Part 3

7.4K 264 8
                                    

MALAKAS ANG ulan sa labas ng restaurant na kinaroroonan ni Naville. Inayos niya ang kuwelyo ng suot niyang jacket habang pinapanood ang pakikipagsapalaran na naman ng pinakapalikerong lalaking nakilala niya sa kanyang buhay. Hawak niya sa kanyang kamay ang credit card nitong nalaman niyang hindi naman pala talaga credit card kundi isang membership ID card. From the embossed name on it, she realized that Ian Jack Salmentar, playboy of the first order, was a member of the most pretigious and exclusive Stallion Riding Club. Sa isang salita, hindi ito basta-bastang tao dahil ang pagkakaalam niya, ayon na rin sa mga nababasa niyang balita tungkol sa riding club na iyon, mga pinakamayayamang tao lang ang pinapayagang maging miyembro niyon. At depende pa iyon sa mood ng may-ari.

Naghikab siya at dinampot ang pangatlong kapeng in-order niya. Another hour more and she would be having her second meal for the day. Oo, sa tagal niyang paghihintay ng pagkakataon na makasingit sa agenda ng lalaki ay inabot na siya ng siyam-siyam sa dami ng babaeng naka-date nito nagn araw na iyon. Daig pa ang speed-dating. Kung hindi siya nagkakamali, anim na ang nakasama nito sa restaurant pa lang na iyon. Bukod pa sa tatlong babaeng una na nitong nakita sa shop niya kaninang tanghali. At lahat, iba-iba. May sosyal, pa-sosyal, matino at weird. Mukhang bored na bored na rin naman ang lalaki sa bawat pagkakataong iyon pero ang ipinagtataka niya ay hindi naman ito tumatanggi sa mga babaeng nakaka-date nito. Kaya ewan niya kung hahangaan ba niya ito sa pagiging matiyaga nito sa mga nakaka-date o maaasar dahil hindi ito mag-stick sa isang babae lang.

And why the heck did he have to date all those women? What was he trying to prove? Samantalang halata naman sa mukha nitong hindi ito nag-e-enjoy sa mga iyon. Isa pang kinaaasaran niya ay ang pakikipag-date nito samantalang kung hidni siya nagkakamali, nakatakda na itong magpakasal sa kanya. Ayon na rin iyon mismo sa mga magulang niya.

Teka, tama ba? Na ito ang pakakasalan ko? O ito lang ang makaka-date ko mamayang gabi?

Ah, ewan. Kahit ano pa iyon. Kung officially ay nakatali na ito sa isang babae para maging kasintahan nito, hindi ba dapat ay iyon na lang ang pagkakaabalahan nito? Sa nakikita niya ngayon, parang hindi ito kuntento sa kanya kaya naghahanap pa ito ng ibang babae sa pakikipag-date nito. Kahit wala siyang kabalak-balak na patulan ang kalokohan ng mga magulang niya, insulto pa rin sa kanya ang nakikitang ito. Ang nangyari kasi, hindi pa man sila nagkikita ay nagloloko na ito.

This is the reason why I don't want to get married. Men just couldn't stick with just one woman.

So bakit niya ito pinagtitiyagaang hintayin kung puwede naman talaga niya itong lapitan at istorbohin sandali para lang ibalik ang credit card nito? Ewan din niya. Siguro dahil enjoy siyang panoorin ang kamiserablehang inaabot nito sa mga nakaka-date nitong may mga kakaibang ugali. At siguro rin, gusto niyang obserbahan ito ng lihim. Obserbahan ang lalaking pinili ng mga magulang niya para makasama niya habambuhay. Gusto na niyang matawa.

She would never let a guy like him tie her heart down. Not in a million years.

"Excuse me, ahm..." Nilingon niya ang waiter. "Would you like to place an order?"

Umayos siya ng upo mula sa kanyang pangangalumbaba. Tumikhim siya at kahit medyo disorriented pa ay pilit niyang inintindi ang mga nakasulat na French words sa hawak niyang menu.

"Ah...bigyan mo ako ng...ah..." Inilapit at inilayo niya ang menu. Nang hindi pa rin maintindihan iyon ay itinuro na lang niya ang sa tingin niya ay pinakamasarap sa mga iyon mula sa larawan doon. "Ito, bigyan mo ako nito."

"Would that be all...Sir?"

