Chapter 6 - Date/Date

64 7 0
                                        

Vice's POV

Pagpasok ko sa unit ko, parang may presensya ng tao akong naramdaman. Wala naman akong naalalang may bibisita sa'kin ngayon. Nakaramdam ako ng kaba kaya ini-on ko yung ilaw. Napatulala ako saking nakita. Nakatayo siya sa'king harapan. May hawak ng bulaklak at nakangiting nakatingin sa'kin.

"Happy Anniversary babe
" nakangiting sambit niya. Hindi ako makapag react. Tiningnan ko lang yung buong paligid. May mga balloons sa sahig, may nakasabit sa wall na 'Happy 4th Anniversary', sa may lamesa may pagkain at wine na nakahanda. Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na siya. "Hey, Magsalita ka naman. Di ko ba nagustuhan ang ginawa ko?" Sabi niya at napakamot sa ulo.

"Hindi naman sa ganun. Hindi ko lang ineexpect na nandito ka. Akala ko kasi nakalimutan mo na."
Yun talaga ang pag-aakala ko kasi di man lang siya nagparamdam sa'kin. Walang text or tawag. Ang sabi niya lang nung nakaraang araw di raw siya makakauwi.

"Sorry na kung di ko sinabing uuwi ako ngayon. Tsaka gusto lang talaga kitang isurpresa. Ito pala para sayo"
sabay abot ng bulaklak.

"Thank you. Happy Anniversary din babe" at hinalikan niya ako. Smack lang. Alam niyo na. Baka ma MTRCB HAHAHA! Charot.

"Kain na tayo, malamig na yung pagkain. Antagal mo kasing dumating." Sabay giya sa'kin papunta sa table.

"Pasensya ka na. Hindi ko naman alam na darating ka. Kaya nga nakipagchikahan pa ako kina Anne. Inaaliw ko yung sarili ko."

"Okay lang yun babe. Wag ka ng malungkot, nandito na ako."
Nakangiti niyang sabi habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato.

"Ikaw talaga. Andami mong pakulo ngayon ah" pabebe kong sabi

"Na miss lang talaga kita babe. Isang buwan din kitang di nakita." Saad niya habang kumakain.

"Namiss rin kita babe. Tapos di ka pa kumu-contact sa'kin" malungkot kong sagot

"Pasensya ka na. Busy lang talaga."


"Baka iba yung inaatupag mo"
mataray kong saad.

"Babe naman. Business yung ipinunta ko dun" sagot naman niya.

"Siguraduhin mo lang talaga"

"Oo naman babe. Siguradong sigurado. Kumain ka ng madami, nangangayayat ka na." At nilagyan pa niya ng pagkain ang plato ko.

"Tataba ako nito babe. Mawawala ang figure ko nito" natatawang sabi ko

"Kahit na tumaba ka pa. Mamahalin pa rin kita" sagot niya sabay kindat.

"We ke ngeng genyen"
pabebe kong saad. Jusko po kinilig si betle.

Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan sa mga ganap niya sa States. Kinukwento ko rin sa kanya yung mga ganap ko habang wala siya hanggang sa matapos kaming kumain.
Niligpit ko yung kinainan namin at siya naman ay nagpatugtog at sumayaw sayaw. Tumatawa lang ako habang pinapanood siya kasi hindi naman siya marunong sumayaw. Hindi siya nakakasabay sa beat.

"Babe muntanga ka" nakatawa kong saad.

"Ganito naman yung steps ah" pagpapatuloy pa niya sa pagsayaw.

"Hindi ka naman nakakasabay sa beat. Para kang ewan" tawa pa rin ako ng tawa.

"Mahal mo naman"
nakangisi niyang sagot. Ayuuun at kinilig na naman ang betle. "Halika nga rito" at kinuha niya yung kamay ko inilagay sa may batok niya. Inilagay niya naman yung mga kamay niya sa bewang ko. Nag slow dance naman kami kasi bumagal naman yung tugtog. Pang love songs ganun. "Masaya ka ba babe?" tanong niya.

"Oo naman babe" nakangiti kong sagot habang tinititigan ko yung mukha niya. Sana ganito nalang kami palagi. Masaya ako kasi tanggap niya ako. Sana siya na nga talaga hanggang sa huli.

"Mabuti naman. Akala ko epic fail yung surprise ko eh"


"Thank you sa effort mo babe. Happy 4th Anniversary to us"
saad ko.

"I love you babe" at niyakap niya ako.

"I love you too babe." Sagot ko. Kumalas na rin siya sa pagyakap sa'kin.

"Gusto mo manood tayo ng movie?"
Tanong niya.

"Sige gusto ko yan"
. Nagsimula na siyang mag set-up. Ganito lang kami pag nasa condo kami. Nagmo-movie marathon kami. Di kasi kami pwedeng mag movie date. Alam niyo na, buhay showbiz. Naiintindihan din naman niya ang set-up naming dalawa.

"Anong panonoorin natin?"
Pagtatanong ko

"Love story para kilig."
Nakangisi niyang sabi. "Can't help falling inlove? Ito nalang mukhang bagay sa atin to" pagpapatuloy niya habang nag seset-up.

If This Isn't Love (Edited Version)Where stories live. Discover now