Chapter 33:

1K 22 0
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas mula nang kaarawan ni Tiffany. Isang buwan na ang lumipas mula nang mawala sya. Isang buwan na syang hinahanap ni Zeus. Isang buwan na akong nag-aalala sa kanya.

Kahit na hindi ko sya totoong anak ay nag-aalala pa rin ako sa kanya. Kahit na anak sya nina Zeus at Cassandra ay nag-aalala pa rin ako sa kanya. Araw-araw ay iniisip ko ang lagay nya. Sa mga araw na lumipas ay iniisip ko kung ano nang nangyari sa kanya.

Sa loob ng isang buwan na yun ay palagi akong nakakatanggap ng text messages mula sa unknown number na nagpadala rin sakin ng text messages noong araw na nawala si Tiffany.

Sa loob ng isang buwan na yun ay pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba kay Zeus ang katotohanan. Halos araw-araw ay nakukunsensya ako lalo na at ako ang dahilan kung bakit sya umalis. Nakakaramdam ako ng kunsensya katulad ng sinasabi sa bawat text messages na natatanggap ko.

Sa nakalipas na isang buwan na yun ay mas nanlamig ang pakikitungo sakin ni Zeus at alam kong alam nyang nahahalata iyon ni Zachary. Hindi nagsasalita at nagtatanong ang anak ko pero alam kong gustong-gusto nyang magtanong sakin kung anong nangyayari samin ng daddy nya.

Habang kumakain ng hapunan ay may biglang tumawag sa phone ni Zeus na agad nyang sinagot. Umalis sya sa hapag-kainan at naiwan kami ng anak ko.

"Mommy.. What's happening? Bakit parang nag-away kayo ni daddy? May pinag-awayan ba kayo? Is it because of ate Tiffany?" sunod-sunod na pagtanong ni Zachary nang makalabas sa dining si Zeus.

"Huwag mo na kaming pansinin ng daddy mo anak. We are worried dahil isang buwan na at hindi pa rin nakikita ang ate Tiffany mo." seryosong pagsagot ko.

"Nasaan na kaya sya? Sana makauwi na sya--" naputol ang sasabihin ni Zachary nang nagmamadaling bumalik si Zeus sa dining area at nagpaalam.

"Where are you going, Zeus?" nagtatakang tanong ko.

"Its my daughter. Nahanap na sya at susunduin ko." sabi nya bago nagmamadaling umalis.

ILANG oras na akong naghihintay sa sala. Kasama ko si Zachary at hinihintay namin si Tiffany at Zeus. Naglalakad-lakad ako habang iniisip kung anong gagawin ko kapag nagkita kami. Oo, nakukunsensya ako at natatakot ako sa magiging reaksyon nya kapag nagkita kami.

Napatigil ako sa paglalakad nang bumukas ang pinto at pumasok sina Zeus at Tiffany. Yakap-yakap ni Tiffany si Zeus sa baywang habang naglalakad sila papasok ng bahay.

"Ate!" pagtawag ni Zachary kay Tiffany.

I was expecting her to run and hug her brother pero iba ang nangyari. She smirk at Zachary, "Don't call me that, hindi tayo magkapatid."

Agad na nanlumo ang anak ko habang nakatingin kay Tiffany. " What do you mean?" tanong ng anak ko.

Tiffany smirk at me before answering Zachary, "Bakit hindi mo itanong sa mommy mo."

Lumapit sya sakin at nang nasa harap ko na sya ay nagsalita sya gamit ang mahinang boses, "Nakukunsensya ka ba, tita Agatha? Nakakaramdam ka ba nun? I guess no. Fourteen years mong tinago kung anong totoo."

"Princess." pagtawag ni Zeus kay Tiffany.

Muling ngumisi si Tiffany sakin bago tumingin kay Zeus na naguguluhan. "Ask your mom, Zachary. Ask her everything." sabi nya sa anak ko bago sya lumapit kay Zeus at sabay silang umakyat.

Kinabukasan ay nagsabay-sabay kami sa pagkain ng almusal - like we used to before. Hindi ako makakain nang maayos dahil sa presensya ni Tiffany. She has this aura na nagsasabing 'I'm not idiot. I know everything.'

Habang kumakain ay nagsasalita si Tiffany at panay banggit nya sa mommy nyang si Cassandra.

"I remember daddy, mommy was really good in cooking. She cooks every meal before."

"My mommy is really good at everything. Even complicated recipes, kayang-kaya nyang lutuin."

"Sayang lang at wala na sya. Hindi ko na matitikman ang luto nya."

Natahimik kaming lahat dahil sa huling sinabi nya. Fourteen years ago nang mamatay si Cassandra. Hindi agad namin nalaman. Nabalitaan na lang namin nang sabihin samin ni Cynthia. Her sister was murdered. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung sino at bakit sya pinatay.

Napansin ko ang pananahimik ni Zachary. Hindi rin sya kumakain nang marami katulad noon. Hinawakan ko ang kamay nya kaya naman napatingin sya sakin.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" nag-aalalang pagtanong ko.

Umiling lang sya sakin at tumingin kay Tiffany. Umirap naman ang dalaga at sinamaan ako ng tingin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Tiffany and Zachary were very close. Para silang totoong magkapatid sa sobrang close nilang dalawa. Naninibago lang ang anak ko sa naging pagtrato sa kanya ni Tiffany mula kagabi.

Tapos na kaming kumain nang aalis na si Zachary papasok sa kumpanya. Nagulat ako nang kasama nya si Tiffany.

"Why? Hindi ako pwedeng sumama sa daddy ko? Wala na ba akong karapatan sa negosyo ng daddy ko?" pagtataray nya sakin nang tanungin ko kung bakit sya sasama sa ama nya.

Ngumiti na lang ako at hinayaan silang umalis ni Zeus. Umakyat na lang ako sa sarili kong kwarto at nag-isip-isip. Maya-maya ay nakatanggap na naman ako ng text messages from the same unknown number.

"Patatagalin mo pa ba? Hindi pa ba sapat ang labing-apat na taong pagtatago mo ng katotohanan? Hindi ka ba talaga nakukunsensya sa ginawa mo, Agatha?"

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan ako. Paano ko sasabihin ang totoo kung hindi ako makalapit at makausap si Zeus? Paano ko sasabihin ang totoo kung umiiwas sya sakin?

Alam kong mali. Maling-mali ang ginawa ko noon pero nadala lang ako ng galit at selos nun. Paano ko sasabihin kung alam kong ikagagalit nila nang lubos?

Muli akong nakatanggap ng text message dahilan ng pagbitaw ko sa phone ko.

"Kailan mo sasabihin sa kanila? Ikaw ang dahilan kung bakit muntikan nang mamatay si Tiffany. Ikaw ang may kagagawan ng lahat, Agatha. Ikaw ang naghulog kay Tiffany noon at nagsinungaling ka kay Zeus! Makunsensya ka! Makunsensya ka, Agatha!"

Agad akong napahagulgol nang pumasok sa utak ko ang sinabi nya. Ako ang may kasalanan ng lahat. Nagawa ko yun sa inosenteng bata.

"AGATHA." rinig kong pagtawag sakin. Nang magmulat ako ay nakita ko si Zeus na ginising ako.

Agad akong bumangon bago sya kinausap, "Kanina ka pa ba? Nasaan si Tiffany?"

He smirk at me before answering, "Bakit? Sasaktan mo na naman ang anak ko? Bakit? Nagpaplano ka na naman ba kung paano mo sasaktan ang anak ko? Bakit? Tutuluyan mo na ba ang anak ko, Agatha?"

Sunod-sunod na nagsitulo ang mga luha ko dahil sa mga tanong nya. Ito ang kinatatakutan ko kapag nakaalala na si Tiffany. Ito ang kinatatakutan ko. Ang malaman ni Zeus ang totoo. Ito ang kinatatakutan ko. Ang matikman ang galit ni Zeus.

----

Untold Stories 2: Mistress (Completed)Where stories live. Discover now