Halatang alangan pa rin ang waiter sa kung ano ang itatawag sa kanya. Itatama na lang niya ito nang makitang umalis na ang kasamang babae ni Ian Jack. "Paki-take out."

"Yes, sir."

Tumayo na siya at nilapitan ang lalaki na nakasandal na sa kinauupuan nito na tila pagod na pagod. He looked up at her when she stood in front of him. Hindi pa rin nagbabago ang malakas na karisma nito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi siya napagod sa pagmamasid dito kanina. She just found out she liked looking at him.

Ipinatong nito ang siko sa sandalan ng kinauupuan nito saka hinilot ang sintido.

"Oh, come on." He even gave out a sarcastic smile. Sarcastic, but still...it sounded so good to her ears. Weird. "I don't have anything against the existence of third sex. But I'm not that open-minded in the idea of going out with another...guy. Sorry."

Lumingon-lingon siya sa paligid upang hanapin kung sino ang tinutukoy nito. Wala naman siyang makita. Hanggang sa mahagip ng tingin niya ang sariling repleksyon sa malaking salamin sa isang bahagi ng restaurant na iyon. With her unrully short hair, loose shirt and jeans, she really looked like a boy just came out of puberty.

"Excuse me, Sir. Heto na ho ang order ninyo."

Nilingon niya ang waiter at inabot ang takeout order niya. Kinuha niya ang resibo at binigyan ito ng limang daang piso bilang bayad. Pag-alis nito ay muli niyang hinarap si Ian Jack na iiling-iling pa rin hanggang ngayon. Agad umarangkada ang isip niya. At hindi niya nagustuhan ang naging pagkakaintindi sa mga sinabi nito.

"Hindi ka naman masyadong bilib sa sarili mo niyan?" aniya. "Huwag kang mag-alala, hindi rin ako pumapatol sa...kapwa ko lalaki. Nandito lang ako bilang isang mabuting mamamayan ng Wow Philippines. O." Ibinigay niya rito ang credit card nito. "Naiwan mo sa shop kanina."

Saglit lang itong natigilan nang makita ang iniaabot niya bago nito iyon kinuha. Ngunit napansin niyang pinagmamasdan na siya nito nang husto na tila ba pinag-aaralan ang kanyang pagkatao. Pagkatapos ay tumayo ito nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

"Anong problema mo?" kunot-noo niyang tanong dito. Napansin niyang tila nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. "Tao po ako."

"Hmm." He stood up straight, still watching her intently. "You look like a girl. Are you sure you're a boy?"

She doesn't like the way he was looking at her. At dala ng mga nakita niyang sandamukal na babaeng dumaan sa mga palad nito sa loob lang ng ilang oras, nagkaroon siya ng automatic na depensa rito. Feeling kasi niya, basta nakapalda, kahit poste e papatulan nito. And she hated those kind of men. The scum of the earth.

Tumikhim siya at mas lalong pinalalim ang boses. "Lalaki ako!" Tinapik niya ang dibdib nito. "Minamaliit mo yata ako, eh. Gusto mong subukan ang pagka-lalaki ko, ha? Ha?" Tumingkayad pa siya para kahit paano ay maging magka-eye level sila at ma-emphasize niya ang kanyang punto. Pero malas dahil hanggang balikat lang nito ang inabot ng height niya. "Ang yabang mo!"

"How old are you?"

"Ha?"

"Ilang taon ka na."

Umurong siya palayo rito. Mabuti at wala na itong sinabi tungkol sa ginawa niyang paghahamon. Kung hindi, pahiya ang bangs niya.

"Beinte sais," maangas niyang sagot. "Bakit?"

"You don't look twenty six to me." Ikiniling nito ang ulo upang mas mapag-aralan marahil nito ang kabuuan niya. "Mukha ka lang eighteen."

"Ganyan talaga ang mga magaganda—ng pogi. Magagandang pogi." Why was she having this strange feelings for this one anyway? Makaalis na nga lang. "Paalam. Goodluck sa mga ka-date mo."

"Sandali lang, boy."

Nilingon niya ito. Sinenyasan naman siya nitong bumalik at maupo sa bakanteng silya sa harap nito. She just stuck out her tongue to him and marched out of the restaurant.

Stallion #49: IAN JACK SALMENTAR (Completed)Where stories live. Discover now