Chapter 7

996 101 20
                                    

Halos isang linggo na ako sa bahay ni Cyrah. Ang taong gumawa sa akin. Noong una, irita siya sa akin. Ewan ko ba. Siya ang gumawa sa akin tapos maiinis siya. Sa araw-araw na kasama niya ako, we became friends. Nakakainis nga lang kasi ayaw niya akong maging close kay Shyna. Shyna looks like Fatima, my girlfriend in her story. Kahit ayaw kong gumawa ng kasalanan sa taong gumawa sa akin, I need to. I want to.

Tahimik akong naglakad sa kwarto niya, pumunta ako sidetable para kunin ang cellphone ni Cyrah. Sana lang ay walang password iyon kundi ay lagot na ako. Kukunin ko lang naman nang palihim ang number ni Shyna eh. Ayaw kasi niyang ibigay kaya ako na ang gagawa ng paraan. Makikipag-kaibigan lang naman ako eh, walang problema iyon!

Nang nakuha ko na ang cellphone niya ay dasal ako nang dasal na sana ay walang password iyon. Buti na lang talaga at dininig ni Lord ang panalangin ko. Walang password ang cellphone ni Cyrah. Ang ganda ng wallpaper niya, book cover ng Dixon's Tragedy kung saan ay bida niya ako. Favorite talaga niya ako sa lahat ng pinatay niya, no?

Agad kong hinanap ang pangalan ni Shyna sa contacts niya para ilagay sa cellphone ko. Mahirap na, baka magising pa siya at magalit na naman sa akin kapag nakita na hawak ko ang phone niya. 

Nang makuha ko iyon ay tuwang-tuwa ako. Pinigilan kong gumawa ng ingay dahil tulog na tulog si Cyrah. Nahilik pa nga at tumutulo pa ang laway. Yuck. Is this really the one who created me? Nakakatawa siya, to be honest. 

Tinext ko agad si Shyna, kahit alasdose na ng madaling araw ay umaasa ako na gising pa siya. Nagpupuyat naman siguro talaga ang mga totoong tao hindi ba? Katulad ni Cyrah, puyat sa kakasulat para lang patayin ako at ang mga iba pa niyang bida.

Binalik ko na agad ang cellphone sa sidetable ng kama niya at humiga na sa kutson. Sana pansinin ako ni Shyna. Mabait naman kasi si Fatima kaya sure akong mabait rin si Shyna. 

To: Shyna

Hello. This is Dixon. I got your number from a friend. ;)

From: Shyna

Sinong Dixon? The only Dixon I know was the character of Cyrah sa story niya. Too bad pinatay siya ni Cyrah.

Oh, so kilala niya ako. She's a reader of Cyrah. Good! May pag-uusapan na kami dahil alam ko naman ang buong kwento ko. Buti na lang talaga at kinuha ko ang number niya. Maliban kina Cyrah at Aira ay may makaka-text na akong iba. Kamukha pa ni Fatima, my love!

To:  Shyna

Oh, binabasa ko rin iyon! Nakakainis ang Cyrah Melendez na iyon ano? Lagi na lang mamamatay ng character. Siya patayin ko eh, nakakainis siya!

From: Shyna

Oh, reader ka rin pala niya.  Friend ko siya in person, gusto mo bang makilala ka niya? I can tell her that. Mabait naman siya.

To: Shyna

Wag na. Kilala ko na siya. By the way, nasaan ka pala ngayon? Can I be there with you? :>

From: Shyna

Oh, kilala mo na pala siya. Baka siya nagbigay ng number ko sa iyo ah? Haha. Anyways, nasa bar ako. Mamaya pa ako uuwi kasi magkaaway kami ng boyfriend ko ngayon.

So, magkaaway pala sila ni Brian. Ang taong kamukha ko. Haynaku, I hate the idea of it. Bakit naman kasi sa dinami-dami pa ng tao eh si Brian pa ang naging inspirasyon ni Cyrah sa kwento niya.

To: Shyna

Baka. ;) Oh, nasaang bar ka? Puputahan kita. Mahirap na ang sitwasyon ngayon, baka mapaano ka pa. Susunduin na kita kung okay lang sa iyo. :)

From: Shyna

Oh really? How nice of you naman. Nasa The 1985 ako. Malapit lang ito sa bahay ni Cyrah. We can go to her after kung gusto mo siyang makita. Sana lang ay gising pa siya.

To: Shyna

Wala, tulog na iyon. Sige na, pupuntahan na kita. See you!

Agad akong nagbihis nang pantalon at white t-shirt. Buti na lang talaga at binili ako ni Cyrah sa ukay-ukay noong nakaraan. Tatakas ako ngayong madaling araw para makita ko si Shyna. Wala na akong pakialam kung nasaan ang The 1985 na iyon, ang importante naman ay malapit lang kina Cyrah kaya makakauwi agad ako kung sakali. 

Muli akong tumingin kay Cyrah bago umalis. I'm sorry, Cyrah. Shyna needs me.

Dahan-dahan akong lumabas at sa awa ng Diyos ay hindi naka-lock ang pintuan ng apartment ni Cyrah. Mukhang gising pa ngayon si Aira kaya bukas pa ito. Isa pa, may naririnig akong ingay na nagmumula sa kwarto niya. Buti na lang talaga ay nagdahan-dahan ako para hindi niya ako marinig.

Nang makalabas ako ay agad akong ginanaw sa sobrang lamig ng hangin na dumadampi sa akin. Peste, wala nga pala akong jacket. Wala naman kasing binili si Cyrah na ganoon. Marahil alam niya kasing hindi naman ako lalabas ng apartment kaya hindi niya ako binilhan.

Dali-dali kong hinanap sa kaliwa at kanan ang The 1985, pero wala. Hinanap ko pa ulit. After 2 minutes, nakita ko na. Paderetso pala mula sa bahay ni Cyrah iyon. Nakita ko ang malaking signage. Ang laki ng ngiti ko at agad na naglakad pero putangina nilalamig pa rin ako dahil sa hangin na humahampas sa balat ko.

Nang makarating na ako malapit roon eh agad kong tinext si Shyna. Shyna, bilisan mo naman sana dahil baka mamatay ako dahil sa lamig rito. Baka kailangan ko na ng yakap mo.

To: Shyna

I'm here. Ang lamig!

From: Shyna

Oh! Wait. I'm coming.

Natawa ako nang konti dahil iba ang naiisip ko. Agad namang nawala iyon dahil lumabas na rin siya mula sa bar. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw, para bang slow mo ang lahat. Ang ganda ni Shyna, kamukhang-kamukha niya talaga ang Fatima ko. 

Kill Thy Author (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora