Part 4

7.2K 257 11
                                    


"ABSENT KA ba ng itinuro sa eskuwelahan mo ang tungkol sa kabutihang asal?"

Nagulat pa si Naville nang marinig ang boses ni Ian Jack sa tabi niya. Sumunod pala ito. Nanatili siya sa kinatatayuan niya sa gilid ng restaurant dahil malakas pa ang buhos ng ulan kaya hindi siya agad nakaalis.

"Tinatawag kita kanina, ah," wika nito. "Bakit hindi ka lumapit?"

"Alin sa mga tanong mo ang gusto mong sagutin ko?"

"Marunong kang sumagot, bata. I like that. Gusto mong mag-sideline ngayong araw? Dagdag kita."

"Anong palagay mo sa akin? Poor?" Nilayuan niya ito. Ng mga ilang hakbang lang naman dahil hindi baka mabasa lang siya kapag lumayo pa siya nang husto.

Natahimik ito kaya napilitan siyang lingunin ito at baka kung ano na ang ginagawa nitong kababalaghan. Doon niya napansin na nakatitig lang pala ito sa kanya, na tila ba matamang iniinspeksyon ang pagkatao niya.

"Isa talaga akong dinosaur," asar niyang wika. "Kaya puwede mo ng itigil iyang pagtitig mo sa akin. Baka tapakan kita riyan."

"Hmm." Kumilos na ito napakunot-noo siya nang sa harap mismo niya ito tumayo at nagpamaywang. "Sige, ganito na lang. Tulungan mo ako at babayaran kita sa tulong na ibibigay mo sa akin. How's that?"

"Mayaman sabi ako. Hindi ko na kailangan ng dagdag na kayamanan at baka hindi na ako tanggapin sa langit kapag namatay ako."

"Kung ganon, tulungan mo na lang ako ng libre."

Bumuka na ang bibig niya para sana barahin ito. Hindi kasi talaga niya gusto ang dating nito. Playboy na walang hiya pagdating sa mga gustong makuha mula sa ibang tao. Ang sarap turuan ng leksyon...May kung anong kumislap na ideya sa isip niya. Isang magandang magandang ideya para maturuan ng leksyon ang bugoy na ito. Tutal naman, hindi gaanong hectic ang schedule niya kaya makikipaglaro na muna siya.

She would like to know what her 'future husband' would do, with him still thinking she was a guy.

"Sige, tutulungan na kita," sang-ayon niya sa wakas. "So, anong maitutulong ko sa iyo na may bayad?"

"Akala ko ba libre mo akong tutulungan?"

"Wala akong sinabing ganyan."

Tila hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi niya. Ngunit sa huli, matapos na naman siya nitong titigan nang husto, ay pumayag na rin ito.

"Fine. I want you to be my lover."

"Nakakain ba iyan?"

"Hindi. Iyon ang gusto kong gawin mo. Magpanggap kang lover ko." He touched the bridge of his nose. "I'm really getting tired of dating these women and I wanted to go home now. Kung hindi ako makakatakas sa kanila ngayon, baka dito na ako makatulog."

Sa isang iglap, nang makita ang pagod sa mukha nito, parang saglit ding tila nagbago ang direksyon ng kanyang atensyon. It seemed her irritation had changed into some kind of emotion that resembled concern...Napangiwi na lang siya. Nag-aalala siya sa dakilang playboy na ito? Sarili na lang kaya niya ang pisilin niya hanggang sa matauhan siya sa kalokohang iyon?

Ibinalik na lang niya ang dating composure. "Alam mo, ang engot mo talaga. Kung ayaw mo ng makipag-date, bakit hindi mo na lang sabihin sa mga babaeng iyon na ayaw mo na?"

"I can't. My mother set me up. Tatlong buwan daw niyang pinag-ipunan ang mga ka-dates kong iyon at kapag may isa akong hindi pinakiharapan ng maayos, sa altar na raw ang susunod kong destinasyon."

Stallion #49: IAN JACK SALMENTAR (Completed)Where stories live. Discover now