Chapter 04 Mommy

5.1K 90 0
                                    

Asha's POV

"Asha gising...may bisita ka." inalog alog ako nito.

"Abo mamaya na. Inaantok pako" narinig ko itong bumuntong hininga.

"Asha dali na. May bisita ka." mas lalo pa nitong nilakasan ang pag alog sakin.

"Sino ba kasi yan? Wala naman akong kakilala dito." nakapikit kong tanong sa kanya.

"Mommy at Daddy mo." agad akong napamulat at tumayo sa kama.

"Asan sila?" masaya kong tanong dito habang inaayos ang sarili ko.

"Nasa baba. Dalian mo kanina pa sila dito. Antagal mo kasing gumising." sabi nito habang kumakamot sa batok at lumabas.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto.
Naabutan ko sila sa sala habang nag uusap. Ng makita ko si Mommy ay agad akong tumakbo at yumakap sa kanya.

Hindi ko mapigilang umiyak.
" Baby" mahinang sambit nito. Mas lalo nyang hinigpitan ang  yakap ng marinig akong humihikbi.

"Sshhhh wag kana umiyak. Andito na si Mommy." umiiyak narin sya. Tinignan nito ang aking mukha at hinaplos ang aking pisngi.

"A-Akala ko kasi di nyo na ko bibisitahin." humihikbi kong saad dito.

"Ang dalaga namin." malambing nitong sabi at hinalikan ang aking noo. Hinanap ko si Daddy. Ansabi kasi ni Abo andito raw sya.

"Nasa labas ang daddy mo. May kinuha sa sasakyan." sabi nito ng mapansin nyang may hinahanap ako. Nginitian ko lang ito at muli syang niyakap.

"I miss you Mom." malambing kong saad.
"I miss you too Baby." malambing naman nitong sagot.

Inayos namin ang aking sarili at umupo.
Kaya pala sila nandito ay gusto nila Mommy na pag usapan ang celebration tungkol sa 18th birthday ko.

Maya maya lang ay pumasok na si Daddy kasama si Ash at Kuya Eros na may dalang mga karton. Nagpaalam naman si Nanay, aasikasuhin nya raw muna ang mga dala nila mommy na box.

"Ano pong laman nung karton Mom?" nagtataka kung tanong dito.

"Mga kailangan mong gamit Baby. Mga damit, make ups, yung sabon na palagi mong ginagamit alam ko namang allergic ka sa ibang sabon. May mga damit ring panlalaki para sa kapatid mo. Binilhan rin kita ng mga gamit para sa pagbebake ng cake." nakangiti nitong sagot. Niyakap kolang ito bilang pasasalamat.

" Maayos kalang ba dito? Hindi kaba inaapi ng kakambal mo o yung kuya mo? " nag aalala nitong tanong sakin.

" Pumapayat kana. Hindi kaba kumakain ng maayos?... Dibali, bibili ako mamaya ng mga prutas, karne at gulay para gaganahan ka sa pagkain." sabi nito habang sinusuri ang aking katawan.

" Okay lang po ako Mommy. " sagot ko dito at niyakap sya.

"Pupunta kaming States baby, gusto mo bang sumama?" tanong nito sakin habang hinahaplos ang buhok ko. Gusto kong umoo, kaso hindi pwede. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na wala sila.

Umiling ako kaya napatingin ito sakin.
"Bakit? Ayaw mo na bang makasama kami?" nakangusong tanong nito.

"Hindi naman sa ganun Mommy. Gusto ko rin pong bigyan kayo ng time para makasama yung tunay nyong anak. At ayuko rin pong ewan sina Mama dito." nakatungo kong sagot.

Narinig ko itong bumuntong hininga.
"Hayaan mo. Pag uwi namin dadalawin ka namin agad." nakangiti nitong sagot. Tumango ako at umayos ng upo.

"Hindi mo ba namiss si Daddy baby?" napatingin ako kay Daddy na nakanguso. Agad akong tumayo at binigyan sya ng yakap. Ginulo nito ang aking buhok bago ako kumalas sa yakap nya.

My Brother My Lover  (Puella Pulchra Series 01) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon