CHAPTER 11 : The Game

1K 35 0
                                    

SECRETLY LIKE YOU
CHAPTER 11 : The Game


HAPON na malapit narin magtakip-silim noon nang magpaalam sina Hazel na kailangan na nilang maunang umuwi. Nangungulit na kasi ang ina ng dalaga. Nasa labasan sila lahat para ihatid ang dalawa. Nang hanggang sa makaalis nalang ang mga ito at pabalik sila sa loob para magligpit din. Hindi parin nagpapansinan ang binata at professor.

Sa kabilang banda ay ramdam ni Astran ang galit ni Zayne sa kanya. Ngayon lang siya naging ganito tungkol sa kanyang totoong nararamdaman. Ngayon lamang siya nakaramdam na maduwag na hindi niya naman ugali. Hindi nga ba niya alam? Puwedeng-puwede naman niyang kausapin ito aggresively pero nanatili siyang nakatikhim. Nandoon 'yung umaasa parin siya na magre-response ang professor sa pag-amin niya. Saka iba itong si Zayne para tratuhin niya ng ganoon. Hindi naman sa tungkol sa pagiging professor nito bagkus tungkol sa pagmamahal niya dito.

He is the type of guy who when he loves someone he will respect them for how they feel. When he loves someone, he considers it a cherished and important thing that he owns.

Kaso may pagka- short tempered talaga siyang tao e. At ayaw na ayaw niyang ganito. Doon lang naman din siya napuno noong magpakita siya ng ngiti kay Zayne pero inirapan lamang siya nito habang nagliligpit sila.

Nang hindi narin napigilan ni Astran na magtanong ‘kung puwede e-straight to the point na siya nito? Kung ganoon na lamang ba kagalit ito sa kanyang ginawa? Sige! Sige puwede naman siyang suntukin nito e. Suntukin nalang siya nito kesa ganito. Sorry kung nabigla niya siya? Sorry kung ito kasi talaga ang nararamdaman niya para sa kanya.’

“Please stop,” mahina pero madiin na tugon lang ni Zayne wala ng iba pa sabay duko noong makagat ni Astran ang kanyang labi. Pinili narin niyang manahimik nang medyo may namuo naring luha sa kanyang mata saka pa lamang noon maya-maya ay babasagin ang pananahimik sa pagitan nila nang biglaang buhos ng malakas ang ulan.

Naging aligaga bigla ang professor noong dali-dali itong kumilos.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Astran. Hindi na siya umasa kung sasagot ito pero tumugon naman ito. “I'm going somewhere, just stay here,” iyon lamang bago ito lumabas at lumusong sa ulan. Gusto niya malaman kung saan ito pupunta pero narinig niyang alangan ito sa mga farmers dahil sa pag-ulan. Saka naman doon biglang pumasok sa kanyang isipan ang pinag-usapan nila Zayne at 'yung matanda na lalake kanina tungkol sa barn. Malamang patungo ito doon para tumulong sa pagresponde na mailipat ang mga palay sa silong na lugar.

Nang mag-alangan din si Astran, kaya nagpadalos-dalos narin siya na sumuong sa malakas na ulan at kumilos upang sundan ang professor. Nais niya ring tumulong na siyang ikinagulat ni Zayne noong makita siya nito. Alam niya may masasabi nanaman ito at magagalit nanaman. Kaya nagpanguna na siya na tutulong siya sa paghahakot for the sake of farmers. Kaya wala siyang narinig na tutol noong mag-alok na siya ng tulong sa mga tao pagkatapos sinimulan niyang magbuhat at kumilos ng mabilis.

Doon ay hindi ni Astran mapapansin ang lihim na pag-gitla ng ngiti sa labi ng professor habang pasimple na tumitingin-tingin ito sa kanya.

“Hindi na sana kayo tumulong, Sir! Nag-abala pa po kayo sa amin. Nadumihan pa po tuloy ka'yo.” Saad ng matandang farmer na si Mang Ronie kay Zayne.

Sa suot na longsleeve na white ng professor at polo-shirt na white din na suot ni Astran ay nag-gigitata ang putik dito. Mula sa puting puti ay nabalutan ng kulay itim na dumi at brown. Markado din ang ilan sa pagkatastas sa tela ng mga suot nila.

“Naku! Mang Ronie hindi na ho ako iba dito at hindi niyo po kailangan magpasalamat sa maliit na bagay. Kaunting tulong lang naman iyon kasama ng student ko.” Tugon ni Zayne pero napailing-iling si Mang Ronie na kahit pa na kesyo maliit o malaking bagay ay magpapasalamat daw sila. Kasi hindi maliit na bagay ang pagtulong nila ni Astran na maisalba ang mga palay na tanging kabuhayan daw nila dito. Nong ganoon nalang din kalaki ang pasasalamat ng iba pang farmers sa kanila.

SECRETLY LIKE YOU ❦ ( BL STORY ) R-18+  | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon