama niya si Babe. OMG! Malaking scoop to!






Tumalikod ulit ako at humarap sa kanya. Buti nalang hindi pa siya tuluyang nakapasok sa kotse Papasakay palang sana siya sa passenger seat sa harapan. Sakto!







"Ah mam" tawag ko. Naitigil siya sa pagpasok at tumingin siya sa akin. "Okay lang po ba kung makikisakay na lang ako? Ngayon ko lang narealize na past 1 na pala. Malelate na pala ako" pagdadrama ko.





Inayos niya ang takas niyang buhok at nilagay iyon sa kanyang tenga saka tumingin sa akin. Tumango tango siya "Oo, naman".





Yumuko siya at may kinausap lang saglit sa driver seat "Hey a friend is coming with us" nakita ko siyang ngumiti at pagkatapos bumalin ulit sa akin.





"Halika na" aniya.




Napangirit ako at naexcite agad sa mga susunod na kaganapan.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sometimes You Just Fall In LoveWhere stories live. Discover now