Chapter 2 - Gandang nakakadistract

241 13 6
                                    







"Wow! this is really good! I really love the designs Ms. Arnaiz. Magaling ang Bridal designer na mo" tuwang tuwa si Ms. Agape pagkatapos niyang makita ang ginawa kong mga designs. Siyempre sinunod ko na yung utos ni Bella na sundin ang gusto ng kliyente.


And Yes, I made it to the timeline! Halos hindi na nga ako natulog kagabi para lang matapos kong gawin yung mga designs na ipapakita kay Ms. Agape ngayon. Buti na lang at nagustuhan niya! Dahil pag hindi malilintikan na naman ako kay Bella.


"Maraming salamat din po Ms. Agape at nagustuhan niyo po yung mga designs" lumapad ang ngiti ni Bella natutuwa sa kanyang nakikita.


"I really Love it. Super! Talagang kuhang kuha niya ang designs na gusto ko" binalingan ako ni Ms. Agape. I smiled at her medyo pilit nga lang.


Bakit? Eh ano naman ang kinaganda diyan sa designs na gusto niya? kung alam niyo lang? Masyadong old fashion. Heller! 2020 na kaya! Panahon pa ng kopong kopong yan eh. Millennial time na poh, kaya hindi umuusad ang Pilipinas eh, dahil naka stuck up tayo sa sinaunang panahon.


"Kung ganon, sisimulan na ba namin gawin ang mga gowns?" tanong ni Bella.



"Yeah sure. Provide us your schedule for fitting. At papapuntahin ko na lang sila dito sa shop niyo" sabi ni Ms. Agape.



Pagkatapos ma-iset ang schedule for fitting ay umalis na rin si Ms. Agape. Bumalik na ulit kami sa aming mga gawain. Tinurn-over ko na rin iyong mga designs kay Ruby, siya kase ang head ng tailors.



"Ah Kimberly" tinawag ako ni Bella. Nilingon ko siya. Nakatayo siya malapit sa pintuan ng opisina niya.


"You did a good job. Keep it up!" sabi niya.



"Salamat po mam" ngiti ko. Tumango lamang siya at pumasok na sa kanyang opisina.



"So friendship na ulit kayo?" tanong ni Steve na nakangisi.


"Sira! Hindi naman kami magkaaway niyan" simangot ko.



"Asus, kagabi nga lang halos murahin mo yung tao eh!" ngumisi ulit si Steve.


Pinandilatan ko siya "ssshhh, ano ka ba!" saway ko sa mahinang tono. Ito naman kaseng baklang to, hindi nagiisip.



"Hay naku, magpasalamat na lang tayo na nagustuhan ni Ms. Agape yung mga designs. Kase kung hindi, lahat tayo masasabonan. Eto kase eh" sabay tinuro ako ni Mariel na busangot ang mukha.



Namilog bigla tong mga intsik kong mata "huwow, ako?" tanong ko.




"Oo, ikaw talaga" bilog na bilog din ang mga mata niyang tumingin sa akin. Ano pabilugan ba tayo ng mata? Siyempre talo ako sa kanya di ba? Kaya wag na lang.



"Kung hindi ka ba naman panay ML, di sana maayos mo nagawa yung unang designs mo. Panay ML ka kase, kaya ayan! Saka isa pa, itigil mo na yang katigasan ng ulo mo, yung hindi mo pagsunod sa mga gusto ng kliyente. Magtanda ka nga!" panay pa rin ang sermon ni Mariel kahit nakaupo na siya sa kanyang mesa.



Nang sumulyap siya sa akin, ngumisi lang ako. Ngising malademonyo at nailing na lang siya. 



"Mariel, millennial na tayo ngayon. Kasalanan ko ba kung yung mga gusto nilang designs eh panahon pa ng mga hapon" sabi ko.



Sometimes You Just Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon