TWO

1.5K 89 9
                                    

[ TW: Mental Illness, Crime, Blood, Brutality, Violence ]

CHAPTER TWO


🚪VIOLET's CONDO

KANINA ko pa pinagmamasdan ang Letter of Recommendation galing sa C.O.I. Totoong naghahanap ako ng trabaho at kailangan ko ito, at totoo ring gusto kong maging alagad ng batas. Lahat ng sinabi ni Ms. Hilda Ahn ay totoo.


"Kanina mo pa tinitignan 'yan, nakapag-desisyon ka na ba?" tanong ni Daegan sa akin.


Nagkaayos na kami simula nang araw rin na 'yon. Hindi naman na kami bata para patagalin ang ganitong klaseng tampuhan.


"Hindi ko alam, may part sa 'kin na gusto kong subukan ito, at may part naman sa 'kin na nagdadalawang isip ako." I explained as I was still looking at the letter.


"Anong mas matimbang? Ang gusto mo o pagdadalawang isip mo?" he asked again and later drink his water.


"Does it matter?" I asked back.


"Kung ano 'yong mas matimbang, ayon 'yong 'wag mong sundin." Daegan remarked, waggling his eyebrows on me.


"Hindi ba dapat kung ano 'yong mas matimbang ayon ang susundin?" aniko na naguguluhan sa sinabi nito.


"Kung talagang matimbang 'yan, hindi ka magkakaroon ng second choice." He commented and shrugged.


Once again, it's Daegan and his lesson na naman.


"You're nonsense!" I blurted as I rolled my eyes. Akala ko naman ay matutulungan ako nito.


"Am I?"


Imbes na sagutin ay iniwan ko na lang ito at ipinasok sa envelope ang letter saka pumasok sa kwarto. Kung anuman ang magiging kahihinatnan ko bukas ay papanindigan ko na lang.


*****

🏢C.O.I Main Facility

'CIVIL ORGANIZATION of INVESTIGATION'

Basa ko sa pangalan ng tinatapakan kong building ngayon. Nandirito ako ngayon sa main building ng C.O.I. nakatayo at nakatunganga. Iniisip kung papasok ba ako o kung tititigan ko lang ito.


Naalala ko tuloy kagabi ang mga impormasyong nalaman ko tungkol sa organisasyong ito. Wala akong alam tungkol sa kanila dahil ang pokus ko lang ay kung paano maging Police Officer sa dating pinagtatrabahuhan ni papa. Ang S.M.P.S.


Isa ang C.O.I. sa pinakamaraming nalutas na kaso sa iba't ibang uri ng krimen. Kilala sila sa pagkakaroon ng magagaling na Profiler at Detective, kaya nagtataka ako kung bakit wala akong alam tungkol sa kanila. O sadyang hindi ko binibigyang pansin ang ibang bagay?

DETECTIVE MILLER (STAR GUARDIAN SERIES #1)Where stories live. Discover now