Chapter 20: His Identity.

261 7 1
                                    


DARLYN P.O.V

"are you sure about this?"

Tumango ako ng ilang ulit sa naging tanong niya bago ipagsalikop ang mga kamay naming dalawa.

Ang bilis ng mga araw na nagdaan parang kailan lang Pinalayas ako ng bahay at Napunta kay Boss nagkasakit pa ko sa puder niya malaking perwisyo ang dinanas niya. Hindi ko masasabi kong Pag TATANAN ba kung tawagin ang kinalalagyan ng sitwayon namin.

Pero sobrang laki ng pasasalamat ko na hindi niya ko nagawang pabayaan sa halip na Inalagaan niya ko ng husto higit pa sa sarili niya. Minsan nga nakokonsensiya pa ko dahil hindi naman niya ko dapat asikasuhin at lalong hindi niya rin ako obligado.

"Tell me if your not ready then we can appoint it next time." Nag aalalang saad niya ng mabasa ang pag aalinlangan ko.

Naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagkakasalikop ng mga daliri namin. "Kaya ko..." humugot na lakas na sinambit ko "kakayanin ko makilala lang kita." masyado nakong pinapatay ng mga katanungan sa isip ko.

‘Kung sino nga ba siya?’ , ‘Ano nga ba siya?’ at ‘Sino ang Pamilya at mga Kaibigan niya?’ sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay niya walang lumitaw ni isang pamilya o kakilala niya.

Ni nangambala sa bahay niya wala talaga sobrang tahimik ng bahay niya na tanging kami lang dalawa ang nakatira.

Hindi ba siya hinahanap ng mga magulang niya?
O Pagagalitan dahil dinala niya ko sa pamamahay niya?
Hindi ba siya Palalayasin gaya ng ginawa ng ama ko.

kasi parang wala siyang prinoproblema sa mga taong dapat nag aalala na sa kanya.
Nasaan ba kasi sila?
Gusto gusto ko man magtanong ninais ko nalang manahimik dahil ayaw kong sirain ang pananahimik niya.

Baka ma offend ko  pa siya.
Ang laki pa namang kahihiyan ang dala ko ultimo nadamay pa siya sakin. kaya nung araw na hindi ko na kinayang manahimik sa tabi ay nakiusap nakong Kilalanin siya.
Kahit anumang mangyari kikilalanin ko kung sino siya matagal pa nga siyang nakasagot para pagbigyan ako.

Ngayon, nandito na kami. Aatras pa ba ko?
Ito na ang pagkakataon na makukuha ko na ang mga sagot sa maraming katanungan ko na matagal ko ng hinihintay at Makikilala ko na siya.

’Boss, handa nakong kilalanin kung sino ka.’

"Tara na..." lakas loob akong kumapit sa kanya.

Tumango naman siya at naglabas ng susi para buksan ang pinto. Hanggang sa mabuksan niya ang Pinto at Bumungad saamin ang malawak at maaliwalas na loob.

"Wow.." mangha kong saad na hindi maalis ang pagkagalak na makita ang kabuuan ng loob kung saan may Intablado.

Sinong mag aakalang may Sarili silang Studio sa ganito ka lawak na bahay?

Dito siguro sila nag pra-practice ng mga kabanda niya. Pagmamay ari ba nila to? Sinong may ideyang sa kanila talaga to. Puno ng hiwagang napalibot ako ng tingin sa buong paligid. Ito ang kauna unahang nakapunta ako sa lugar nato kung saan sila nag he-hensayo sa pagtugtog. May iba‘t ibang Instrumentong nakahilera sa Taas ng Intablado.

Yung totoo natutugtog ba nila lahat ng instrumentong nandito?

sa sobrang paghanga ko hindi ko na namalayang natisod nako sa mababaw na parte dahilan na mawalan ako ng balanse sa pag ikot.

"Careful." Sambit niya ng masalo ako sa mga bisig niya.

Mula sa sinig ng Araw na tumagos sa Jelossy na Bintana nila na pumagitna saaming dalawa hindi ko na namalayang napatitig na pala ko sa kanya.

"Are you fine?" Tanong niya na pumukaw sa pagpapantasya kong isipan.

Nataranta akong naitulak siya pero sadyang kumapit talaga ang kamalasan kaya pareho kaming natumba sa makintab na sahig at nakadagan pa ko sa ibabaw niya.

"Sorry..." bulalas ko sa kahihiyan na hindi na magawang angatin pa siya ng tingin mabilis naman akong Umalis sa pagkaka ibabaw sa kanya at napaupo nalang sa tabi.

"It‘s ok.’" narinig ko pa ang pagtikhim niya para linawin ang boses niya.

