1

86.9K 1.8K 397
                                    

"LOLA, bakit ho nagkakagulo ata ang mga tao dito sa atin sa isla? Nakita ko silang nagkukumpulan sa dalampasigan kanina." puno ng kuryosidad na tanong ni Summer sa matandang babae matapos niya magmano dito nang makauwi siya sa bahay nila.

Kagagaling lang kasi niya sa kaibigan ng lola Selya niya na nasa kalapit lugar nila, tumanggap siya ng labada doon para pandagdag sa kita niya.

"Naku eh, dumating na daw kasi yung nakabili nitong isla, balak na atang patayuan ito ng resort kaya nag-aalala ang mga kapitbahay natin na baka paalisin tayo dito." sagot ng lola Selya niya.

Nakaramdam ng lungkot si Summer. Nalulungkot siya kung papaalisin sila doon ng kung sino mang nakabili ng isla nila. Ayaw niyang umalis doon dahil parang naging parte na ng buhay niya ang isla. Doon na siya lumaki at nagkaisip.

Wala naman silang ibang mapupuntahan ng lola Selya niya kung sakali.

Matanda na ang lola niya at patay na rin ang nanay niya. Wala na naman silang ibang kamag-anak.

Hindi naman pwedeng bumalik ang abuela niya sa pagtatrabaho nito bilang kasambahay. Dati kasing mga kasambahay ang lola niya at nanay niya ng mga Galvez, isang mayaman at maimpluwensyang pamilya sa Sta. Monica

Ang kwento ng lola Selya niya, nagkaroon ng lihim na relasyon ang ina niya at amo nitong lalaki na siyang tunay na ama niya. Hanggang sa malaman ito ng legal na asawa ng ama niya. Pinalayas nito ang ina niya sa bahay ng mga ito. Sumama na rin ang lola Selya niya sa kaniyang ina paalis sa poder ng mga Galvez. Doon sa isla na lang nila napiling manirahan.

Noong sampung taong gulang na siya, naospital ang nanay niya at binawian ng buhay dahil sa brain tumor nito.

Hanggang sekundarya lang din ang natapos niya sa pag-aaral dahil din sa kalulangan ng pera. Pero nag-iipon siya ng pera ngayon para makapag-kolehiyo siya.

Gusto nga siyang pag-aralin ng ama niya pero tumanggi naman ang lola Selya niya dahil ayaw nitong tumatanggap siya ng pera o kahit anong tulong mula sa tunay niya ama.

Pagtitinda lamang ng isda ang ikinabubuhay nila ng lola Selya niya. Sumaside-line din siya sa daycare center sa isla nila. Nag-aalaga at nagbabantay siya ng mga bata kapag wala ang mga magulang ng mga ito. Tumatanggap din siya ng labada.

Pero kahit mahirap ang buhay nila, masaya siya sa piling ng lola niya. Mahal na mahal niya ito.

Kaya nga nalulungkot din siya para dito kung mapapaalis sila sa isla. Doon kasi nakalibing sa isla ang lolo niya at nanay niya. Alam din niyang maraming masasayang alaala ang mga ito doon.

Magtatanong dapat uli siya sa abuela nang sumungaw sa bintana ng bahay nila si Aling Simang, isa sa mga kapitbahay nila.

"Pumaroon daw tayong lahat sa kubol malapit sa dalampasigan, pinapatipon tayo ni Kapitan. Nandoon rin yung lalaking nakabili nitong isla." sabi ng babae.

Inakay niya ang lola niya palabas ng bahay. Agad silang pumunta sa kubol na nagsisilbing sentro nila sa isla lalo na kung may gustong sabihin sa kanila ang kapitan nila. Nang makarating sila sa kubol ay bumungad sa kanya ang ilan pa nilang ka-isla na nakapaikot sa kubol. Puno ng kuryosidad na napadako ang tingin niya sa unahan at nakita niya ang isang lalaki na pinaliligiran ng ilang unipormadong kalalakihan.

Sumisigaw ang karangyaan at kapangyarihan sa buong awra nito. Malamig at walang emosyon ang kulay bughaw nitong mga mata.

Naputol ang pagtingin niya sa lalaki ng tapikin siya ng kaibigan niyang si Elsa. "Grabe, Aba. Ang guwapo niya 'noh?" kinikilig na tanong ng kaibigan sa kanya.

"Sino ba siya?" pabulong na tanong niya sa kaibigan.

"Siya raw yung nakabili nitong isla. Grabe talaga, ang guwapo na nga, sobrang yaman pa! Nakakalaglag ng panty!" napailing si Summer sa tinuran ng kaibigan.

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now