Chapter 32 - Avoid II

160 12 4
                                        


Vice's POV

Napamulat ako ng mata nang may masagi ang paa ko na mga bote. Napatingin ako sa paligid. Sikat ng araw, puno, dagat. Oo nga pala, dito sa sasakyan ulit ako natulog. Nasa may cliff pa rin kasi ako. Tatlong araw na ata akong nandito. And yes, hindi ako umuuwi. May mga extrang damit naman ako sa sasakyan eh. 

Ang kalat na nung loob ng sasakyan ko. May mga bote ng alak at lalagyan ng chichirya, yung mga pinagkainan ko kumbaga. Hinimas himas ko lang yung sintido ko sumandal. Tiningnan ko yung relo ko. 7AM! Lumabas ako ng sasakyan at nag-unat ng kamay. Umupo ulit ako sa may malaking bato. Pinagmamasdan ang araw at ang dagat. 

Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan. Tadtad ng messages at missed calls. Ano pa nga ba? Tiningnan ko lang kung kanino galing ang mga to nang may mahagip ang mata ko. Mula sa kanya. Binuksan ko to.

From:  Ate Girl 👻

Vice? Di ko alam kung mababasa mo to. Sa dami ba namang nagmemessage sayo ngayon tsaka baka naka block na ako phone mo. Anyway, hindi na ako magtatanong kung okay ka kasi alam ko namang hindi ka okay.

Di ko alam kung anong nangyari pero base sa nabasa ko sa huling post mo, mukhang may pinagdadaanan ka talaga. Naghiwalay ba kayo ng jowa mo? Magkakaayos rin kayo. Maniwala ka lang. Bigyan mo lang ng time. Mahal ka nun.

Vice? Hindi ka na pumapasok. Narinig ko kina Ate Anne, hindi ka raw ma contact. Sa'n ka ba nagpunta? Sana okay ka lang dyan sa pinuntahan mo. Maraming nag-aalala sayo. Sana wag kang gagawa ng ikakapahamak mo. Bumalik ka na maraming nag-aantay sayo. Namimiss ka na ng madlang pipol.

Heto nagmemessage na naman ako. Pasensya kung sobrang kulit ko na if ever nababasa mo to. Vice? Magiging okay din ang lahat. Nandito lang ako! I mean yung mga kaibigan mo nandyan lang din sila, susuportaan ka nila. Miss na miss na kita bakla kahit na di mo na ako pinapansin. Kahit naiinis na ako dahil sa pag-iwas mo. Pero okay lang kahit di mo na ako kausapin forever basta bumalik ka ng buo. Yung buhay ha! Yung walang galos! Bumalik ka na. Nag-aalala na yung buhay mo.

Napatawa ako sa mga messages niya. Siraulo tong babaeng to! Anong akala niya? Magpapakamatay na ako? Hindi ba pwedeng gusto ko lang huminga sandali? HAHAHA!

"Magiging okay ang lahat? Talaga ba Jackie?" at napatawa ako ng pagak sabay tingin sa harap. "Nagulo kami ng dahil sayo. Ikaw ang dahilan ng paghihiwalay namin."

Napabuga ako ng hangin at napaisip. Ikaw nga ba ang dahilan? O naghahanap lang talaga ako ng masisisi dahil di ko matanggap sa sarili ko na ako naman talaga ang dahilan.

Binuksan ko ulit ang phone ko at nag chat sa group chat namin nila Anne.

'Okay lang ako. Buhay pa ako. Wag kayong mag-alala sakin. Papasok ako bukas. Kayo ng bahala kay Direk.'

Pagkatapos kong isend yun ay ini-off ko ulit yung phone ko. Pumikit ako lumanghap ng sariwang hangin. Gulong-gulo pa rin ako. Sobrang bigat pa rin ng damdamin ko. Sumigaw lang ako ng sumigaw hanggang sa maibsan yung bigat sa loob ko.


Jackie's POV

"Anong iniisip mo Hon?" 

Napalingon ako sa kanya at ngumiti .

"Wala naman Hon."

"Kanina ka pa kasi tahimik. May problema ba?" pagtatanong niya. Umiling naman ako.

"Nakukulangan lang ako sa tulog ko." sagot ko.

Ngumiti lang naman siya. Binalik ko naman yung tingin ko sa labas. Papunta kaming ABS ngayon. Oo, nagkaayos na kami. Humingi naman siya ng tawad sa nangyari. Lasing lang daw siya at di na alam ang pinaggagagawa. Pinatawad ko lang rin. Nangako naman siya na di na uulitin. Pero ewan ko ba! Parang andaming nagbago. Yung relasyon namin parang sa pangalan na lang na boyfriend ko siya at girlfriend niya ako. Wala na yung parang sparks talaga. Yung normal na lang lahat. Ewan ko ba! Hindi ko maintindihan. Hindi ko ma-explain.

If This Isn't Love (Edited Version)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant