Wakas

41 9 3
                                    

Marami ang nalungkot ng umalis si Kalyx Medina sa mundo ng wattpad matapos mai-publish ang huling libro. Humanga ang kanyang mga mambabasa sa kanyang huling akda na pinamagatang 'A Love Letter'. Marami ang curious kung bakit sa huling pahina ng libro ay may mensahe ang author para sa specific na fan na nagngangalang Kristine Acunia na akala nila ay fiction lamang.


To my number one fan,


          Salamat sa pagsuporta mo hanggang sa huling paghinga mo. I will never ever forget you, Kristine Acunia. Salamat kasi nandiyan ka para sa akin kaya itong libro na 'to ay alay ko sa 'yo. Hindi ako ang gumawa nito kundi ikaw. At lahat ng libro ay may pirma ko dahil ito na ang huling libro na magagawa ko. Nadama ko kung gaano kahirap ang hindi mapansin ng iniidolo mo kung kaya't regalo ko na ang pirmang pinaghihirapan mo dati.


          Hinahangaan kita sa tapang at sa galing na mayroon ka. You were by my side kahit na feeling mo ay parang wala lang 'yung existence mo sa mundo ko pero nagkakamali ka, ang laki mo kayang inspirasyon sa akin. Salamat kasi hindi mo ako sinukuan bagkus ay mas lalo mo pa akong sinurpotahan. Salamat. Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa akin.


          Hanggang sa kabilang buhay!


Nagmamahal,

Kalyx Domingo Medina

A Love Letter [Completed]Where stories live. Discover now