CHAPTER 10

858 53 2
                                    

Serenity Sylvester

So as I've said nga nung nakaraan, I'm making myself busy. I looked at my employee lists and look for some people that really needs like a time out, you know those super hard working people that is always over time for the rest of their work. I called them in my office one day and told them to take a vacation for at least a month. Some of them are thankful and some of them took sometimes to convince, kasi hindi daw pwedeng mabawasan yung kinikita nila, dahil sobrang budgeted na daw yun and malaki daw ang family nila, kaya ayun sinabi ko na paid vacation yun, kaya walang bawas sa sweldo nila.

Ng malaman ko yung concerns nila regarding sa sweldo nila syempre nagtaka ako, kasi yung pag papasweldo ko sa kanila ay naka depende sa ideclare na minimum ng government. Their salary in my company is 75k aud to 150k aud, 75k being the lowest. So i went and did a background check dun sa mga nag hihirap pa rin sa sweldo na binibigay ko, and they do have a big family and it looks like breadwinner yung mga tauhan kong yun... anyways...

In other words, nakumbinsi ko sila at ngayon lahat ng paper works nila ay natambak sa akin, although I'm a fast worker. Ang problema ko na lang ngayon dahil ang 1 month worth na work nila ay matatapos ko na, and third week pa lang... wag niying sabihin na ang oa ko, at baka nag sisinungaling lang ako, I'm not mukha bang sa 10 years na nakalipas nakatunganga lang ako? Syempre hindi, at ako ang boss dito syempre pinagdaanan ko na yang ganyan kadaming paper works, na may deadline. Atsaka this past few weeks ay 7 am na ako pumapasok and mga 12 am na ako umuuwi, wag ko lang makasama ng matagal si marky.

Hindi ko lang alam kung napapansin niya yung pagka wala ng presence ko dahil wala naman siya say sa late na pag uwi ko. Ang kinaiinis ko lang ngayon, si marky dinala yung babae niya sa bahay nung nakaraan, di ko alam kung natulog yun dun or hindi dahil hindi ko na binalak pang silipin ang kwarto ni marky, baka may makita lang akong hindi kaayaaya. And to add some information, yung babaeng nakatabi namin sa table namin nung Coming party ay yun yung girlfriend niya. Grabe ang happy talaga ng buhay ko

"Hey wifey!" Nagulat ako ng narinig ko ang boses ni marky at agad akong nagtype sa laptop at hindi siya tinignan

"Bakit andito ka?" Tanong ko sa kaniya while still focusing sa laptop

"Im with rachel, look at me naman" sabi niya na ikinagulat ko at agad akong napatingin sa kaniya at tumingin sa paligid at wala naman siyang kasama

"Oh diba hinanap mo din siya, wala siya dito andun siya sa condo namin" sabi niya at parang nag pantig yung tenga ko sa sinabi niya, pero kinalma ko lang ang sarili ko

"Kelan ka aalis?" Tanong ko lang sa kaniya at binalik ang atensyon ko sa laptop

"Huh? What are you talking about?" Takang tanong niya at mukhang hindi siya aware na nadulas siya

"You said it yourself, condo niyo, so when will you leave?" Sabi ko lang sa kaniya at natuon ko na ang buong atensyon ko sa mga tinatype ko, dahil kung ibibigay ko ang atensyon ko kay marky baka magwala lang ako at sumabog ako

"Ay nasabi ko ba, actually di ko alam kung napapansin mo, pero nakapag impake na ako, nag hahanap lang ako ng tyempo kung kelan ko sasabihin sayo kasi lagi kang late umuwi at ang aga mo umalis" sabi niya sa akin at napangisi na lang ako, kinakalma ko na lang talaga sarili ko pero konti na lang sasabog na lahat ng nararamdaman ko

"Well, now that you have told me, is this the day you'll be going?" Tanong ko lang sa kaniya

"Oo" sabi niya at tumingin ako sa kaniya

"Well, farewell. And goodluck sa love life" sabi ko sa kaniya at ngumiti ako sa kaniya at lumapit siya sa akin at niyakap ako

"I'll make sure to visit you" sabi niya sa akin at umiling iling na lang

"No, wag na, just focus on your business and her" sabi ko lang sa kaniya at binigay niya sa akin ang susi ng kotse

"Sige alis na ako, maglilipat pa ako eh" sabi niya habang nakangiti at umalis na siya nag antay lang ako ng ilang mimuto bago tumakbo sa pinto ng office ko at nilock ito at dumeretso ako sa sofa at humiga

"Well, this was expected, but its too sudden" sabi ko na lang at pinabayaan na tumulo ang mga luha ko.

"Sabi mo priority mo ako at hindi mangyayare yung iniisip ko nuon tapos ngayon iniwan mo ako kasi nagka girlfriend ka na. Grabe ang saya!" Nabulyaw ko na lang at hinampas ko ang sarili ko

Shall we go back to that dark and serious part of me? Go back to the time when mark aren't in my life yet? That's the only thing we cam do, be emotionless, and just be serious.

Agad akong tumayo at inayos ang itsura ko at inunlock yung door ko at saktong pagka unlock ko nun ay may kumatok at bumukas naman yun at pumasok si harry.

"Harry!?" Gulat na banggit ko sa kaniya, pero agad akong bumalik sa business aura ko at ininvite siyang umupo sa sofa at ako naman ay naupo sa throne ko

"Do you have some business with my company Mr. Weign? What is the reason of your arrival here in my company?" Seryosong tanong ko sa kaniya at ngumisi lang siya sa akin

"Tama nga si mark, nag bago ka na. Kala niya nung una napabalik ka na niya sa dating ikaw, pero after lang ng ilang buwan bumalik ka agad" sabi niya at huminga lang ako ng malalim

"I didn't know you were this talkative, 10 years ago you're just like lesley's bodyguard on the side, always silent but alert" sabi ko sa kaniya at tumayo siya

"Well, i just visited you here, just to check on you... after all you've disappeared on us 10 years ago... but seeing you this strong, i guess you've grown up." Sabi niya at aalis na sana siya pero may naalala ako

"Kuya harry" mahinang sabi ko sa kaniya at agad siya lumingon sa akin at napangiti siya ng sobra

"Naalala mo na nga ang lahat, okay lang yan bunso, okay lang na nagbago ka na, at least di na ako mag aalala" sabi niya at hindi ko maiwasang malungkot, ng dahil sa kagustuhah kong mag mukhang malakas, hindi ko na maexpress ang mga totoo kong emotion, I'm just like a robot now

It Was Him All AlongWhere stories live. Discover now