Chapter 24

30 7 0
                                    

Chapter 24

"Did Xavier called?" naitanong ko sa kanya matapos n'yang nag kwento.

"Of course he did, sayo. Hindi ko lang sinagot. Nag text din siya tinatanong kung nasaan ka pero hindi ako nag reply. Flood messages ang binigay n'ya sayo, nakikiusap pa na sakyan mo na lang ang plano niya para mas gumanda ang career n'ya. Baliw ata talaga yang ex mo nanggigigil nanaman ako. Nakakaimbyerna," inis na sambit nito.

"Tingin mo ba hindi ko dapat siya kausapin? I mean naisip ko kasi na baka hindi to matapos kung hindi kami mag uusap. Gusto ko din sanang makausap s'ya para maayos na ito," mahinang sambit ko.

"Paos ka Veronica, siguraduhin mo lang na pag dating ko d'yan ay hindi na mataas yang lagnat mo ha. At tigil tigilan mo ang pag iisip na kakausapin mo yung gunggong na 'yun dahil hindi 'yun papaawat. Nawawala na ata sa sarili kaya wala kang kasiguraduhan kung maaayos n'yo ba ito kapag nag usap kayo o mas palalalain n'yo pa. Tumigil ka dyan naiimbyerna din ako sayo," nasisiguro ko na kung kaharap ko siya ngayon ay panay ang irap sa akin ng babaeng ito kaya natawa na lang ako.

"Whatever, lagi ka namang naiimbyerna. Sige na mag iingat kayo, kung tulog ako pag dating mo ay gisingin mo ako ha?" pag tatapos ko sa aming pag uusap.

Humalakhak naman siya sa sinabi ko, "Buti alam mo. O siya sige bye. Gigisingin talaga kita at marami kang dapat sabihin sa akin,"

"Okay Gail. Ingat," sambit ko tsaka ibinaba ang tawag. Sakto namang dumating si Lucas na nakashort at simpleng white shirt, nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin at agad inubos ang kapeng natira tsaka nag mamadaling tumalikod sa kanya at paalis na sana kung hindi niya lang ako hinawakan.

"Hanggang kailan mo ako iiwasan Veronica?" mariing tanong niya. Gulat naman akong napaharap sa kanya, siya ay seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Hindi ba't ikaw ang umiiwas sa akin Lucas?" pinilit kong mag tunog wala lang iyon ngunit hindi ako nag tagumpay.

He clenched his jaw and look at me like his eyes are saying something to me that I couldn't understand.

"Kailangan ka pa naging friendly at madaldal sa ibang tao?" tanong niya ulit. Naguguluhan naman akong tumingin ulit sa kanya. Ano bang problema nito? Naguguluhan na talaga ako sa kanya.

"Talagang tuwang tuwa ka habang kausap mo si Ramiel at Uno kanina. Ganoon din ba kahapon habang bumabiyahe kayo patungo sa bahay ng kapatid ko?" bakas ang inis sa kanyang boses ngunit hindi ko iyon pinansin. Naiinis rin ako at naguguluhan sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ko? Mag mumuk sa biyahe? Nakakainip kaya at wala namang masama kung makipag usap ako sa kanila diba't mga kaibigan mo sila?" inis na sambit ko sa kanya. Hindi ko na talaga malaman kung anong problema nitong lalaking 'to. Tinatalo pa talaga ang babaeng nireregla.

"Kaibigan ko sila hindi mo kaibigan," mariing saad niya. Napamaang naman ako sa kanya at di makapaniwalang tiningnan siya. Seryoso ba sya? What the hell?

"Madamot ka pala sa kaibigan Lucas? Hindi ko naman alam na kapag kaibigan mo ay hindi ko na pwedeng maging kaibigan," mas naiinis na ako ngayon at alam kong nakikita niya iyon.

Nakapamewang siya habang tinitingnan ako at bahagyang itinagilid pa ang ulo niya habang nakakagat sa kanyang pang ibabang labi. Umirap naman ako dahil sa loob ko ay nag susumigaw kung gaano ko namiss na titigan siya ng ganito. Ang gwapo pero napakamoody, daig pa ang babae.

"Hindi ko sinabing bawal mo silang kaibiganin," mas malumanay na sambit niya. I laughed sarcastically to him. Kumunot naman ang kanyang noo dahil doon.

"Really Lucas? Ang sabi mo kanina ay kaibigan mo sila, hindi ko kaibigan. Anong ibig noon kung ganon?" taas kilay na tanong ko sa kanya. Ngumuso naman siya at nag pipigil ng ngiti. Umirap naman ako sa kanya at umiling tsaka s'ya tinalikuran ngunit pinigilan n'ya ulit akong makaalis. Iniharap niya ako sa kanya, seryoso na ulit.

After HimWhere stories live. Discover now