Gitna

41 9 2
                                    

Dear Kalyx,


Ka-school mate kita at lagi kitang nakikita sa may ilalim ng puno ng acacia na tila nag-iisa. Nagsusulat sa isang lumang notebook at mukhang may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung anong sinusulat mo, 'yun pala ay mensahe mo para sa iyong first girlfriend na si Charie Catamco, kaklase mo.


Alam ko ang hobby mo, mahilig kang gumawa ng kuwento. Follower mo kaya ako sa wattpad nung bagong gawa pa lang ito. Ako ang kauna-unahang nagfollow sa 'yo nung mga panahon na 'yon. Binabasa ko 'yung ginawa mong story pero bakit mo binura? Ang ganda kaya.


Inggit na inggit ako kay Charie dahil magnobyo kayo. Kitang kita ko sa 'yong mga mata ang saya na iniisip kong hindi ko alam kung maipadadama ko ba kung magiging tayo kaya tumahimik ako sa may sulok at pinagmasdan ka na lang sa malayo.


Halos mapunit ang iyong labi nang matapos mo ang mensahe mo para sa kanya. Dali dali mong iniligpit ang iyong nakakakalat na notebook at mga papel. Sinundan kita. Hindi ko alam kung bakit sinundan pa kita pero kahit na nasasaktan ako, gusto ko parin makita kung gaano ka kasaya habang ibinibigay mo ang iyong lumang notebook kay Charie.


Ibinato sa 'yo ang notebook na 'yon at hinalikan sa harapan mo ang isa niyo pang kaklase na nagkakagusto kay Charie. Nagalit ka at sinuntok ang lalaki pero tumigil ka nang sampalin ka ni Charie at sabihin sa iyo ang katagang 'Break na tayo.'


Mas lalo akong nahulog sa 'yo ng makita kitang muli sa may ilalim ng acacia. Nakayuko at umiiyak. Parang hinaplos ang puso ko dahil nakakita ako ng umiiyak at lalaki pa. First time kong makakita ng lalaking umiiyak dahil sa babae. Napakabihira na ng gano'n. Nilapitan kita at inabutan ng panyo ngunit itinaboy mo ako.


Kalyx, pasensya na kung nakaistorbo ako sa 'yo ng mga oras na 'yon. Gusto ko lang kasing mabawasan 'yung sakit na nararamdaman mo. Kung puwede lang kunin sa 'yo, bakit hindi?

A Love Letter [Completed]Where stories live. Discover now