Nang angatin ko siya ng tingin inaabot niya na ang palad niya dahil nauna na pala siyang nakatayo saaming dalawa hinihintay nalang pala niya kong tumayo.

Ako yung nasa ibabaw niya kanina tapos ako pa yung mahuhuli sa pagtayo.

Walang pag aalinlangan inabot ko na ang palad niya para makatayo kahit sobrang kahihiyan na ang nagawa ko sa kanya. Hindi VIP para tratuhin niya na parang prinsesa. Nakakainis hindi naman ako Tanga at Lampa para Ipahiya ang sarili ko sa kanya.

"We‘re Zakiel band.’" nakangiting pagtukoy niya sa Intabladong may nakasabit na tatlong iba‘t ibang desinyo ng maskara at pamilyar sakin ang dalawang nasa magkabilang gilid ang Isa ay nakita ko ng nasuot niya.

Sinong nag mamay ari sa Gitna?
Hindi ko pa kasi nakitang may nagsuot ng Maskara ganito nung araw na inimbita ako ni Boss dahil tutugtog siya.

Mas lalo tuloy akong Pinapatay ng kuryusidad kong sino ang Kabanda niya. "Ilan kayo lahat?" Naisatinig ko nalang sa kanya.

"We‘re three.’" maikling sagot niya.

Tatlo sila?

’Kunting pasensiya nalang talaga babatukan ko na sarili ko sa katangahan ng mga tanong ko.’ Pero kasi gusto ko lang makasiguro kung tama ang naiisip ko.

"Nasaan sila?" sa hindi malamang galak na makilala ang mga kasamahan niya.

‘Siguro Gwapo rin sila katulad niya.’ sambit ng tumatakbo sa isip ko.
May dalawa pa kong kikilalanin pero nakakapagtakang wala sila at kami lang ang narito.

Nasaan nga ba sila?

May tyansa kayang makita at makilala ko sila ngayong araw? wala naman sigurong imposible diba.

Naramdaman kong naglakad si Boss palayo sakin kaya ng sulyapan ko kung saan siya pupunta nasa may Bookshelves na siya.

’Nagbabasa din pala sila kahit may banda sila.’ pansin ko kasing puno ng libangan ang narito.

Wala talaga kong talento sa pagtugtog ng mga Instrumento tanging Libro lang ang hawak ko at wala ng iba. Kaya humanganga nako sa kanila kahit ngayon ko lang nalamang Isa silang sikat na banda. Sinong mag aakalang ang nagligtas sakin ng ilang beses ay isang napaka Estranghero at Misteryosong lalaki.

Si Boss.
kung siguro nasa iisang paaralan lang kami nag aaral may tyansa kayang makilala ko siya at maging Crush ko?
Baka sakaling Patay na Patay nako sa Kilig dahil sa mga Sekreto niya.
Bigla lang naman kasi siyang  lumitaw sa buhay ko para iligtas ako.

"Anong gagawin mo?" Tumabi nako sa gilid niya ng makitang may hinawi siyang libro.

Ano bang babasahin niya?

Naging abala siya sa mga librong hinahanap. Mukhang seryoso siya sa paghahanap. Iba‘t ibang categorya kasi ng  Libro ang nakahelira kaya nakukuryuso ako sa hinahanap niya. May iilang pamilyar sakin ang iba ngayon ko lang nakita siguro ang ibang libro ay wala rito.

"Anong hinahanap mo?" Sakaling matulungan kita, pero sadyang dinedma miya ko.

Natigil lang siya ng makita ang hinahanap at laking gulat ko ng lumitaw  ang Passcode na bagay at may Pindutin siyang mga letrang hindi ko nagawang mabasa dahil sa mabilis na pagpindot niya.

Bakit may Passcode?

"Ano ba kasi--------" naputol ang sasabihin ko ng umatras ang Bookshelves na  naglalaman ng mga Libro tsaka Tumambad sa harap ko ang hagdan pababa.

Anong kahibangan ito?

Bago pa man ako makapag react ay hinawakan niya na ang kamay ko at naunang bumaba sa hagdan.

"H-hindi..." pigil ko sa kanya "H-hindi ako sasama..." puno ng takot na nagpumiglas ako sa kamay ko na hawak niya.

" you said, your ready? Why hesitate now. " malumanay na sabi niya na komonsensiya saakin.

"Darlin‘."

Napalunok ako ng ilang beses sa malambing na pagtawag niya sa pangalan ko bago sinalubong ang mga mata niyang naghihintay ng magiging sagot ko.

"S-sasama ako." Buong tapang na sambit ko at hinawakan ang kamay niya.

Ngayon pa ba ko aatras kung kailan nandito na tayo.

---END OF CHAPTER 20---

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now