Chapter 22:

1K 28 0
                                    

Masakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan. Konti lang naman ang nainom ko kagabi pero sobrang sakit ng ulo ko. Mabuti na nga lang ay nakauwi ako nang ligtas kagabi kahit na medyo nahihilo ako.

"Ah! I hate hangover!" inis na sigaw ko bago ako tuluyang bumangon sa kama ko.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si manang Celia. Lumapit sya sa pwesto ko at kinurot ang braso ko.

"Ikaw na bata ka! Alalang-alala ako sayo kagabi! Madaling-araw ka ng umuwi at lasing na lasing ka pa! Ano bang ginagawa mo sa buhay---" panenermon nya.

Hindi ko alam pero biglang niyakap ko sya at umiyak sa dibdib nya. I cried hard. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko. Nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat-lahat. Hinayaan naman ako ni manang Celia at niyakap din ako nang mahigpit.

"WALA na pala tayong groceries, hija. Ako na lang ang pupunta sa supermarket." sabi ni manang Celia nang makita akong pumasok sa kusina.

"Ako na lang po manang. Doon na lang din ako magtatanghalian. Kumain na lang po kayo at huwag nyo na rin po ako hintayin." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hija, papayagan lang kita kung ipapangako mong hindi ka gagabihin at uuwing lasing. Maliwanag ba?" seryosong sabi nya.

"Aye aye captain!" sabi ko bago umakyat sa kwarto ko at nagbihis.

"Yakult!" masayang sabi ko sa sarili ko nang makakita ng yakult sa freezer ng isang supermarket.

Paborito ko ito kaya naman agad akong kumuha ng lima. Kumuha rin ako ng gatas bago naglakad papunta sa meat section.

"5 kilos of that, please." biglang tumibok nang mabilis ang puso ko nang marinig ang boses nya.

"Zeus?" mahinang pagtawag ko sa kanya pero narinig nya dahil nilingon nya ako.

I badly want to hug him tight pero agad syang umalis nang makuha ang biniling karne. Susundan ko na sana sya nang may niyakap syang babaeng nagdadalang-tao. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sakin.

At dahil nakaharap sa pwesto ko si Zeus ay kitang-kita ko ang saya sa mga mata nya at ang matamis nyang ngiti. Mga bagay na sakin nya lang pinapakita noon.

Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya nang makita ko ang paglapat ng mga labi sa mga labi ng babaeng yakap-yakap nya. Ang sakit. Ang sakit makitang masaya na sya sa piling ng iba. Ang sakit makitang maayos na ang buhay nya kapiling si Cassandra. Samantalang ako ay naiwang nasasaktan nang dahil sa kanya.

Pagkatapos mag-grocery ay napagpasyahan kong kumain muna sa isang fast food chain. Magana akong kumakain nang may napansin akong batang babaeng nadapa. Dahil malapit sya sa pwesto ko ay ako na ang nagtayo sa kanya.

Lumuluha syang nagpasalamat sakin. Tinitigan ko ang batang babae. Kahawig sya ng lalaking tinitibok ng puso ko.

"Zeus?" pagtawag ko sa lalaking bumuhat sa batang nadapa.

"Are you okay, my princess?" nag-aalalang pagtanong nya sa bata.

"I'm okay daddy. That lady helped me po." sagot ng bata kay Zeus.

Tinignan ko pa ang batang babae. Kahawig nya si Zeus dahil ito ang daddy nya. Anak ni Zeus ang bata.

Tumingin lang sakin si Zeus bago naglakad palapit sa babaeng nagdadalang-tao, si Cassandra. Hindi na nagawa pang lumingon sakin ni Cassandra nang hawakan sya ni Zeus sa baywang nya at naglakad sila paalis.

Napilitan akong ipabalot ang pagkain ko. Nawalan na ako ng gana dahil sa nasaksihan ko. Hindi ko inintindi ang pagrereklamo ng tyan ko.

Naisipan ko namang bumili ng regalo para sa mga kapatid ni Bianca para mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Sa tingin ko ay nasa siyam o sampung taon na ang kambal na kapatid ni Bianca.

Ano kayang magandang regalo?

Nagdesisyon akong bumili na lang ng mga libro bilang regalo. Sa natatandaan ko ay mahilig magbasa ng libro ang kambal.

Papasok pa lang ako sa National Book Store nang may natanaw ako. Masayang pamilya. Nagtatawanan sila habang papalabas ng book store na yun.

Hindi naman nila ako nakita dahil nakatuon ang atensyon ng mag-asawa sa anak nilang babae na may bitbit na mga librong pambata. Hindi ako nakita nina Zeus at Cassandra dahil busy sila sa anak na babae.

Akala ko naman ay pansamantala kong makakalimutan ang hindi pamamansin ni Zeus sakin kanina pero hindi pala. Nasaktan na ako nang makita ang masayang mukha nya habang nakayakap kay Cassandra kanina sa supermarket. Nasaktan na ako kanina nang makita ang bunga ng pagsasama nila ni Cassandra. Hanggang ngayon ay nasasaktan ako dahil nasaksihan ko mismo kung gaano sya kasaya kapiling ang mag-ina nya.

PAGKABALIK ko sa bahay ay agad akong nagkulong sa kwarto ko. Ilang beses kumatok ang mga katulong sa pinto ng kwarto ko pero ni isa sa kanila ay hindi ko pinagbuksan.

Nilabas ko ang isang box na punong-puno ng mga alaala ko kasama si Zeus. Ang mga litrato ay pinagpupunit ko. Ang mga stuffed toys ay pinagsisira ko. Hindi pa ako nakuntento ay pinagbabato ko ang lahat. Hindi ako tumigil sa paglabas ng galit at sama ng loob ko.

Napatigil ako sa akmang pagbabato ng nahawakan kong picture frame kanina nang maramdaman ko ang pagyakap sakin.

"Tama na, hija. Tama na." rinig kong sabi ni manang Celia sakin bago kunin ang picture frame na hawak ko.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha mo nang makita ang nakalagay na larawan sa picture frame. Litrato namin ni mommy habang masayang nakasakay sa merry-go-round.

"Mommy.." pagtawag ko sa kanya.

Humiwalay naman sa yakap si manang Celia at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Mas lalong tumulo ang mga luha ko nang kumanta si manang Celia. Ang kantang palaging inaawit sakin ni mommy sa tuwing malungkot ako o kaya naman ay papatulugin ako.

"Sun goes down.. And we are here together..."

"Fireflies.. Glow like a thousand charms.."

"Stay with me.. And you can dream forever.."

"Right here in my arms.."

"Tonight.." pagsabay ko sa kanya bago muling yumakap sa kanya nang mahigpit.

"Manang.. Ang sakit-sakit.. Ang sakit-sakit na. Ang sakit makitang masaya na sya sa iba!" sabi ko habang umiiyak.

"Anak.. Pakawalan mo na sya.. Patuloy kang masasaktan kung kakapit ka pa sa kanya.." sabi ni manang dahilan ng paglakas ng pag-iyak ko.

Humarap ako sa kanya bago umiling nang maraming beses, "No! Hindi manang.. Hindi.."

Muli nyang hinawakan ang mukha ko at seryosong nagsalita, "Stop holding on, anak. Wala ka ng laban. Masasaktan at masasaktan ka lang kung patuloy kang kakapit sa taong.. Sa taong matagal nang sumuko sayo.. Sa taong matagal ka nang binitawan."

"Sa tingin mo ba ay masaya ang mommy mo ngayon kung nakikita ka nya? Anak hindi. Hindi sya masaya na nakikita ka nyang nasasaktan nang dahil sa lalaki." pagpapatuloy nya pa.

Dahil sa sinabi ni manang Celia ay muli kong naalala ang huling sinabi sakin ni mommy.

"Promise me, you'll be happy."

Nangako ako sa kanya na magiging masaya ako. Nangako ako sa kanya.

"Pakawalan mo na sya, Agatha. Move on. May mas maganda pang mangyayari sa buhay mo. May dadating pang mas karapat-dapat sa pagmamahal mo. Anak, hindi titigil ang mundo mo dahil sa iniwan ka nya at pinagpalit." sabi ni manang Celia bago ako unti-unting tumango.

Kinabukasan ay dumalaw ako kay mommy. Umupo ako sa katabi ng lapida nya bago sya kausapin.

"Mommy.. Sorry.. Nangako ako sayo na magiging masaya ako.. Pero hindi ko nagawa."

"Sobrang sakit ng ginawa ni Zeus sakin, mommy. Sobrang sakit na tinalikuran nila akong lahat."

"Ang sabi ni manang Celia, pakawalan ko na si Zeus.. Pero mommy, isipin ko pa lang na tuluyang mawawala sya sakin.. Ang sakit na eh! Mas lalong masakit kung bibitawan ko na sya.."

"Kahit masakit, mommy.. G-gagawin ko.. Gagawin ko para.. Para mawala na ang sakit sa puso ko.. Gagawin ko.. Para sa sarili ko.. I will move on from him, mommy.. Magiging masaya din ako, like I promised you."

----

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Where stories live. Discover now